top of page
Search

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 11, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Lynda na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Ano ang kahulugan ng biglang nalagas ang mga ngipin ko sa harapan? Gusto kong pumunta sa dentista, pero sarado dahil may COVID-19. Kaya sa panaginip ko, hindi ako ngumingiti at laging nakasara ang bibig ko. Hindi naman ako bungi sa totoong buhay.


Naghihintay,

Lynda


Sa iyo Lynda,


Minsan, sa buhay ng tao, tinatalo siya ng kanyang mga lihim na kaaway at wala silang magawa dahil lihim ang mga ito. Madalas, kapag ang tao ay mas angat kaysa sa kanyang kapwa, siya ay sinisiraan.


Kapag talo ng isang tao ang kanyang karibal, siya ay sisiraan para kahit paano ay maka-iskor ang kanyang natalo.


Lynda, ito ang mga tagong dahilan kung bakit ang tao ay nananaginip na nasira ang kanyang mga ngipin sa harapan.


Mag-ingat ka at dapat ay matalas ang iyong pakiramdam sa mga lihim na naghahangad na pumangit ang imahe mo sa mga tao, lalo na sa mahal mo o sa amo na pinaglilingkuran mo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 10, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Loisa na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Ano ang mensahe ng panaginip ko? Dumalaw sa bahay namin si mama, pero wala siyang sinabi at tinapik niya lang ang balikat ko. Sa totoong buhay, noong 2016 pa namatay si mama.


Naghihintay,

Loisa


Sa iyo Loisa,


Hindi ba ang sabi, “Mother knows best?” Ibig sabihin, si mama o nanay ang higit na nakakaalam kung ano ang mabuti at maganda para sa kanilang anak.


Minsan, parang hindi ito gusto ng kabataan dahil ang katwiran nila, sila ang tunay na nakakaalam kung ano ang maganda para sa kanila. Kaya sa panahon ngayon, ang magulang at anak ay madalas na hindi magkaintindihan.


Balikan muna natin ang iyong panaginip. Sabi ng mama mo, lakasan mo ang iyong loob dahil makikitang mukhang humihina ang personalidad mo at maaaring ito ay dahil sa sitwasyon ngayon na walang katiyakan kung ano ang magiging buhay dahil na rin sa COVID-19 pandemic.


Tama si mama mo, ‘di ba? Ikaw ay parang nawawalan na ng pag-asa ngayon, at ang isa pang tama sa mama mo ay ang kailangan mong lakasan ang iyong loob. Lumaban ka at makipagsapalaran. Dagdag pa niya, siya ay palaging nakamasid sa iyo kaya kahit na natatakot ka, ituloy mo lang ang pakikibaka sa buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 9, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Delilah na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Madalas akong managinip ng transportasyon. Nu’ng April, nanaginip ako na nakasakay ako sa van at may kasama ako, tapos bigla akong napunta sa airport at hinihila ako ng matandang lalaki, nakasakay ako sa improvised na container ng tubig at doon ako nakasakay papuntang gate ng eroplano.


Noong nakaraang gabi, nakatayo ako sa terminal ng tren at may kasama akong mga bata at hinabol namin ‘yung parating na tren.


Tapos kagabi, nakasakay ako sa bus na luma at papuntang Pasay at lumipat ako sa modern na bus.


Usually, nananaginip ako pagkatapos kong magdasal. ‘Yung unang nabanggit na panaginip ko, may mga numerong nabanggit tulad ng ilan ang sukat ng lupa, flight number, boarding gate number at oras na sinabi nu’ng kausap ko na nakasalubong ko sa airport ‘yung kakilala ko na susunduin niya ‘yung misis niya galing Cebu.


Naghihintay,

Leila


Sa iyo Leila,


Ang mensahe ng iyong panaginip ay nagsasabing pakikinggan na ng langit ang iyong mga kahilingan. Sinasabi rin ng iyong panaginip na hindi puwedeng manatili ka lang sa loob ng iyong bahay.


Ang isa pang mahalaga para sa iyo ay ituloy mo ang iyong pangarap. Bilang paglilinaw, ang parangap ay sinisikap na matupad at hindi ito ang sinasabing pangarap ng mga tao na hinihintay lang mangyari at hindi na nagsisikap.


Kapag tapos na ang COVID-19 pandemic, mas maganda na sa medyo malayo ka manirahan, pero hindi naman nangangahulugan na tuluyan ka nang aalis sa inyo, ito ay simpleng nagsasabi na kailangan mo ang bagong kapaligiran.


Muli, ang mensahe ng iyong panaginip ay nagsasabing pakikinggan na ng langit ang iyong mga hiling.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page