top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 28, 2020




Ang lakas talaga ng voting power ng Triple A (All Access to Artists) star na si Kisses Delavin. Imagine, tinalo niya sina Maine Mendoza at Nadine Lustre at nanguna sa 100 Most Beautiful Women in the Philippines online poll ng Starmometer.com.

Second time na pala ito ng dating PBB Teens housemate dahil hinirang na siya na Most Beautiful Woman noong 2018.

Sa 15th edition ng annual poll, nanalo si Kisses sa total na 2,180,789 votes na pinakamalaki ang nagmula sa Facebook (1,892,511), Twitter, Instagram, and online ballot.

Ang two-time titleholder na si Nadine ay nasa ikatlong puwesto sa 1,406,627 votes. Si Kathryn Bernardo na winner last year at pumasok sa fourth place ngayon ay nakakuha ng 905,596 votes. Habang si Maine ay nasa ikalawang puwesto matapos makakuha ng total of 1,873,741 votes.

Sa announcement of winner noong September 22, nag-top Twitter Trending Topics sa 'Pinas ang phrase na KISSES MOST BEAUTIFUL PINAY.

Samantala, ang new entry na si Adrianna So ay nakapasok naman sa fifth place. Sumikat siya dahil sa first Pinoy BL series na Gameboys. Nakatakda rin siyang magkaroon ng sariling online series na may title na Pearl Next Door na mapapanood na ngayong October sa YouTube channel ng IdeaFirst.

Ang 6th to 10th naman ay sina Jennylyn Mercado, Julie Anne San Jose, Loisa Andalio, Marian Rivera at Sanya Lopez.

Sa 15 years ng 100 Most Beautiful Women in the Philippines, hawak pa rin ni Angel Locsin na first winner noong 2007, ang korona at hindi matibag dahil seven times lang naman siyang nagwagi.

 
 

ARJO AT MAINE, BUKING NA 'DI SUMUSUNOD SA SOCIAL DISTANCING

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 21, 2020




Gumawa na naman ng ingay ang nai-post na photo kung saan kasama ni Arjo Atayde ang GF na si Maine Mendoza at ang pamilya nito sa out of town trip noong isang linggo.


Dahil sa naturang photo, napatunayang hindi totoo ang mga tsismis na break na ang dalawa.


Pero hindi lang ang relasyon ng dalawa ang inintriga kundi pati ang pagsunod nila sa ipinatutupad na health protocols, lalo na ang social distancing.


Ang comment ng ilang netizens na ang ilan ay nang-aasar at may nagsabi pang may nilabag sila regarding social distancing...


"Puwede na pala mag-outing nang ganyan? Aba, ano pa inaantay natin? Tara, sugod na tayo sa Tagaytay!"


"Walang social distancing, pasyal pa more!"


"Hala, outing pa more despite the government’s warning. While others are hinuhuli, eto proud pang ipinost. Good job kayo d'yan."


Comment pa ng isang netizen na nagsabing magsumbong na lang daw sa otoridad, "Sa yaman ba naman nila, hindi sila makakapag-test kung may covid? Hello, 'and'yan pa si Maine. Sila-sila lang din 'and'yan. Tsaka kung sasabihin n'yo kasi hindi sila ordinaryong tao, aba, eh di dapat, i-bash n'yo ang gobyerno kasi hindi sila hinuhuli. Saka, alam din nila ginagawa nila, lalabag ba naman sila kung bawal? Jusko, magsumbong kayo now na lumabag sila, tingnan natin kung may papansin sa inyo."


Pagtatanggol naman kina Maine at Arjo ng isang netizen, "Bitter spotted. Ang magkakapatid ay sa iisang bahay lang nakatira at ang ArMaine ay magjowa. Kayo ba ng pamilya at jowa mo, nagso-social distancing? Ay, baka wala ka palang jowa."


Sinusugan din ito ng isa pa, "Excuse me, 'di sina Arjo ang nag-post, private post 'yan, eh, and hello, family trip 'yan sa resort nina Arjo, less than 10 silang pumunta. Naka-face mask at face shield sila. Maka-hanash lang kayo. Ang sabi ng DOT, puwede na mag-out or mag-vacay with 40 percent capacity."


Paliwanag naman ng isang netizen, "My gosh, you take "social distancing" way too literally! Dumistansiya ka sa 'di mo kakilala, 'yung mga taong 'di mo alam saan nakatira, kung may travel history, sa'n nanggaling, sino kasama, kung may exposure, high risk, etc.. 'Pag pamilya mo, lalo jowa mo, pamilyang kasama mo sa bahay, hindi applicable 'yun. Jusme, na-covid na rin utak ng mga tao. Kaya kalokohan 'yung seat apart sa restaurant para sa mga mag-asawa/partners.


Korek!

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 19, 2020




Hindi nagpatinag ang mga fans ni Nadine Lustre na aminadong nagpuyat nang husto para mapanatili sa number one spot bilang Philippine Sexiest Woman 2020 ang kanilang idolo at hindi masilat ni Maine Mendoza.


At tagumpay sila dahil si Nadine nga ang hinirang na Sexiest Woman noong September 15 at second time na niya ito dahil siya rin ang nanalo noong 2018.


Nanatili naman sa second place si Maine at pangatlo si Christine Samson na isa sa new entry sa PH Sexiest Women na nasa ika-limang taon na.


Umakyat naman ang bagong pantasya ng bayan na si Ivana Alawi sa 4th place. Nasa 5th place si Sachzna Laparan at humabol din sa 6th si Barbie Imperial na winner last year. Pang-pito na si Lou Yanong at bumagsak sa pang-walo si Kathryn Bernardo.


Nanatili sa 9th place si Bela Padilla samantalang si Jennylyn Mercado na first winner ng Sexiest Women in PH noong 2016 ay humabol pa sa Top 10.


Pasok naman sa 11 to 20 spot sina Catriona Gray, Kim Domingo (2017 winner), Bianca Umali, Pia Wurtzbach, Rhian Ramos, Sanya Lopez, Jessy Mendiola, Maja Salvador, Andrea Torres at Yen Santos.


Samantala, may nakita kaming post sa Twitter na nagre-react sa pagkapanalo ni Nadine.

Tweet ni @onlymaine4ever, "So, ibinatay n'yo na lang ang result kasi ayaw ni Meng maging Philippine Sexiest kaya iba ipinanalo n'yo. Kahit consistent si #MaineMendoza ang lamang. #Scam."


May panawagan naman sa mga avid fans ni Maine si @leane_sm, "Pls? Kung paano 'yung bayanihan na ginawa natin sa PHILIPPINE SEXIEST WOMAN, sana mas doblehin pa natin kasi mas deserve ni @mainedcm 'to, GANDANG PILIPINA!


"Thank you, let's vote na guys on FB, IG, Twitter at sa Poll. Check the link of: @menggalurks #MaineMendoza."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page