top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni MC / VA / GA - @Sports | May 21 , 2022



Ikalawang gold medal ang nasungkit ni Fil-Jap judoka Shugen Nakano sa Judo nang talunin ang Vietnam sa Men’s -66kg Finals kahapon habang silver medal naman si Khrizzie Pabulayan sa women's -52 kg.

Tumiyak na rin ang Pinas ng gold-silver finish sa men’s at women’s 10-ball events sa billiards. Parehong pasok sa final sina Rubilen Amit at Chezka Centeno para sa all-Filipino title clash. Nasundan ng all-Pinoy match-up nina Johann Chua at Carlo Biado sa men’s event sa men's semifinals kahapon.


Nagmartsa naman sa gold medal round si Ian Clark Bautista men's featherweight semifinals ng boxing habang bronze medal si Olympian Jasmine Alkhaldi sa women's 100m butterfly event.


Nagkasya sa bronze medal para sa ika-2 pagkakataon ang beach volleyball men at women's sa SEAG. Naduplika nila ang tansong medalya noong 2019 edition nang talunin ang Vietnam sa Hanoi, kahapon.


Ikalawang bronze medal ang nakuha ni Woman GM Janelle Mae Frayna sa chess. Natalo si Frayna sa Vietnam ng women's individual blitz.


Fifth place naman ang PHL men’s national volleyball team nang talunin ang Myanmar 26-24, 22-25, 25-22, 27-29, 16-14. Naka-silver ang Pinoy noong 2019.


Naitakas naman ng duo ng junior grand slam titleholder nina Alex Eala at Treat Huey ang bronze medal sa mixed doubles event sa SEAG Hanoi, Vietnam. Kinapos ang pares sa Thailander na sina Patcharin Cheapchandej at Pruchya Isaro noong Huwebes sa semis. Una ring naka-bronze si Eala sa women's singles event.

 
 

ni MC / VA - @Sports | May 20, 2022



Naiuwi ng GrindSky Eris ang unang gintong medalya para sa national esports team Sibol sa pagpapatuloy ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam nang idiskaril ang Singapore, 3-0 sa grand finals Miyerkules ng gabi.


Binubuo nina Charize “Yugen” Doble, Gianna “Jeeya” Llanes, Christine “Ray Ray” Natividad, Rose Ann “Hell Girl” Robles, at Angel Danica “Angelailaila” Lozada ang Sibol first women medalists sa SEA Games, mula nang maibilang ang esports sa biennial meet noong 2019.


Bagamat naipuwersa ng Singapore ang Game 4, bumanat si Doble ng quadra kill upang burahin ang gold leap ng kasagupa at matulungan ang team na umangat sa kontensiyon.


Nakuha pa ng Singapore ang Baron Nashor para umariba sa game, pero hindi iyong naging sapat, dahil lumaban pa ang Sibol sa sumunod na ika-22 minuto bago tuluyang nawasak ng Pinay squad ang Nexus ng Singapore at masiguro ang SEA Games gold medal.


Napunta sa Singapore ang silver medal habang ang Thailand ang naka-bronze, matapos tapusin ang hosts Thailand sa bronze medal match.


Samantala, naibulsa naman ni Christine Hallasgo mula sa kampanya ng Philippine athletics team ang silver medal sa My Dihn National Stadium sa marathon.


Malakas sana ang takbo niya sa huling 600 metro, pero bumagal si Hallasgo dahil pinulikat siya pero sinikap pa rin na makatuntong sa runner-up finish sa event bagamat hindi niya naidepensa ang korona noong 2019 SEAG PHL edition.

Tumapos si Hallasgo sa oras na 2:56.07 sa likod ng golden girl na si Odekta Naibaho Elvina (2:55.280). Tersera si Ngoc Hoa Hoang Thi ng Vietnam sa 2:57.350.

Ikapito ang silver ni Hallasgo para sa Team PH sa biennial meet, na may five gold at 14 bronze medals. Nabigo ang team na ipatas o lampasan ang 11 gold, 8 silver at 8 bronze medals ng 2019 SEAG athletics na idinaos sa New Clark City Athletics Stadium sa Tarlac, pero tagumpay pa rin ayon kay Philippine Athletics Track and Field Association head coach Joeffrey Chua ang mga tracksters.

 
 

ni Delle Primo / VA - @Sports | May 20, 2022



Perpekto ang naging simula ng National University sa UAAP Season 84 women's volleyball tournament nang walisin ang University of the Philippines (UP)sa Mall of Asia Arena.


Pumalaot ang Lady Bulldogs 25-10, 25-20, 25-15 victory, umibayo sa 7-0 ng elimination round ang pinakamalupit na simula ngayong season.


Samantala, nasagap ng Fighting Maroons ng ikaapat na diretsong talo upang tapusin ang first round sa 3-4 win-loss slate.


May 13 puntos si rookie star Michaela Belen, lahat sa kills habang si skipper Princess Robles ay dumagdag ng 12 markers kasama ang 12 digs, at may 11 puntos si Ivy Lacsina. Rumehistro ang NU ng 44 kills para sa 26 lang ng UP, at nalimitahan ang errors sa 16.


"Kailangan din namin 'tong panalo na 'to going to the second round. Kasi momentum namin 'to para ma-motivate lalo 'yung team at makapag-prepare pa kami para sa mga mas mahirap na game sa second round," ayon kay NU head coach Karl Dimaculangan.


Sa unang laro, tinapos ng Adamson ang first round sa pamamagitan ng panalo matapos walisin ang University of the East (UE), 25-23, 25-20, 25-18.


Dahil dito, nakabawi ang Adamson sa huling kabiguan nito sa kamay ng University of Santo Tomas para tumapos na may 4-3, panalo-talong baraha habang tumapos naman ang Lady Warriors na wala ni isang panalo (0-7).

Pinangunahan ni May Ann Nuque ang nasabing panalo ng Adamson sa iniskor na 15 puntos, kasunod si Lorene Toring na may 14 puntos at katuwang ang playmaker na si Louie Romero na nagtala ng 19 excellent sets. Nanguna para sa UE si Ja Lana na may 16 puntos kasunod si Ercae Nieva na may 14 puntos.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page