top of page
Search

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 3, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Jhackie na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Ano ang ibig sabihin ng panginip ko na ahas na pula? Sunod nang sunod sa akin ‘yung ahas pero hindi naman ako tinutuklaw, tapos takot na takot ako kaya iwas din ako nang iwas.


Naghihintay,

Jhackie


Sa iyo Jhackie,


Nakakapagtaka dahil halos lahat ng babae ay takot sa ahas, pero may paliwanag ang mga sikolohista at ganito ang sabi nila:


Nakabaon sa kamalayan ng kababaihan na ang ahas ay simbolo ng ahas na manunukso na nasa Garden of Eden. Sa hindi malamang dahilan, ang ahas na ‘yun ay tinanggap ng mundo na isang phallic symbol at ito ang mismong larawan ng maselang bahagi ng katawan ng lalaki. Kaya ang kababaihan ay takot sa ahas, pero ang takot nila ay nakakapit sa phallic symbol na malaking tukso dahil ang tukso ay hindi nagmumula sa tunay na love kundi nag-uugat sa pagnanasang panseksuwal at hindi natin masisisi kung ang lahat ng babae ay takot sa ahas.


Gayunman, may isa pang ahas na nasa Banal na Aklat at ito ay ang ahas na simbolo ng medisina na ayon sa pagkakasulat, ang sinumang tumingala sa ahas na nasa itaas ng poste sa gitna ng plaza ay gagaling sa kanilang karamdaman.


Ang ahas sa panaginip mo ay masasabing nasa pangalawang ahas. Ang ahas na nasa gitna ng plaza na nasa itaas ng isang poste na ang sinumang tumingla ay gagaling sa karamdaman. Kaya ang iyong ring panaginip ay nagsasabing takot ka sa COVID-19 pero ayon din sa iyong panaginip, binabantayan ka ng iyong ahas ng kagalingan kaya wala kang dapat ipag-alala. Magtrabaho ka at ituloy mo ang pagtahak sa landas ng buhay ng iyong mga pangarap.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 2, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Mary na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


May pinanonood kami sa itaas na parang UFO, tapos nasa gitna pala kami ng dagat na kulay asul. Hindi ako makapunta sa tabing-dagat dahil hindi ako marunong lumangoy.


May lumapit sa akin na batang lalaki at kinapitan ako para makapunta ako sa tabing-dagat. Mabilis kaming nakarating at nasa tulay na agad kami.


Naghihintay,

Mary


Sa iyo Mary,


Sa buhay ng tao, napakaraming pangyayari ang hindi niya maunawaan kung bakit nagaganap at minsan, nawawalan na siya ng pag-asa dahil nagtataka siya kung bakit siya pa ang dumaranas ng paghihirap, habang ang mayayaman na masasama naman ang ugali ay siya pang minamahal ng langit.


Sa ganitong kalagayan, ang tao ay nananaginip ng tagapagligtas at sa panahon ngayon na pagtatawanan ng mga tao kung si Lord Jesus mismo ang bababa at magpapakita nang personal.


Ikaw sa palagay mo, kung may isang tao na mahaba ang buhok na tulad ng larawan ni Jesus ang magsabi na siya si Lord, maniniwala ka ba? Ang mga tao, ano kaya ang magiging reaksiyon nila? Ang mga pulis, sa palagay mo, ano ang gagawin sa taong magpapakilala na siya si Lord Jesus?


Tulad sa lumang panahon, siya ay huhulihin, ikukulong, kukutyain, pagtatawanan at sasabihing baliw at sasagot naman ang Kristong nagpakilala. Hulaan mo ano ang kanyang sasabihin?


Ano pa nga ba kundi “Patawarin mo sila, Ama, hindi nila alam ang kanilang ginagawa.”

Ito ang tunay na dahilan kung bakit ang langit at ang mga banal na santo ay sa panaginip nagpapakita at ang mga tagapagligtas sa panaginip ay ilalarawan ng mga UFO na sakay ang magliligtas.


Kaya sabi ng iyong panaginip, anuman ang kalagayan mo ngayon, may problema ka man sa buhay– pera man o kahit na ano, nagpasaya ang langit na ikaw ay iligtas sa mga bagay na nagpapahirap sa iyo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 01, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Shen na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Naiihi ako tapos hindi ako matapus-tapos sa pagbaba ng mga suot ko dahil ang dami kong suot na pang-ibaba at pati ako ay nagtataka dahil ang dami kong suot na underwear, shorts at pantalon.


Naghihintay,

Shen


Sa iyo Shen,


Kapag maraming obligasyon ang tao, ang kanyang mga panaginip ay naging surreal dreams. Ang surreal dreams ay ang mga imahe o larawan, pagkilos o pangyayari na kakaiba sa normal na buhay.


Kaya sa surreal dreams ay may mga nakatagong katotohanan na medyo mahirap ilantad. Gayunman, kapag naunawaan ay mabibigyan ng ginhawa ang nanaginip at hindi na maging abala ang kanyang isipan sa mga bagay o problemang kanyang pasan-pasan.

Sa panaginip, ang surreal na senaryo ay ang eksenang hindi ka matapus-tapos sa pagbaba ng mga suot mo dahil sa sobrang dami nito.


Ang “umiihi” ay pagbabawas at ang pagbabawas ay kailangan ng tao dahil kung hindi magbabawas ay magkakasakit siya. At sa tunay na buhay, ang babawasan ay ang mga obligasyon na nagpapahirap sa tao. Pero sa iyong panaginip, hindi ka makapagbawas ng obligasyon sa dami ng suot na kailangan mong alisin.


Kaya ayon sa iyong panaginip, hirap na hirap kang mabawasan ang iyong obligasyon kung saan naaapektuhan ang isipan at katawan mo. Ito mismo ang sinasabing stress ang kalaban ng tao.


Kapag stressed, hirap matulog, tamad na tamad gumising, malata at matamlay kung saan ang lihim na dahilan ay gusto na niyang takasan ang mabibigat obligasyon na kanyang napasukan.


Pero ang hirap ng tulog, kalooban at kaiisip ay nasosolusyunan naman. Kapag tungkol sa utang ang obligasyon, puwede namang huwag mong pahirapan ang sarili mo sa pamamagitan ng pagsasabi sa inutangan na kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang ibibigay mo hanggang sa mabayaran mo ang kabuuang utang mo.


Gayunman, ang tunay na magpapagaan sa buhay mo ay ang pangko mo sa iyong sarili na hindi ka na mangungutang kahit kailan at sasabihin mo rin na kahit mapalad ang pag-unlad, ang mahalaga ay ang umaasenso pa rin naman.


Ang mga negosyanteng nagmamadali ay natutuksong mangutang, kaya sa huli ay nagsisisi dahil na rin natuklasan nila na ang pangungutang ang nagpapahirap sa kanilang buhay.


Pero sa mga alam ang gagawin, simple lang naman. Tulad ng nasabi na, aaminin sa inutangan na hindi niya kaya ang naunang usapan, kaya muling pag-uusapan ang obligasyon para isaayos ang pagbayad nang hindi mahihirapan at hindi rin sasakit ang ulo ng nagpautang na wala namang masingil sa tuwing maniningil.


Sa una, siyempre, ayaw ng nagpautang na hindi magbayad ayon sa kasunduan, pero kunyari lang ang galit niya dahil alam niyang may negosyong nagpapautang na wala namang talaga silang magagawa kapag walang nasingil. Kumbaga, minsan ay may ipinambabayad ang umutang, pero minsan ay wala rin at kailangan pang magpabalik-balik para makasingil. Sa ganyang sitwasyon, ang nagpauntang ay papayag na baguhin o muling isaayos ang paraan ng paghuhulog o pagbabayad.


Hindi sa tinuturuan kita kung paano buwisitin ang nagpapautang, pero ito ay isang reyalidad sa buhay ng mga Pinoy. Pero kung may pambayad ka, bayaran mo ang lahat nang mawala na ang stress sa buhay mo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page