top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | October 17, 2025



Suarez

Photo FIle



Misyong maging matagumpay ang darating na laban ni unbeaten Filipino rising sensation Kenneth “The Lover Boy” Llover sa pakikipagharap kay Argentinian Luciano Francisco “Yiyo” Baldor upang maisakatuparan ang pangarap na sumabak sa world title fight sa bisa ng isang title eliminator.


Halos nasa sukdulan ng paghahanda at pagsasanay ang 22-anyos na southpaw laban sa beteranong Argentinian sa Oktubre 26 sa 10-round bantamweight non-title match sa Bishkek Arena sa Bishkek, Kyrgyzstan.


Nais ipagpatuloy ng pambato ng General Trias, Cavite ang winning streak para sa kanyang ikatlong sunod na panalo ngayong taon, kung saan pinasuko nitong Agosto si Luis “El Nica” Concepcion sa bisa ng 8th-round technical knockout na ginanap sa Winford Hotel Resort and Casino sa Maynila.


Nasa 80-90 perecent na siya ng preparation. Nanood ako sa ensayo niya at ready na siya,” pahayag ni GerryPens Promotions head at dating 2-division world champion Gerry “Fearless” Penalosa sa mensahe nito sa Bulgar Sports.


Nabalahaw ang pinaplanong pakikipagsagupa ni Llover kontra South African Landile “Mandown” Ngxeke, na matagumpay na napagwagian ang parehong bakanteng International Boxing Federation (IBF) International at World Boxing Organization (WBO) Inter-Continental Bantamweight belt kontra Eric “Pitbull” Gamboa ng Mexico sa bisa ng 10-round unanimous decision noong Hunyo 29 sa Orient Theatre sa East London, South Africa.


Itinakda ng Springfield, New Jersey-based boxing organization ang pag-upak ni Ngxeke para sa bakanteng IBF world 118-pound title kontra kay Jose “El Chapulin” Salas ng Mexico sa hindi pa inaanunsyong lugar at petsa.


We’re looking for another title eliminator [or] kung sino iyong next available na contender ng IBF, (but) most probably Riku Misuda ng Japan,” saad ni Penalosa, na kaagapay si Koki Kameda sa pagtulak ng mga laban ni Llover.

 
 

ni John Carlo Launico (OJT) @Sports | October 14, 2025



Suarez

Photo: Ang Pickle Yard team Philippines na binuo para sumabak sa international competitions ng Pickleball. (pickleballphils) 



Inilabas ng The Pickle Yard ang kauna-unahang koponan ng Pilipinas na sasabak sa world stage ng larong pickleball.


Ginanap ang opisyal na inaugural contract signing ng Team Philippines noong Setyembre 19, 2025 sa main branch ng The Pickle Yard sa Paranaque, kung saan ipinakilala ang mga manlalaro ng bansang Pilipinas para sa naturang sports.


Ang naganap na inaugural signing ay isang malaking tagumpay para sa sports na pickleball sa bansa. Ito ay isang paraan upang marami pang mga Pilipino ang maka-alam at makakilala sa nasabing sport.


Ayon kay The Pickle Yard Team Philippines President na si Philip Pagon ang layunin ng koponan ay mag-ensayo at magpalakas upang maipagmalaki at itaas ang bandila ng bansang Pilipinas sa world stage. Dagdag pa nito, “This isn't just a team it's a movement.”


Ang koponan ng Pilipinas ay binubuo ng mga matatapang, pursigido, disiplinado, puno ng dedikasyon, at hindi nagpapatibag na mga atletang Pilipino na magbibigay ng karangalan sa bansa.


Dagdag pa nito, ang koponan ay handang sumabak at sumulat ng bagong kasaysayan para sa bansa sa larangan ng pickleball, kaya humihiling ito na suportahan ang koponan sa bawat palo at sa pagtaas ng bandila ng Pilipinas sa loob ng court.    

 
 

ni Gerard Arce @Sports | October 2, 2025



Suarez

Photo FIle



Kasabay ng ika-50 taon na pagdiriwang ng "Thrilla in Manila", binibigyan din ng malaking pagkakataon ni 8th division World champion Manny "Pacman" Pacquiao ang mga Pinoy boxers na maitampok ang sa isang international boxing fight upang mas lalong mabigyan ng exposure at umangat sa world rankings. 


Naghandog ng magkasunod na boxing event ang MP Promotions mula sa boxing program na Manny Pacquiao Presents: Blow-by-Blow Presents na hinati sa dalawang araw na unang masisilayan ang 'Prelude' fight sa pagtatanggol sa korona ni International Boxing Federation (IBF) minimumweight champion Pedro "Kid Pedro Heneral" Taduran kontra sa Pinoy challenger na si Christian Baluran sa Okt. 26 sa San Andres Sports Complex sa Malate, Maynila. 


Gaganapin ang tampok na boxing event makalipas ang 3 araw sa Okt. 29 sa pagtatanggol ni World Boxing Council (WBC) mini-flyweight champion Melvin "El Gringo" Jerusalem laban kay South African challenger Siyakhowa Kuse, at ang co-main event nina Tokyo Olympics bronze medalist at unbeaten Eumir Felix Marcial kontra Venezuelan knockout artist Eddy “El Terrible” Colmenares para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) International Middleweight Championship. 


"Ito 'yung chance na mabigyan 'yung mga boxers ng break na makalaban sa ganitong international promotion at maipakita yung talent nila and encourage also kase karamihan ng boxers na naka-encounter at nakausap ko sa bansa na para silang nawalan ng pag-asa kasi walang nag-promote kaya sinisikap natin na magkaroon ng promotions na Blow-by-Blow every month para at least kahit papaano ay magkaroon sila ng chance na lumaban at mahasa sila," pahayag ni Pacquiao kahapon sa presscon sa Araneta City, Quezon City. 


"Kase dati nu'ng time namin ilang promotions ang nag-promote ng boxing every month kaya nabibigyan ng break at nade-develop yung mga bata. Kahit ensayo ka ng ensayo sa boxing kung walang promotions, di ka napapalaban, mahirap ma-improve 'yung style mo. Du'n ka kase matututo ng mga kamalian mo para ka ring nag-aaral na 'di sa lahat ng laban ay nag-iimprove ka kung lumalaban ka, pero kung ensayo lang, mahirap," paliwanag ni Pacman na nagsimulang sumabak noong 1995.  


Babanat super-bantamweight No.1 ranked Carl Jammes “Wonderboy” Martin kontra ex- world challenger Aran Dipaen ng Thailand sa 10 rounds at dating undisputed junior featherweight champion Marlon “Nightmare” Tapales na makakatapat si Nadir “Hulk” Baloch ng Pakistan.,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

 
 
RECOMMENDED
bottom of page