top of page
Search

ni V. Reyes | June 26, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Napuwersa nang magbenta ng kanilang dugo ang tinatayang 50 stranded na overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia upang maitawid ang kanilang gutom sa araw-araw.

Mahigit tatlong buwan nang stranded sa isang gusali sa Saudi Arabia ang mga OFWs na nawalan ng trabaho nang magsara ang pinapasukan nilang restaurants dahil sa pandemyang dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Dahil no work no pay, hirap na hirap na umano ang mga OFWs kaya´t napipilitan silang ibenta ang dugo sa halagang 500 Riyal o tinatayang P6,600.

"Walang-wala na po kaming perang panggastos dito. 'Yung iba po naming kasamahan, nagawa nang mag-donate ng dugo para lang may pambiling pagkain," ayon sa isang OFW sa Saudi Arabia.

"Ang gusto lang po namin sana ay makauwi na lang po kaming lahat. Sana matulungan po kami ng POLO at OWWA kasi 'yung iba po sa amin talaga ay nai-stress na rin. Lahat po kami ay nahihirapan na," dagdag pa ng OFW sa kanilang apela sa isang video ni Paulo Lapid.

Halos lahat umano sa kanila ay may mga sahod na hindi pa naibibigay ng kanilang kumpanya.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga naturang OFWs sa Saudi Arabia ay kabilang sa 167,626 na OFWs na stranded sa buong mundo at kailangan nang mapauwi.

Sa Saudi Arabia ay aabot sa 88,000 ang stranded habang 50,000 sa United Arab Emirates.

Tiniyak naman ng DFA na sisikapin nilang mapauwi ang mga stranded OFWs sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Ipinunto ni DFA-OUMWA Undersecretary Sarah Arriola na kabilang sa mga kinahaharap nilang hamon ay ang laki ng Saudi Arabia kung saan ang Riyadh pa lang ay mas malaki na kung ikukumpara sa buong Pilipinas.

 
 

ni V. Reyes | June 25, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Inalis na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nauna nitong itinakdang limitasyon sa pagbili ng mga itinuturing na essential goods sa gitna ng nararanasang national health crisis.


Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, wala nang limit sa bentahan ng canned goods, noodles at iba pang essential items na lumakas ang demand.


Kinumpirma pa ni Lopez na dinamihan na ng DTI ang bilang ng mga face mask na maaaring mabili ng publiko.


Kung dati ay nasa limang face mask lamang ang limit para sa isang taong bibili, ngayon ay pupuwede nang makabili ng hanggang 50 piraso.


Ito ay dahil na rin sa marami nang suplay ng face mask, hindi tulad noon na nagkakaubusan sa gitna ng banta ng virus infection.

 
 

ni V. Reyes | June 24, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Pinag-aaralan na umano ng Department of Education (DepEd) kung kakayanin ng budget nito ang makapagbigay ng buwanang internet allowance para sa mga guro sa gitna ng pagpapairal ng distance learning method ngayong may pandemya.


Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, nagsasagawa na sila ng re-alignment ng pondo upang matugunan ang mga bagong gastusin dahil sa pagpapalit ng sistema ng pagtuturo ngayong pasukan.


Nauna na ring ipinanawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na magbigay ng P1,500 kada buwan na internet allowance sa mga guro.


Naniniwala naman si Malaluan na pupuwedeng magamit ng mga guro ang internet allowance upang makaugnayan ang mga estudyante, magulang at kanilang supervisor para sa pagsasanay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page