top of page
Search

ni VA - @Sports | March 21, 2023



ree

Itinanghal ang mga Cebuanong sina Karen Andrea Manayon at Matthew Justine Hermosa bilang elite champions ng National Aquathlon Open and Super Tri Kids Championships na idinaos sa Ayala Vermosa Sports Hub sa Cebu noong Linggo.

Tinapos ng tubong Talisay na si Manayon ang 500m (swim) at 1.5km (run) race sa loob ng 17 minuto at 36 na segundo.

"I was not expecting to win but I have to do the work," wika ni Manayon. "I'm not really confident in swimming. I was having second thoughts so I gave it all in running."


Si Manayon ay bronze medalist sa sprint distance ng National Age Group Triathlon Series na ginanap sa Subic Bay noong nakaraang Enero.

Nangibabaw naman si Hermosa sa men's side matapos maorasan ng 15 minuto at 36 na segundo.

Nagtapos siyang pangalawa sa men's side ng nakaraang National Age Group Triathlon series kasunod ng nagkampeong si Filipino-Spanish Fernando Jose Casares.

Samantala, nagsipagwagi naman sina Dayshaun Ramos at Moira Frances Gabrielle Erediano sa junior elite category ng torneong inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) at magkakatulong na itinaguyod ng Asian Centre for Insulation Philippines, Inc., Standard Insurance at ng Philippine Sports Commission.

Naorasan si Ramos ng 15:54 habang nagtala naman ng 19.54 ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang mga nanalo ay sina Darell Johnson at Sinagtala Cuevas (Youth 13-15); Pio Mishael Latonio at Maria Isabella Raagas (11-12); Julio Luis Malaluan at Jovie Yzelle Calisog (9-10); Richard Navo III and Athena Masadao (7-8) at Brisbane Ledesma (boys 6 years old and under).

 
 

ni VA @Sports | March 14, 2023



ree

Tinapos ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo ang kanyang kampanya sa third leg ng FIG Artistic Gymnastics World Cup Series na may double gold nang maghari rin ito sa vault finals sa pagtatapos ng kompetisyon noong Linggo sa Baku, Azerbaijan.

Sumandig sa nakuha nyang momentum mula sa pagkapanalo ng gold sa parallel bars noong Sabado, nagtala ng iskor na 14.933 si Yulo upang mangibabaw sa 8-man field at angkinin ang gold medal sa vault finals.

.

Tumapos namang pangalawa sa kanya si Great Britain gymnast Harry Hepworth na nagtala ng 14.816 puntos para sa silver kasunod si Shek Wait Hung ng Hong Kong na inuwi ang bronze sa naiposte nitong 17.716 puntos. Bumagsak naman sa ika-4 na puwesto ang top qualifier na si Mahdi Olfati ng na makaiskor ng 14.399 puntos. Kung susumahin, impresibo ang ipinakitang performances ni Yulo sa unang tatlong legs ng World Cup Series at ang katatapos na Baku leg ang maituturing na pinakamahusay.

Sa ngayon ay mayroon ng natipon si Yulo na tatlong golds, isang silver at dalawang bronzes sa ginaganap na World Cup Series. Magkakaroon ng pagkakataong magpahinga si Yulo bago muling sumabak sa fourth at huling leg ng series na idaraos sa Abril 27-30 sa Cairo, Egypt.


 
 

ni VA @Sports | March 13, 2023



ree

Nadagdagan ng isa pang gold medal ang koleksiyon ni Filipino gymnast Carlos Yulo sa ginaganap na FIG Artistic Gymnastics World Cup Series nang magwagi ito sa parallel bars ng Baku, Azerbaijan leg noong Sabado-Marso 11.

Nakakuha si Yulo ng iskor na 15.4 puntos sa finals upang makamit ang una niyang gold medal sa event kung saan nagwagi siya ng silver at bronze sa naunang Doha, Qatar at Cottbus, Germany legs ayon sa pagkakasunod.

Pumangalawa sa qualification, ginapi ni Yulo si Illia Kovtun ng Ukraine na tangka sanang sungkitin ang ikatlong gold medal niya sa event ng ginaganap na World Cup Series.

Bigo ang Ukrainian na ipagpatuloy ang kanyang pamamayagpag makaraang makaiskor lang ng 15.366 puntos para sa silver. Pumangatlo naman sa kanila si France gymnast Cameron-Lie Bernard na nagtala ng 14.6 puntos habang pumanglima lamang ang top qualifier na si Curran Phillips ng United States matapos makakuha ng 14.5 puntos.


Iyon na ang ikalawang gold medal ni Yulo sa idinaraos na World Cup Series kasunod ng kanyang panalo sa floor exercise sa Doha leg noong nakaraang linggo.

Sa kabuuan ay mayroon ng limang medalya ang 23-anyos na Olympian na kinabibilangan din ng isang silver at dalawang bronzes. Nabigo naman siyang magwagi ng medalya sa rings makaraang tumapos lamang na pampito sa finals.


Posible pang madagdagan ang kanyang medalya dahil nakatakda pa siyang lumaban sa finals ng vault kahapon (Linggo-Marso 12) habang isinasara ang pahinang ito.

Nalagay sa 7th sa rings final, pakay ni Yulo na tapusin ang Baku campaign sa magandang performance para sa isa pang medalya sa vault final kagabi.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page