top of page
Search

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 1, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Dexyryl na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Napanaginipan ko ang ex-husband ko, pero tatlong taon na siyang patay sa totoong buhay. Sa panaginip ko, nandito siya at naglilinis ng bahay namin, tapos naglaba pa siya. Noon, hilig talaga niya ang maglinis at siya rin ang naglalaba sa amin.


Mayroon kaming munting grocery kaya nagagawa niya ang ganu’n. Mabait at masipag ang mister ko. May mga nanunuyo sa akin, pero wala na sa isip ko ang muling mag-asawa. Ewan ko lang kung ano ang mangyayari sa buhay ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko tungkol sa asawa ko?


Naghihintay,

Dexyryl


Sa iyo Dexyryl,


Mahirap ang nag-iisa sa buhay, kung sakaling medyo bata ka pa, kailangan mo na muling mag-asawa. Ikonsidera mo ang bagay na ito dahil sa mga panahon ng buhay mo ngayon, may pagkakataon na puwede ka pang maghanap ng tulad ng mister mo na mabait at masipag.


Ang totoo nga, ito ang mensahe ng iyong asawa na idinaan sa pamamagitan ng iyong panaginip na kung mag-aasawa ka, ang pagtuunan mo ng halaga ay kung masipag at mabait ang lalaking may gusto sa iyo ngayon.


Huwag kang magkamali, ayaw ng asawa mo na mapahamak ka kaya mahirap nga lang paniwalaan, pero siya mismo ang gumawa ng paraan para siya ay iyong mapanaginipan.


Muli, ang gusto ng asawa mo ay masipag at mabait ang mapapangasawa mo tulad niya.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 31, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Marlon na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Umakyat ako sa second floor namin, tapos nahulog ako pero hindi naman sa sahig kasi nakaharap ako bago ako tuluyang nahulog.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko, para kasi akong nalungkot, eh?

Naghihintay,

Marlon


Sa iyo Marlon,


Okey lang ang mahulog, lalo na kapag ang pag-uusapan ay kung magtatagumpay sa buhay ang isang tao.


Alam mo, iho, lahat ng nagtagumpay ay may kani-kanyang kuwento ng buhay at ang pangkaraniwang kuwento ay nabigo sila, minsan dalawa, tatlo at ang iba pa ay maraming kabiguan ang dinanas bago nagtagumpay.


Ang isa pa sa kuwento ng buhay nila ay ang hindi nasira ang kanilang diskarte nang dahil lang nakakaranas sila ng mga kabiguan. Ang pahabol na kuwento ng buhay nila ay sa kanilang ng kabiguan, muli nilang sinikap na matupad ang kanilang pangarap.


Malinaw na sa iyong panaginip ay makakaranas ka ng kabiguan, pero ang kabiguang ito ay hindi sapat para umayaw ka.


Gayundin, malinaw sa iyong panaginip na kaya ka mapabibilang sa nagtagumpay ay dahil sa ginawa mong pagharap nang ikaw ay malaglag.


Huwag kang malungkot, ang kabiguan ay pansamantalang pagkaantala ng tagumpay at ito ang ibaon mo sa isipan mo. Muli, ang kabiguan ay pagkaantala lang sa tagumpay.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
  • BULGAR
  • Jul 30, 2020

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 30, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Leilanie na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Pumunta ako sa palengke pero wala naman akong binili. Pag-uwi ko, pinabalik ako ni mama at sabi niya, bumili ako ng ilulutong ulam. Bumalik ako sa palengke, tapos bumili ako ng manok at atay para gawing adobo.


Pag-uwi ko, natuwa ang mama ko dahil adobong manok daw ang gusto niyang ulam. Siya ang nagluto dahil hindi ako gaanong marunong magluto ng masarap na adobong manok.

Ano ang mensahe ng panaginip ko?


Naghihintay,

Leilanie


Sa iyo Leilanie,


Sa iyong panaginip, puwedeng sabihin na totoo talaga ang sinasabing “Mother knows best,” dahil ang the best na ulam pala para sa kanya ay adobong manok na siya namang binili mo.


Minsan, mahirap na si nanay ang palaging tama dahil nawawalan ang mga anak ng personal na desisyon kung saan siya mismo ang magpapasya para sa kanyang sarili.


Ang totoo nga, isa ito sa malaking problema ng mga Pinoy kung saan ang magulang ay nakikialam sa gugustuhin ng kanyang anak.


Tulad ngayon, time of schooling na naman, maraming magulang ang magdidikta kung ano ang dapat na kuhaning kurso ng anak. At ang pangkaraniwang nangyayari ay kung ano ang pangarap ng magulang, ‘yun ang ipakukuha niya sa kanyang anak.


Kaya pilit na pinagsisikapan ng anak na matupad ang pangarap ng kanyang magulang at ang sarili niyang pangarap ay parang nawala nang tuluyan. Kaya kapag nag-aral na ang kanyang anak, ganu’n na naman. Ang pangarap niya noon ang ipakukuha niya sa anak. Ito ang problemang pang-edukasyon dito sa atin, na ang mga nakapag-aral ay inaral ang gusto ng kanilang magulang at wala silang alam sa tunay na gusto nilang aralin.


Muli, sa iyong panaginip, kita na may katotohanan ang “Mother knows best,” pero may isa pang natatagong katotohanan na ang mas tama sa lahat ay ang kutob ng bawat tao. Ang kutob ay bulong ng damdamin na mag-uutos sa katawan at isipan na ang isang bagay ay dapat gawin.


Minsan, ang kutob ay tinatawag ding ESP o extra sensory perception na minsan ay gumagana sa isang tao, tulad mo na ang adobong manok ang napili mo at eksaktong ito pala ang gustung-gusto ng mama mo.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page