top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 24, 2021


ree

Nag-crash ang Black Hawk military helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa isinagawang night flight training sa Tarlac noong Miyerkules.


Saad ni PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, "Last night, June 23, 2021, an S-70i Black Hawk Utility helicopter of the 205th Tactical Helicopter Wing on a night flight training figured in a mishap a few miles from Colonel Ernesto Rabina Air Base in Capas, Tarlac.”


Ayon kay Mariano, nilisan ng helicopter ang Clark Air Base bandang alas-8 nang gabi para sa naturang flight training.


Nabahala umano ang iba pang PAF personnel nang mawalan ng contact sa helicopter at sa mga crew bandang alas-10 nang gabi.


Saad pa ni Mariano ngayong Huwebes, "As of this writing, PAF search, retrieval, and recovery teams are diligently at work.”


Aniya pa, “So far, no survivors have been found. The identities of the aircrew members will be provided as soon as the members of their families are properly notified.”


Saad pa ng PAF, “We grieve for the loss. The PAF will conduct a thorough inquiry to determine the circumstances of this unfortunate incident.”


Patuloy na nagsasagawa ng search, retrieval and recovery operations ang awtoridad at dahil sa insidente, hindi muna umano gagamitin ang iba pang Black Hawk combat helicopters.


Saad pa ng PAF, "For the meantime, all the other Black Hawks will not be flown until the conclusion of the investigation.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 24, 2021


ree

Pumanaw na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ngayong Huwebes nang umaga sa edad na 61.


Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa malinaw kung ano ang ikinamatay ni ex-Pres. Noynoy ngunit una nang naiulat na isinugod umano siya sa Capitol Medical Center sa Quezon City.


Nakita rin ang pagdating ng kapatid ni Noynoy na si Kris Aquino sa nasabing ospital bandang alas-9 nang umaga.


Saad ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, “It is with profound sadness that I learned this morning the passing of former President Benigno S. Aquino III.


“I knew him to be a kind man, driven by his passion to serve our people, diligent in his duties and with an avid and consuming curiosity about new knowledge and the world in general.”


Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya Aquino ukol sa insidente.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 24, 2021


ree

Malaki ang posibilidad na tamaan ng severe COVID-19 ang mga indibidwal na mayroong poor sleeping habits, ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik ng Harvard University.


Sa long-term UK Biobank study, nagsagawa ng survey ang mga researchers ng Harvard University sa 46,000 participants kabilang na ang 8,422 na nagpositibo sa COVID-19 kung saan nakita na ang hindi maayos na pagtulog ay may koneksiyon sa immune system.


Mula noong 2006 hanggang 2010 ay sinagot ng mga participants ang ilang mga tanong tungkol sa kanilang sleep duration, daytime sleepiness, insomnia at body clocks.


Ang naturang survey ay ginamit para sa bagong pag-aaral at napag-alaman na ang mga tinamaan ng COVID-19 na may mababang score sa kanilang sleeping habits ay may pinakamataas na posibilidad ng “death” o pagkasawi.


Saad pa ng mga mananaliksik, “Tracking sleep behavior may have importance in identifying those at increased risk for COVID-19 mortality and hospitalization.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page