top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | November 6, 2025



Sarno at Ceniza


Kapwa hindi na nasilayan sa Philippine national team sina Olympian weightlifters Vanessa Sarno at John Febuar Ceniza matapos ang kampanya sa 2024 Paris Olympics, na naging dahilan ng pagkaka-suspinde sa kanila ng 2-taon ng International Testing Agency kasunod ng umano'y paglabag sa kautusan sa Anti-Doping Rule Violation (ADRV).


Inihayag ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella na hindi na nagpakita ang dalawang weightlifters sapul noong Summer Olympic Games, kaya’t tuluyan na rin umanong napatalsik sa national team.


After the Paris Olympics campaign, neither of them showed up in the national team. That’s why this two-year ban that was imposed by the ITA was according to their whereabouts and not because of doping issues,” pahayag ni Puentevella sa Bulgar Sports kahapon.  "They were both missing since the Paris Olympics."


Parehong may 2-year ban ang dalawang international medalists. Ang Cebuano weightlifter naman na si Ceniza ay naging pareho ang kinalabasan matapos maglatag ng “Did Not Finish” sa men’s 61kgs matapos pumalya sa 125kgs sa snatch, kaya’t hindi na ito kuwalipikado sa clean and jerk.


Epektibo ang ban simula Agosto 4, 2025 hanggang Agosto 3, 2027, habang si Ceniza ay mula Okt. 17, 2025 hanggang Okt. 16, 2027. Hindi na naglabas pa ng apila si Sarno sa Court of Arbitration for Sport, na nakasaad sa Article 13.2.3 of the IWF ADR, habang may tsansang iapila ni Ceniza ang kaso sa parehong tanggapan.


Just pray he’ll be back after two years. His only violation is not reporting his whereabouts. Means it’s not doping. Just not reporting where he is,” pahayag ni Puentevella. “Discipline has always been an SWP rule. But they can tryout ulit sa National Open,” dagdag ng dating (PSC) commissioner at lawmaker sa Bacolod City. 


Ihahalili kay Ceniza si Asian Youth and Junior Weightlifting Championships 2025 gold medalist Albert Ian Delos Santos para sa 2025 Bangkok, Thailand SEAG at 2026 Nagoya-Aichi Asian Games. Si Delos Santos ay may junior world record na 185kgs sa 71kgs division sa 2025 IWF World Championships sa Norway.


Aakyat ng timbang si 2-time Olympian Elreen Ando habang muling susubok si Diaz-Naranjo sa 59kgs category. Sinikap kunan ng pahayag ng Bulgar Sports si Sarno, subalit hindi ito tumugon habang inilalabas ang balitang ito.

 
 

ni VA @Sports | November 6, 2025



Taduran vs Balunan boxing

Photo: Ang team ng Trans Luzon Endurance Run na sina (mula kaliwa) running coach Nick Gandeza, Mr. Tony at misis na si 63-year old ultramarathoner Marlene Gomez Doneza at Melanie Malihan sa Aparri, Cagayan. (fbpix)   



Adbikasiya sa kalusugan, pagbibigay inspirasyon sa kabataan at  komunidad ang sentro ng makabuluhang talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports. Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’  ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila

Buhay na patotoo na hindi hadlang ang katayuan at edad upang maging simbolo ng katatagan at maging inspirasyon ng sambayanan ang 63-anyos na si Marlene Gomez Doneza, ang tinaguriang ‘Running Inay’, na tampok na panauhin sa programa ganap na 10:30 ng umaga.


Umani ng papuri si Gomez-Doneza matapos magawa ang 'di pangkaraniwang tagumpay sa sports nang makumpleto niya ang 1,461-kilometro ‘Trans Luzon Endurance Run’ – mula Matnog, Sorsogon hanggang Pagudpud, Ilocos Norte -- isang social awareness campaign upang itulak ang kalusugan sa mga senior citizens.


Nagawa ito ni Gomez-Doneza sa loob lamang ng 36 na araw. Bunsod nito, ginawaran siya ng pagkilala ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas bilang pagkilala sa kanyang tagumpay na magsisilbing gabay ng bawat Pilipino na bigyan ng halaga ang kalusugan.

Iniimbitahan ni TOPS president Nympha Miano-Ang ng pahayagang Bulgar ang mga miyembro at opisyal na makilahok sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Lila Premium Healthy Coffee at livestream sa TOPS Usapang Facebook page, Bulgar Sports at Sports Corner. (VA)


 
 

ni Gerard Arce @Sports | October 30, 2025



Taduran vs Balunan boxing


Maghihintay hanggang Pebrero ang kampo ni Olympian boxer at unbeaten Filipino challenger Charly “The Kings Warrior” Suarez kung maitutulak pa ang susunod na rematch fight kay Mexican champion Emanuel “El Vaquero” Navarrete. 


Pinaka-aabangan ni Suarez kung mabibigyan ito ng tsansa ng Top Rank Promotions na matupad ang laban kasunod ng kautusan ng World Boxing Organization (WBO), Subalit sakaling walang mangyari ay maaaring mahubaran umano ng korona ang Mexican boxer matapos ipag-utos ng California State Athletic Commission (CSAC) na desisyunang “No Contest” para sa junior-lightweight title sa pagitan nila ni Navarette na naganap noong Mayo 10 sa Pechanga Arena sa San Diego, California. 


Itinakda ang panibagong tapatan kasunod ng kontrobersyal na unang pataw na technical decision matapos magtamo ng cut ang Mexican boxer dulot umano ng accidental headbutt nang ipatigil ni referee Edward Collantes ang laban.


"Hintay lang kami hanggang Pebrero kung tuloy ang rematch kasi kung hindi mahuhubaran na siya ng title," pahayag ng head coach ni Suarez na si Delfin Boholst sa panayam ng BULGAR Sports sa ginanap na world title fight ni Pedro Taduran kontra Pinoy boxer Christian Balunan para sa International Boxing Federation (IBF) minimumweight title noong nagdaang Linggo ng gabi sa San Andres Sports Complex sa Malate, Maynila. 


Nais namang magkaroon ng tune-up fight si Suarez na nananatiling nakatali sa rankings ng WBO, kung saan hawak pa rin ang No.1 contender. Inaalala ng kampo ng Pinoy boxer ang mawala ang hinahawakan nitong ranggo tulad ng naging karanasan sa ibang boxing organization, kung saan nawala ang rankings nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page