top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni VA - @Sports | October 1, 2022




Kinakailangan ng Jose Rizal University ang ekstrang overtime na 5 minuto para manligpit, 67-64 at tapusin ang Mapua University Cardinal sa NCAA Season 98 sa San Juan Arena kahapon.


Pumoste si Joshua Guiab ng 17 points at 10 rebounds para pangunahan ang Heavy Bombers habang si Marwin Dionisio ay may binakas na 15 markers, kasama ang 4 sa overtime. Angat sa 3 puntos sa payoff period, nagpakawala ang Heavy Bombers ng 10-5 run para sa lumider sa 60-52 sa nalalabing 4:18 minuto.


Pero nakaalpas ang Cardinals sa 6-0 run at dumikit sa 60-58, bago nasipulan ang team dahil sa turnover. Ipinatas ni Rence Nocum sa bisa ng layup, 60-60, ang nalalabing 11.6 segundo bago sumablay si Agem Miranda sa huling tangka at naitakda ang overtime.


Umangat sa dalawang free throws ni Dionisio ang JRU, 67-62, sa loob ng two-minute warning bago naihabol ni Nocum sa 67-64 affair.


Magkasunod na sablay ng Mapua ang sinamantala ng JRU. Hindi na lumingon pa ang JRU at nagsalpak ng tres para 3-2 win-loss card habang sumadsad ang Mapua sa matamlay na 1-5 kartada.


Sa pagtatapos ng first half, apat na technical fouls at dalawang unsportsmanlike fouls ang nasipulan habang na-thrown out sa game si Jonathan Medina ng JRU makaraang pumasok sa court sa 4:59 mark ng second quarter.


Isang buzzer-beater na tres mula kay Toby Agustin sa half-court mark na nagtapos sa third quarter ng JRU para lumamang sa 50-47 iskor.


 
 

ni VA / MC - @Sports | September 24, 2022




Sasabayan ng husay ni Pinoy Ernest John "EJ" Obiena bilang world's No. 3 ang mga world-class pole vaulting colleagues na dadalhin niya sa bansa sa isang invitational competition sa 2023.


Iimbitahin na makarating sa Pilipinas sina world No. 2 Chris Nilsen, Rio 2016 Olympics gold medalist Thiago Braz lalo na si world and Olympic champion at world record holder Armand Duplantis.


Sa unang pagkakataon, ang tatlo at iba pang world class pole vaulters ay magpapakita ng mga high-flying acts sa harap ng Pinoy fans.


The objective is to bring them here after the outdoor season’s over,” saad ni Obiena kay Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa isa nilang pag-uusap habang nasa bakasyon sa bansa ang world championships bronze medalist kasama ang nobya na German long jumper na si Caroline Joyeaux.


Aprubado ito ni Tolentino at hahanapan na ito ng POC head ng venue.


The Picnic Grove here could be an ideal venue,” saad ni Tolentino, hinggil sa paboritong destinasyon ng local at foreign tourists sa Tagaytay City.


Itutulad ang setup na parang sa Europe, isang street venue kung saan ang runway, box, crossbars at landing area ay portable o collapsible. “With the Taal Volcano as backdrop, what more could you ask for—a world-class pole vault action in one of the most picturesque tourist attractions in the country,” saad ni Tolentino. “Every jump will be postcard-perfect.”


Ang European outdoor season ay magtatapos sa unang linggo ng Setyembre at ang Asian Games sa Huangzhou ay naka-set sa parehong buwan sa 2023. Napipisil nina Obiena at Tolentino ang last part ng Setyembre o early mid-October bilang petsa. “The event will be a spectator-friendly event, and it’s planned that it be sanctioned by World Athletics,” ani Obiena.

 
 

ni Gerard Arce / VA - @Sports | September 23, 2022




Nagbabalik upang maglaro para sa koponan ng F2 Logistics ang American import na si Lindsay Stalzer at ang Fil-Am na si Kalei Mau para sa darating na Premier Volleyball League Reinforced Conference na magbubukas sa Oktubre 8. “Returning for some unfinished business. Recalled for a homecoming. Let’s move now, Lindsay Stalzer and Kalei Mau,” saad ng post ng F2 Logistics sa kanilang social media page. Si Stalzer ang natatanging beterano sa hanay ng mga imports na maglalaro sa third conference ng unang professional women's volleyball league sa bansa dahil nakapaglaro na ito at nagkampeon pa sa Philippine Super Liga sa koponan ng Foton at Petron.

Huling naglaro ang 38-anyos na opposite hitter para sa Cargo Movers noong 2019 PSL Grand Prix kung saan natalo sila ng Petron sa finals at sa natigil na 2020 Grand Prix dahil sa pandemya. Malaking bentahe naman ang 27-anyos na si Mau dahil nakatatlo na itong titulo para sa Cargo Movers kabilang ang unang Champions League crown noong 2021.

Samantala, kinuha ng bagong koponang Akari para sa kanilang debut conference ang Olympian na si Prisilla Rivera. Naging bahagi ang 37-anyos na middle blocker ng national team ng Dominican Republic sa tatlong Olympic editions,13 Most Valuable Player awards, 17 club titles at 12 international gold medals sa loob ng kanyang 22-taon career bilang volleyball player. Huli siyang naglaro sa Jakarta Pertamina Energi sa bungad ng taon. Tanging ang Creamline, Cherry Tiggo at Choco Mucho ang wala pang imports.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page