top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 25, 2020




Binabantayan talaga ng mga netizens ang bawat post ni KC Concepcion sa kanyang IG account na @itskcconcepcion.


Sa latest pasabog ni KC, ipinost niya ang photo na naka-dip sa swimming pool habang hawak ang isang romance novel, at litaw na naman ang malulusog niyang dibdib.


"2020 is the year to reflect, reset, and remember who was there for you to see you through... and who wasn’t," caption ng post niya.


Kaya naman, may isang netizen nang 'di napigilang mag-comment ng, "No bra challenge naman"


Sinagot ito ng isang netizen, "@1chomiglytz17 bogok (read: bugok) ka din, 'no? Saan ka nakakita naka-swimwear din (read: then) naka-bra!"


Sumagot uli ang unang nag-comment na netizen, "@simplymeanyd sinabi ko bang naka-swimwear niya gagawin, b*bo mo. Haha! Sabi ko, mag-no bra challenge siya next time."


Sabad naman ni @yasminemagna, "@1chomiglytz17 Hindi talaga mahilig mag-bra si Ms. KC!!!"


Opinyon naman ni @naja.bonana, "@1chomiglytz17 Ah, bago na ba pala ngayon? 'Pag mag-swimsuit, mag-bra?"


Sagot uli ni @simplymeanyd, "@1chomiglytz17 ugok! 'Yung mama mo ang ipa-bra challenge! Para makita mo ang kab*bohan mo!"


Comment naman ni @ivonsabejon, "@naja.bonana Insecure ka lang sa ganda niya 'day. Ikaw, mag-swimsuit din, tingnan natin hitsura mo!"


Sagot naman ni @naja.bonana, "@ivonsabejon I am not against anything for KC. Don't get me wrong. Have you read my comment? Should you be telling that to @1chomiglytz17 and not to me. I'm a fan of Kace, and whatever she does; I'm not in the position to be against or say bad about it (kahit kanino man siguro? Why judge if we have our own personal lives to look after) also, yes I do wear swimsuit, do you?"


Nakakaaliw talaga ang mga netizens, wait na lang sila sa magiging reaction dito ni KC.


Anyway, may nag-comment naman tungkol sa chika na pagbabalikan daw nina KC at Piolo Pascual.


Sabi ni @delrosarioalonalon, "@teamkcpj Ate, actually kinikilig ako sa balitang nagkabalikan na sila ni P, totoo po ba?"


Oh, well, abangan na lang natin kung may pupuntahan ba ang balitang ito.

 
 

IVANA, PANG-5 LANG, CATRIONA, PANG-10 NAMAN SA SEXIEST WOMEN SA 'PINAS

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 17, 2020




PALABAN at hindi talaga magpapadaig hanggang sa huling laban ang mga fans ni Maine Mendoza lalo na 'yung AlDub Nation para makuha ang titulo bilang Philippine Sexiest Woman 2020 na kung saan nangunguna pa rin sa list si Nadine Lustre.

Sa partial and unofficial votes as of August 6, 2020, umakyat na sa second place si Maine kung saan nagsimula siya sa 5th noong May, umakyat sa 4th at 3rd nu'ng mga sumunod na buwan.


At base sa trend, parang kayang-kaya pa ng mga fans na maabutan ang mga boto ni Nadine.


Post ng isang fan, nakakuha na ng milyun-milyong boto si Maine mula sa FB — 4,847,012; IG — 3,720,734; at Twitter — 6,150,515 as of August 12 at sinabing less than 20K na lang ang kanilang hahabulin at meron pa naman silang hanggang August 31 para bumoto.

Gumawa rin ang ADN ng 27-second video na ipinakikita ang kaseksihan ni Maine na karamihan ay naka-two-piece siya sa iba't ibang beaches na kanyang pinuntahan. Ipinakikita lang nila na deserving ding koronahan ang kanilang idolo bilang pinaka-sexy sa 'Pinas sa taong ito.

Samantala, bumagsak naman sa 5th place si Ivana Alawi na pinagpapantasyahan ngayon ng mga kalalakihan at marami ang nag-e-expect na malakas ang laban niya, pero mukhang mahina ang kanyang voting powers.

Natalbugan pa siya nina model/host Christine Samson at Miss Flawless Sachzna Laparan na pasok sa third and fourth place. Si PBB Otso housemate Lou Yanong ang nasa ika-anim na puwesto samantalang pang-pito naman si Kathryn Bernardo.

Ang last year's winner naman na si Barbie Imperial ay nasa eight place at pang-siyam si Bela Padilla.

Kukumpleto sa Top 10 si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Past winners ng Sexiest Women in PH sina Jennylyn Mercado (2016), Kim Domingo (2017) at Nadine (2018).

Kaabang-abang kung makukuhang ipanalo ng AlDub Nation sina Alden Richards at Maine sa online poll na ito.

Kaya naman, puspusan na ang kanilang pangangampanya araw-araw na may tag na: "VOTE FOR #MaineMendoza as the PH Sexiest Woman 2020!" at "VOTE FOR #AldenRichards as the 2020 Sexiest Man in PH!"

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 15, 2020




Binalikan namin ang online poll ng isang entertainment blog na Starmomoter kung saan ipinost nila last August 5 na naungusan na ni Josh Cullen Santos ng SB19 si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa semi-final ng Sexiest Man in the Philippines 2020.


Nasa third place naman si Ion Perez, pang-apat ang star ng Gameboys BL series na si Kokoy de Santos, sa fifth and sixth places naman sina Enrique Gil at Daniel Padilla.


Ang semi-finalist topc 6 ay mula sa 20 nominated actors at noong August 14, inihayag na ang 6 finalists kung saan pumasok na si James Reid at nalaglag sa list si Daniel.


Nagsimula na rin ang global fan vote na magtatapos sa 12 NN ng August 24, 2020 Manila time sa apat na platforms (Facebook, Twitter, Instagram, and online poll) at ang pinakamaraming makukuhang boto ang tatanghaling Sexiest Man in the Philippines 2020.


Si Alden ang defending champion at kung muli siyang mananalo this year, ie-elevate na siya sa Hall of Fame.


Nang i-check namin ang mga votes as of August 14, nangunguna pa rin si Josh na may 1,251,304 votes habang si Alden ay nakakuha ng 1,124,096 votes.


Pasok nga sina Ion (177,456 votes), Kokoy (168,405 votes), James (108,406 votes) at Enrique (100,033 votes) sa natitirang slots sa Top 6.


Pero papayag ba naman ang mga fans ni Alden? For sure, hindi lang sila magdo-double kundi triple effort pa para hindi masilat ang kanilang idol at makuha pa rin ang titulo sa ikatlong pagkakataon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page