top of page
Search

ni Thea Janica Teh | December 21, 2020




Nagsalita na si Sen. Manny Pacquiao patungkol sa pagbatikos ng ilang netizens sa kumalat na mga litrato sa selebrasyon ng kanyang ika-42 kaarawan kung saan makikitang walang social distancing at walang suot na face mask ang mga bisita.


Ayon kay Pacquiao, nasa 50 lamang ang kanyang bisita at ginanap umano ang kanyang birthday sa venue kung saan kasya ang 300 katao. Bukod pa rito, bago umano dumalo ang kanyang mga bisita ay sumailalim muna ang mga ito sa PCR (polymerase chain reaction).


Aniya, "'Di po kami nagpabaya du'n. Alam po namin na magkakaroon ng issue na ganyan."


Naging maingat din umano sila dahil dumalo rin ang kanyang mga anak.


Dagdag pa nito, maingat silang nag-celebrate at simple lamang ang naging pagtitipon. Sabi pa ni Pacquiao, mag-focus na lang umano ang lahat sa pamamahagi nito ng relief goods at pera sa kanyang mga kababayan.

 
 

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 21, 2020




Hello, Bulgarians! Simula Disyembre 9, 2020, ni-refund na ng Social Security System (SSS) ang lahat ng April at May 2020 loan payments ng mga pensioner na humiram sa ilalim ng Pension Loan Program (PLP).


Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio, ito ay may kabuuang P253,584,557.76 sa 56,750 pensioner-borrowers.


Dagdag pa ni Ignacio, ang mga entitled sa refund na ito ay mga pensioners na nabawasan ang pension noong April at May sa ilalim ng PLP at kasalukuyang nag-amortize sa implementation date.


Ipinaliwanag naman ni Ignacio na makatatanggang ng 2 buwang refund ang mga pensioner na nakapagbayad ng loan amortization noong April at May 2020. Ang mga nagbayad ng May ay isang buwan lamang ang mare-refund.


“We want to advise our pensioners that they no longer have to visit SSS to apply for the said refund. Starting December 9 and 10, we automatically credited the refunds to qualified pensioners through their respective Union Bank QuickCard savings accounts where the proceeds of their pension loans were also credited,” sabi ni Ignacio.


Bukod pa rito, sinabi rin ni Ignacio na extended ang loan payment term ng mga pensioners ng isa hanggang dalawang buwan ng walang additional interest o penalty. Ito ay extended hanggang June 2021.


Samantala, maaari namang mag-renew ng loan ang mga pensioners matapos ma-expired ang kanilang original loan payment term. Ngunit, ibababawas na ng SSS ang remaining balance mula sa una nitong loan.


Nagsimula ang PLP noong September 2018 upang matulungan ang mga retiree-pensioners sa kanilang short-term financial needs sa pmamagitan ng low-interest loan.


Mula January hanggang November 2020, nakapaglabas na ang SSS ng P3.17 bilyongworth ng pension loans para sa halos 69,813 pensioners.


Para sa iba png katanungan, maaaring i-follow ang SSS sa kanilang social media accounts Facebook (Philippine Social Security System); Instagram (@mysssph); Twitter (@PHLSSS) o sumali sa kanilang Viber community sa MYSSSPH Updates.

 
 

ni Thea Janica Teh | December 21, 2020




Nahuli sa video ang pagbaril ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac matapos magkaalitan nitong Linggo nang hapon.


Makikita sa video na yakap-yakap ni Sonya Gregorio, 52-anyos ang kanyang anak na si Frank Anthony Gregorio, 25-anyos habang nakikipagtalo sa pulis na kinilalang si Jonel Nuezca.


Sa pag-aaway ng mga ito ay bigla na lamang binaril ni Nuezca sa ulo nang dalawang beses ang mag-ina.


Agad namang sumuko sa Pangasinan si Nuezca na napag-alamang naka-assign sa Parañaque Crime Laboratory at umuwi lang sa Tarlac.


Ayon kay Tarlac Police Chief Liutenant Colonel Noriel Rombaoa, may isang saksi umano na nagsabing “boga” ang pinag-ugatan ng away ng mga biktima at suspek.


“Nagkaroon sila ng pagtatalo and that time naungkat yung matagal na nilang alitan tungkol sa right of way,” sabi ni Rombaoa. Dagdag pa ni Rombaoa, nagsisisi na umano ang suspek at handa itong humarap sa korte. Nahaharap sa kasong double murder ang suspek.


Sa ngayon ay inihahanda na ng mga pulis ang isasampang kaso sa kanya at humihingi pa ng ibang salaysay sa mga witness na nakakita sa insidente.


Samantala, pinaalalahanan naman ni Rombaoa ang pamilya ng biktima na huminahon at nangakong gagawin nila ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mag-ina.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page