top of page
Search

ni VA @Sports | June 19, 2023



ree

Nagtala ng podium finish si Aleah Finnegan nang magwagi ito ng bronze medal sa vault event makaraang umiskor ng 13.483 puntos sa 10th Artistic Gymnastics Senior Asian Championship noong Sabado sa OCBC Arena sa Singapore.


Ang nasabing panalo ni Finnegan ang siya ring kauna-unahang pagkakataon na nagwagi ng medalya ang isang Filipina sa Asian meet. Nanalo ng gold sa event ang reigning Asian champion at Tokyo Olympic Games bronze medalist na si Yeo Seojeong ng South Korea na nagposte ng 14.317 puntos. Kahapon, habang isinasara ang pahinang ito ay nakatakdang sumalang si Yulo sa finals ng vault at parallel bars gayundin sina Emma Malabuyo at Finnegan sa women’s floor exercise finals.


Nanatiling naghahari sa Asya sa paboritong event na floor exercise si Carlos Yulo nang maka-gold sa penultimate day. Nagtala si Yulo ng iskor na 15.300 puntos upang mangibabaw sa walo-kataong finalists ng event.

Napantayan ni Yulo ang iskor na nakuha nya nang magwagi sya ng gold medal sa 39th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany noong 2019 habang nalagpasan niya ang 14.933 puntos na naitala niya sa parehas ding event sa nakaraang Asian Championship sa Doha, Qatar noong isang taon.

Hindi naman pinalad na magtala ng podium finish ang teammate ni Yulo na si John Ivan Cruz, gold medalist sa nasabing event noong nakaraang 32nd Cambodia Southeast Asian Games nang tumapos itong pinakahuli sa walong finalists makaraang makatipon ng iskor na 11.433 puntos.

Nagwagi ng gold sa nasabing apparatus si Lang Xingyu ng China na nagtala ng iskor na 15.200 puntos sa penultimate day ng kompetisyong nagsilbing qualifying event para sa world championships na gaganapin sa Setyembre 30 hanggang Oktubre 8 sa Antwerp, Belgium.



 
 

ni VA / Clyde Mariano @Sports | June 12, 2023


ree

Sa wakas, ang matagal na niyang inaasam na matalon ang baras na itinala ng 6 na metro ay nagawa na rin EJ Obiena.

Ang Filipino Olympian na kasalukuyang world No. 3 pole vaulter ay nagawa ang nasabing milestone sa pamamagitan ng isang beses lamang na pagtatangka na siya ring naging dahilan upang magwagi siya sa Bergen Jump Challenge sa Norway noong Sabado ng gabi.

Nalagpasan din ni Obiena ang kanyang personal best na siya ring Asian record na 5.94 meters na itinala nya sa World Championships noong nakaraang taon sa Eugene, Oregon sa US.

Inangkin ng Tokyo 2020 Olympian ang gold medal, matapos talunin si KC Lightfoot ng US na kinailangan ng dalawang attempts para matalon ang 6.00 meters.

Pumangatlo sa kanila ang Isa pang Amerikanong si Sam Kendricks na nakatalon naman ng 5.88 meters.

Inaasahang mas pataasin nito ang morale ni Obiena sa kanyang nakatakdang pagsabak sa qualification period para sa Paris Summer Olympics 2024, na magsisimula sa unang araw ng susunod na buwan.

Para mag-qualify sa 2024 Paris Games, kailangang maabot ni Obiena ang qualifying standard na 5.82 meters sa mga qualifying tournaments na kanyang lalahukan na kinabibilangan ng Asian Championships sa Pattaya, Thailand, ang World Championships sa Budapest, Hungary at Asian Games sa Hangzhou, China.


Samantala, hindi matutupad ni reigning World Games karate gold medalist Junna Tsukii ang pangarap na makalaro at manalo ng medalya sa Olympic Games dahil inalis ng host France ang karate sa 2024 Olympic Games na gagawin sa Paris kung saan unang lumahok ang Pinas noong 1924.


Dahil walang karate sa Olympics, ang pinaghahandaan ni Tsukii ay ang Asian Games, Asian Indoor and Mixed Martial Games at World Combat Sports. “My attentions focused on these three tournaments. I will be stronger. I want to win medals and give honors to the Philippines,” sabi ni Tsukii.


 
 

ni VA @Sports | May 31, 2023


ree

Maituturing na isang tagumpay para kay Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang makaabot sila sa second round ng 2023 FIBA World Cup dahil na rin sa lakas ng kanilang mga makakalaban sa pagbubukas ng torneo sa Agosto 25 sa Manila.

"First of all, if we get one win, it's going to be fantastic, but if we get two wins, that can make it a real success, and then we go to the second round," ani Reyes nang makapanayam siya sa programang "Power and Play" ni dating PBA commissioner Noli Eala. "If we are able to do that, then our chances of qualifying for the (Paris) Olympics will increase that much greater. That's our measure of success for the World Cup." Magsisimula ng kanilang preparasyon ang Gilas para sa World Cup sa Hunyo 7 sa Meralco gym. Sa kanilang paghahanda, magkakaroon ang Gilas pool ng scrimmages games kontra sa national teams ng Estonia, Finland, Lithuanian under-21 team at Latvia. "Then we will be back (in Manila) to train, and then another tournament in August in China, but that's not final yet. We will make the final announcement once it's finalized," ayon pa kay Reyes.


Sa ngayon, hindi pa pinapangalanan ni Reyes ang kanilang final 12 upang maiwasan ang kanilang mga naging karanasan partikular noong nakaraang Southeast Asian Games sa Cambodia kung saan isinama nila sina Roger Pogoy, Japeth Aguilar at Junemar Fajardo na hindi naman nakalaro dahil may mga injury. "Now it's the same thing. We're going to have scheduled tuneup games, training and preparations. If we only go there with our 12, we could go there with several (players) incapacitated because there's always something that will happen," paliwanag ni Reyes.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page