ni MC / VA - @Sports | June 27, 2022

Pumalaot ang defending titleholder TNT Tropang Giga sa ikatlong panalo matapos ang 87-72 na iskor laban sa Phoenix Super LPG sa 2022 PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Centre sa Antipolo City.
Nagbalik ang matinding porma ni Mikey Williams, ang Finals MVP noong huling edisyon ng PBA makaraang ipamalas ang all-around performance sa itinarak na 27 points, 7 assist, 6 rebounds at 2 steals at pag-ibayuhin ang Tropang Giga sa 5-2 panalo-talo.
Hawak pa ang naiiwang 4 puntos matapos ang kalahati ng peryodo, 61-58, sinimulan na ng TNT na umalagwa sa 4th quarter nang umiskor si RR Pogoy ng lay-up at bigyan ang tropa ng pangunguna sa laro, 87-68 sa natitirang 1:33.
Lumamang pa rin ang TNT sa Fuel Masters sa 14 points sa papakulapsong oras at tumapos si Williams ng 11 sa kanyang overall output.
Ang panalo para sa TNT ang maituturing na pinakamainit na team sa liga matapos unang maagang dispatsahin ang Rain or Shine at sister team Meralco Bolts. Samantala, lagpak naman ang Phoenix sa 2-4 kartada dahil sa dalawang sunod na pagkatalo.
Ang beteranong si Sean Anthony ang namuno sa Fuel Masters sa bisa ng double-double 13 points at 14 rebounds kasama ang 2 assists at steal. Nakapag-ambag si Rookie Tyler Tio ng 13 marka.



