top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Delle Primo / VA - @Sports | June 8, 2022



Naiposte ng University of Santo Tomas (UST) ang kanilang ika-9 na panalo sa UAAP Season 84 women’s volleyball na nagbigay sa kanila ng tiket papasok sa Final 4.

Winalis ng Tigresses ang determinadong UE Lady Warriors, 26-24, 25-18, 25-19, sa kabila ng mga errors na naitala nila kahapon sa Mall of Asia Arena upang umangat sa 9-4 na baraha.

Nalasap naman ng Lady Warriors ang kanilang ika-13 pagkatalo sa loob ng sindaming laro.


Naglaro ang UST na wala ang headcoach na si Kungfu Reyes dahil sa may inasikaso itong mahalagang bagay at pansamantalang humalili sa kanya ang assistant coach na si Yani Fernandez.


Samantala, nalasap ng Lady Warriors ang ika-13 pagkatalo ngayong season. Masigla rin ang simula ng UE at nakalalamang pa sa laban hanggang final stretch ng opening set, 24-23. Pero hindi pumayag si Imee Hernandez at umiskor ito sa gitna ng laban at ipatas sa 24-all ang iskor bago sumadsad si Janeca Lana sa dalawang straight attack errors at bigyan ng set ang UST.


Pinakabog pa ng Lady Warriors ang UST pagdating sa second frame sa 16-15 lead pero pumalag ang Tigresses sa 9-1 run matapos ang technical timeout, kasunod ng back-to-back aces ni Tin Ecalla sa 24-17.


Samantala, nalusutan ng National University ang pagwawagi kontra Far Eastern University, sa loob ng straight sets, 26-24, 25-17, 25-19, 25-10 para sa malinis na 13-0 rekord upang makaisang hakbang na lang para diretso na sila sa finals.

Hindi nagbigay ng pagkakataon ang Lady Bulldogs matapos ang pangunguna ng Lady Tamaraws sa 24-26 ng unang set.

Pinangunahan Michaela Belen ang nasabing panalo sa itinalang 18 puntos kasunod si Sheena Toring sa 12 puntos. Kasamang nagpakita ng impresibong laro sina Alyssa Solomon na nagdala ng 10 puntos at Jennifer Nierva na nagpasok ng 18 digs at 12 excellent receptions.

Tangka ng Lady Bulldogs ang 14-0 win-loss rekord sa Huwebes para sa Finals sa paghaharap ng National University at University of Santo Tomas ng 4 pm. Samantalang ang makakalaban ng Far Eastern University ay ang University of the East.

 
 

ni VA - @Sports | June 4, 2022



May bagong head coach ang Gilas Pilipinas para sa susunod na window ng FIBA World Cup Qualifiers.


Itinalaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang dating consultant na si Nenad Vucinic bilang head coach ng men’s national 5-on-5 basketball team para sa 3rd window na gaganapin sa Auckland, New Zealand at Pasay City.


Coach Nenad will be the coach handling Gilas this window,”pahayag ni Gilas team manager Butch Antonio na kinumpirma rin na bahagi pa rin si coach Jong Uichico ng coaching staff.


Nakatakdang makaharap ng Gilas ang Tall Blacks at India sa Hunyo 30 at Hulyo 3 ayon sa pagkakasunod. Ngunit bago ito sasabak ang Gilas sa dalawang friendly games kontra South Korea sa Hunyo 17-18.


Pamilyar ang 57-anyos na si Vucinic sa New Zealand dahil naging head coach siya ng team noong 2006 hanggang 2014.


Samantala, inimbita para makasama sa Gilas pool para sa nasabing window ang mga holdovers ng nakaraang Gilas squad na sina Angelo Kouame, Dave Ildefonso, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo, William Navarro, Justine Baltazar, Lebron Lopez, Thirdy Ravena, Dwight Ramos at Geo Chiu.


Makakasama nila ang mga baguhang sina Rhenz Abando, Kevin Quiambao, James Spencer at Sherwin Concepcion.

 
 

ni VA - @Sports | May 23 , 2022



Nangunguna si UST skipper Eya Laure bilang top scorer matapos ang first round ng UAAP Season 84 women's volleyball tournament.

Nakapagtala ang third-year spiker ng Tigresses ng 160 puntos mula sa 143 spikes, 11 blocks at 6 na service aces matapos ang 7 laro sa first round kung saan nagtapos ang UST na may 5-2, kartada.

Pumapangalawa si Faith Nisperos ng Ateneo na may 127 puntos, pangatlo ang La Salle rookie na si Leiah Malaluan na may 109 puntos, pang-apat si University of the East hitter Ja Lana na may 102 puntos at panglima si Michaela Belen ng National University na may 97 puntos. Lider sa blocks si Lorene Toring ng Adamson na may 0.58 per set average, kasunod si AC Miner (0.50) ng Ateneo at Baby Jyne Soreno (0.48) ng La Salle. Si Lady Bulldogs captain Cess Robles ang namumuno bilang league's best spiker sa kanyang 38.64-percent success rate kasunod sina NU teammates Belen (38.05-percent) at Alyssa Solomon (36.52-percent),Laure (34.29-percent) at Nisperos (33.75-percent).

Nangingibabaw si Solomon bilang best server na may 11 service aces at average na 0.48 aces per set. Namumuno naman bilang top setter si Camille Lamina ng NU na may 5.09 average per set habang ang kakamping si Jennifer Nierva naman ang angat sa receptions sa kanyang 50-percent efficiency.

Samantala, si Justine Jazareno naman ng La Salle ang top digger sa first round sa naitala nitong 5.00 average per set.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page