top of page
Search

ni V. Reyes | September 11, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



Nagpapatuloy na ang contact tracing ng City Health Office ng Cauayan City, Isabela makaraang may isang estudyante ng pribadong eskuwelahan ang nagpositibo sa COVID-19.


Sa abiso ng Cagayan Public Information Office sa kanilang social media account, inihayag nito na mayroong mag-aaral ang dumalo ng face-to-face classes sa kanilang paaralan kasama ang 44 iba pang estudyante.


Nangyari ang pisikal na klase noong nakaraang linggo.


Nakumpirma ang pagiging positibo sa virus infection ng mag-aaral nang lumabas ang resulta ng swab test nito noong Sabado.


Ang naturang estudyante ay direktang nakasalamuha umano ng isang empleyado ng city hall na tinamaan din ng COVID-19.


Samantala, tatlumpu’t tatlo katao na rin ang sumailalim sa swab test dahil may direct contact ang mga ito sa estudyante.

 
 

ni V. Reyes | September 11, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



Umaabot na sa kabuuang 211 halal na opisyal ng gobyerno ang nahaharap sa mga kasong kriminal dahil sa umano’y iregularidad sa Social Amelioration Program (SAP).


Sa pagdinig ng House committee on Appropriations, inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan na sa ngayon ay nasa 447 na indibidwal na ang kinasuhan na may kinalaman sa SAP.


Sa nasabing bilang, 211 ang elected public officials, 104 ang barangay officials, at 132 ang mga sibilyan.


Gayunman, sinabi ni Cascolan na dalawang indibidwal pa lamang ang inaresto mula nang umarangkada ang distribusyon ng cash assistance ng gobyerno.


Ipinaliwanag naman ni CIDG Director General Joel Coronel na ang direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) to the Philippine National Police (PNP) upang imbestigahan ang mga anomalya sa distribusyon ng SAP ay naibigay lamang sa kanila noong Mayo 21.


“That’s why nagkaroon ng lull from the time the SAP distribution to the investigation. So most of the violations for the anomalous SAP distribution have already been committed. Hindi na natin nahuli,” ani Coronel.


“What we are doing in coordination with DSWD and DILG (Department of Interior and Local Government) regional offices we are documenting these cases already,” dagdag pa ng opisyal.


Samantala, iniulat din ng PNP chief na patungkol sa mga paglabag na may kinalaman sa quarantine protocols, 1,772 ang inaresto habang 120,000 na indibidwal ang napagmulta at 157,000 ang nabigyan ng babala. Karaniwang paglabag nila ay disobedience at hindi pagsunod sa curfew.

 
 

ni V. Reyes | September 11, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



Dalawang buwan matapos ibasura ang aplikasyon sa prangkisa, binawi na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng frequencies at channels na nakatalaga sa ABS-CBN Corporation.


Sa pitong pahinang desisyon ng NTC na nilagdaan nina Commissioner Gamaliel Cordoba at Deputy Commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles, dahil sa walang Congressional franchise ang ABS-CBN upang makapagpatuloy ng operasyon ay obliado ang komisyon na kunin muli ang mga frequency ng kumpanya.


Sakop ng frequency recall covered ang lahat ng free television at radio broadcasts ng ABS-CBN sa buong bansa kasama na ang Channel 2, AM radio station DZMM at DWRR-FM.


“Indubitably, the denial of Respondent’s franchise renewal application by Congress, coupled with the denial of Respondent’s Petition by the Supreme Court, lead to no other conclusion except that Respondent had already lost the privilege of installing, operating, and maintaining radio broadcasting stations in the country,” ayon sa direktiba ng NTC.


“Consequentially, absent a valid legislative franchise, the recall of the frequencies assigned to Respondent is warranted,” dagdag nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page