top of page
Search

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | September 4, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Aurea na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Naliligo ako at ayaw kong huminto sa kaliligo. Madalas ko itong napapanaginipan at minsan ay nagsa-shower ako kahit hating-gabi na. Minsan naman, naliligo rin ako sa tabing-ilog sa probinsiya namin sa Quezon. Ano ang kahulugan nito?


Naghihintay,

Aurea


Sa iyo Aurea,


Kapag ang buhay ay mahirap at hindi magawa ang gustong gawin dahil kapos sa pera, kapag ang buhay ng tao ay nababalutan ng takot, nerbiyos at negatibong pananaw, pero alam niyang mali ang ganu’n at wala siyang magawa para talunin ang mga ito, tulad mo, siya ay madalas na mananaginip ng naliligo.


Narito ang ilang paraan para kayanin mo ang bumabalot sa iyong negatibong kaisipan:

  • Mag-isip ng munting proyekto at ito ang “pet project”. Dahil munti o maliit ang pipiliin mo at hindi ka mahihirapan, tiyak na magagawa mo ito nang maganda.

  • Mag-isip ka muli ng isa pang munting proyekto, pero kailangan ay mas mahirap ito nang kaunti kaysa sa nauna. Dahil kaunti lang din naman ang hirap na madaragdag, siguradong ito ay magagawa mo rin.

  • Mag-isip ka muli, at ngayon, medyo mahirap na ang iyong gawin. Dahil medyo mahirap lang naman, matatapos mo pa rin ito.

  • Mag-isip ka muli, pero baka sa pagkakataong ito ay malakas na ang loob mo at pumili ka ng isang malaking proyeto. Ang piliin mo ay ‘yung alam mong makakaya mo at dahil alam mong kaya mo ito, malamang na matatapos mo.

Ang mga paraang ito ay epektibong pormula nang mapalaya ang tao sa mga negatibong kaisipan at kabiguang nakakapit sa kanyang pagkatao.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | September 3, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Mildred na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Nanaginip ako pinabunot ko sa dentista ‘yung ngipin ko sa harapan. Ano ang ibig sabihin nito? Salamat!


Naghihintay,

Mildred


Sa iyo Mildred,


Haharapin mo ang mundo nang may masayang mukha, may ngiti at sa bibig mo magmumula ang mga salitang magpapamalas ng iyong galing at husay.


Ang ganitong panaginip ay napapanaginipan ng mga taong kumita nang malaki sa pagbebenta ng mga lupa at ari-arian, kaya malaki ang pag-asa na yumaman ka kung ikaw ay mag-aahente.


Kaya rin alisin mo na ang madalas na pagiging mahiyain mo, duwag at mahina ang loob, lalo na kapag ang kakausapin mo ay alam mong mayaman o sobrang yaman.


Isipin mo, yumayaman ang mahirap kapag hindi siya takot na makisalamuha sa mayayaman. Umaasenso ang tao kahit sa pamamagitan lang ng pakikipag-usap sa asensadong mga nilalang.


Umaangat ang buhay ng taong hindi takot na makipagpalitan ng kaisipan sa mga taong nasa mataas na antas ng lipunan.


Simple naman ang kailangan sa ganitong mga bagay – dapat ay may masayang mukha, ngiti at nakapagsasalita nang may tiwala sa sarili.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | September 2, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Mintchi na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Sa panaginip ko, nasa mall ako at bumibili ng mga damit at pants. Kahit mahal, kinuha ko dahil bagay na bagay sa akin.


May panaginip din ako na nagtatarabaho ako ibang bansa. Sa totoo lang, gusto ko talagang magtrabaho sa abroad dahil sa totoo lang, dito sa atin ay hindi gaganda ang kinabukasan ko.


Naghihintay,

Mintchi


Sa iyo Mintchi,


Tulad ng iyong panaginip na mga bagong damit, ang buhay mo ay magbabago rin. Tulad ng mga damit sa mall, ang iyong personalidad ay mas malaki ang halaga, as in, mas angat na angat ka kung ikukumpara sa iyong kasalukuyang buhay.


Wala namang makitang dahilan mula sa iyong panaginip kung paano ito mangyayari, pero ginagarantiyahan na tulad ng nasabi na, lalaki ang iyong halaga, as in, angat na angat ka.


Matutupad ang pangarap mong makapagtrabaho abroad dahil marami ang hindi na makakabalik sa mga kababayan nating nagsiuwi dahil sa COVID-19 dahil may nahanap na silang pagkakaabalahan dito sa atin.


Ang mga single naman nang sila ay nasa abroad ay nagkaasawa at may anak na.


Maghintay ka lang ng pagkakataong papayagan nang magtrabaho sa ibang bansa ang mga Pinoy.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page