top of page
Search

ni V. Reyes | June 24, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Photo: Facebook: @Justice For Zara


Nasawi ang pitong taong gulang na Filipina matapos umanong kumain ng fried chicken na in-order ng kanyang magulang sa pamamagitan ng online service sa Kuwait.

Isang araw matapos na kumain ng pritong manok ng isang fast food chain ay nasawi si Zara Louise Lano.

"Habang kumakain kami, nagko-complain ako sa kanila, sabi ko parang hindi na maganda kasi 'yung chicken.


Parang masyado nang oily, parang ininit na lang," pahayag ni Faye Lano, ina ng biktima.

Ayon sa ginang, itinigil nilang kainin ang fried chicken nang magsimulang sumama ang pakiramdam at nagpunta sa ospital para magpasuri.

Matapos ang ilang oras ay pinayagan nang makalabas ng pagamutan sina Zara at Faye dahil maayos naman ang resulta ng kanilang X-ray at vital signs.


Gayunman, naiwan at na-confine ang ama ng biktima na si Dax at ang nakatatandang kapatid nitong si Sigfried.

Makalipas ang ilang oras ay muling nakaranas ng pagdudumi at pagkahilo sina Zara at Faye at bumalik sa ospital ngunit inilagay na sa intensive care unit (ICU) si Faye habang hindi na umabot ng buhay ang bata.

Batay sa death certificate ni Zara, nakaranas ito ng acute failure of blood circulation at respiration and septic shock na kanyang ikinamatay.

Naibalik na sa Pilipinas ang bangkay ni Zara na inilibing sa San Jose del Monte, Bulacan matapops na isailalim sa re-autopsy habang umaapela ng katarungan ang pamilya ng bata.

Sakali umanong mapatunayan na namatay si Zara sa food poisoning ay kanilang kakasuhan ang fast food chain at ang ospital na pinaniniwalaang nagkamali ng pagsusuri sa kanilang kondisyon.

 
 
  • BULGAR
  • Jun 23, 2020

ni V. Reyes | June 23, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Kalaboso ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang mahuling nagsasabong kasama ang tatlong iba pa sa Sitio Sudlon, Bgy. Lahug, Cebu City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Police Brigadier General Ronald Lee, kinilala ang naarestong pulis na si Staff Sergeant Charlito Sanchez Tinoy, sinasabing naaaresto na rin noon dahil sa illegal gambling.

Huli sa akto ang apat na nagtu-tupada at umano’y lumalabag sa health protocols laban sa pandemya dahil walang suot na face mask at walang physical distancing habang nagsusugal.

Nasamsam sa lugar ang ilang cockfighting paraphernalia at manok panabong.

Diin ni Lee, pinahigpit pa ang kanilang pagbabantay sa mga pulis na nasasangkot sa mga ilegal na aktibidad.

Muling hinimok ni Lee ang publiko na isumbong sa PNP-IMEG sakaling may mga pulis na sangkot sa ilegal na sabong o tupada sa mga hotline nito na SMART- 09989702286 o GLOBE- 09957952569.



 
 

ni V. Reyes | June 23, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Umabot na sa 499 ang pinakahuling bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 16 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa hanay ng pulisya.

Isang pulis ang nadagdag sa pitong namatay sa virus infection na ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa ay mula sa Cebu.

Sa ngayon, 288 na ang mga pulis na gumaling sa COVID-19 o katumbas ng 60-porsiyentong recovery rate.

Nasa 661 naman ang mga pulis na itinuturing na probable cases habang 875 ang suspected cases.

Samantala, minamadali na ng PNP ang pagtatayo ng ikalawang COVID-19 testing laboratory sa Central Visayas.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page