top of page
Search

ni VA @Sports | January 8, 2024


ree

Marami ang nagulat sa biglang paglipat nina Bea de Leon at Denden Lazaro-Revilla mula sa kanilang dating koponan na Choco Mucho Flying titans sa sister team nitong Cool Smashers.

 

Ang nasabing paglipat ay nangyari noong nakaraang Huwebes na nangangahulugang sa Cool Smashers na lalaro sina De Leon at Lazaro-Revills sa darating na 2024 Premier Volleyball League (PVL) season.

 

Kaugnay nito, magtatakda ang pamunuan ng liga ng mga panuntunan upang maiwasan ang mga kahalintulad na pangyayari sa pagitan ng mga magkakapatid na koponan kasabay ng pagsasagawa ng Draft at pagkakaroon ng trade rules upang matiyak ang pagkakaroon ng pagkakapantay ng mga koponan ayon kay league president Ricky Palou. “We have no rule on that as we speak,” ani Palou nang tanungin kung alam nila ang nasabing paglipat ng dalawang dating Ateneo standouts. “It was obviously done by sister teams, because they (Flying Titans) rarely used Bea (de Leon) under their new coach, and they (Cool Smashers) lost Ced (Domingo). “It was obviously a move to help a sister team out,” dagdag pa ni Palou. “Creamline knows that they need a middle (blocker) with Domingo out.”Sa kanyang pagbabalik mula Thailand kung saan naglaro siya bilang import para sa Nakhon Ratchasima ay sa Akari na maglalaro si Domingo. “In the future, when the Draft starts, there will surely be no trades between sister teams,” wika pa ni Palou.


Matapos na mag-disband ang koponan ng F2 Logistics, nagsimula ng magkaroon ng matinding rigodon ng mga players  kung kaya pinalakas din ng Creamline ang kanilang line-up.


Umaasa si Palou na wala ng mangyayaring lipatan o palitan ng players sa sandaling mailatag na at ipatupad ang mga kaukulang detalye sa Draft. “For sure, top picks will not be eligible for trades for whatever reason,” ani Palou.  

 
 

ni VA @Sports | November 14, 2023


ree

Kapwa itinanghal na kampeon ang men's at women's team ng Ateneo de Manila sa pagtatapos ng Season 86 UAAP badminton tournament.

Nakamit ng Blue Eagles ang kanilang ika-4 na sunod na women’s badminton crown matapos dispatsahin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 3-1, sa finals na idinaos noong nakaraang Linggo-Nobyembre 12 sa Centro Atletico Badminton Center sa Quezon City.

Nauna rito, winakasan ng Ateneo ang pitong taong dominasyon ng National University matapos nilang ungusan ang huli, 3-2 sa title match ng men's division.

Itinanghal ang mga Ateneo stars na sina Mika de Guzman at Jochelle Alvarez bilang women’s Most Valuable Players, habang nahirang naman sina Arthur Salvador at Lyrden Laborte bilang MVPs sa men’s side.


Samantala, napili naman ang nagsilbing bayani sa tagumpay ng Ateneo na si Lance Vargas bilang Rookie of the Year.

Ang nasabing titulo ang ikapitong women's championship na nakamit ng Ateneo, isang panalo na lamang na nahuhuli sa UP na mayroong walo.


Nakopo naman ng men’s team ang una nitong kampeonato makalipas ang sampung taon.


Huling nawalis ng Ateneo ang men's at women's titles ng UAAP noong Season 76, sampung taon na ang nakalilipas.

 
 

ni VA @Sports | October 24, 2023



ree

Nagsipagwagi ng silver medals para sa Team Philippines ang mga wushu artists na sina Agatha Wong at Clemente Tabugara Jr. noong Linggo sa 2023 World Combat Games sa King Saud University Arena sa Riyadh, Saudi Arabia.


Nakatipon ang 5-time Southeast Asian Games gold medalist na si Wong ng kabuuang 19.486 puntos at masungkit ang silver medal sa women's taolu taijiquan (9.743) and taijijian (9.7466) final. Sumegunda siya kay Hu Shuting ng China na nagtala ng 19.533 puntos mula sa dalawang events.Tumapos namang pangatlo sa kanila ang South Korean bet na si Choi Yujeong na may 19.470 puntos.


Nakabawi si Wong mula sa kabiguang magwagi ng medalya pagkaraang tumapos lang na pampito noong nakaraang 19th Asian Games sa Hangzhou, China. Nanalo naman ng silver si Tabugara nang matalo ito sa Egyptian na si Elsayed Mohsen sa men's 65 kilogram finals.


Bronze naman ulit ang nakamit ni Asian Games bronze medalist Jones Llabres Inso sa men's Taolu Taijiquan and Taijijian makaraang magtala ng pinagsanib na iskor na 19.339. Isa pang bronze ang kinopo naman sa men's Taol Nanquan and Nangun ni Thornton Sayan matapos magtala ng 19.410.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page