ni Gerard Arce @Sports | October 30, 2025

Umiskor si Eman Bacosa ng panalo sa unanimous decision laban kay Nico Salado sa Thrilla in Manila II 50th Anniversary sa Smart Araneta Coliseum kahapon. (fbpix)
Nagamit ni dating unified junior featherweight champion Marlon "Nightmare" Tapales ang malawak na kaalaman laban kay Venezuelan boxer Fernando Toro sa 6th round knockout sa 8th-round super-bantamweight bout, habang napanatili ni Eman Bacosa ang unbeaten na marka sa undercard matches ng Manny Pacquiao Presents: Blow-By-Blow Thrilla in Manila II sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Bumanat ng matinding kumbinasyon ang 33-anyos na tubong Tubod, Lanao del Norte upang makamit ang ika-4 na sunod na panalo upang mapaluhod ang Venezuelan boxer na tuluyang sumuko sa ika-anim na round.
Patuloy na nagpapataas ng kanyang pwesto sa world rankings si Tapales sa No.2 sa World Boxing Council (WBC), No,3 sa IBF, No.4 sa World Boxing Organization (WBO), No.7 sa WBA at No.1.
Napanatili ni Bacosa ang unbeaten na marka sa 7-0-1 matapos makuha ang unanimous decision na panalo laban kay Nico Salado (2-2-1, 1KOs). Naka-puntos ang anak ni Pacquiao ng pagpabor sa mga huradong sina Elmo Coloma at Eddie Nobleza ng 60-53 at kay Danilo Lopez ng 58-55 para sa ikalawang sunod na panalo ngayong taon.
Impresibo sa apat na laban si Bacosa na may malinis na 5-0-1 rekord kasama ang apat na panalo mula sa knockouts. Sa ibang resulta, pinatumba naman ni Ronerick Ballesteros si Speedy Boy Acope sa 5th round para sa Philippine Youth lightweight bout, tabla ang laban nina Albert Francisco at Ramel Macado Jr. para sa bakanteng WBC International flyweight belt.






