top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 14, 2020




Tinalo ng Chinese actor na si Xiao Zhan ang sikat na sikat na BTS member na si Suga (Min Yoon Gi) para sa titulong “Sexiest Man in the World 2020".


Ang Untamed actor ang nanguna sa online poll ng starmometer.com na nasa ikatlong taon na. Naging mahigpit ang labanan ng dalawa sa finals ng annual poll. Nakakuha ang 29-year-old na si Xiao (na nag-birthday lang last October 5) ng total of 1,185,342 votes (230,852 sa Instagram at 954,490 sa online poll), samantalang si Suga ay nakatanggap naman ng 1,087,709 votes (410,995 sa Instagram at 676,714 sa online poll).


Na-discover si Xiao sa talent reality program na X Fire noong 2015 kung saan isa siya sa mga nagwagi at naging member ng male idol group na X Nine.


Naging bida siya sa Super Star Academy, Oh! My Emperor, Battle Through the Heavens at sa historical drama na The Wolf.


Last year, bumida uli si Xiao sa highly-successful action series na The Untamed at co-star niya si Wang Yibo, na nagdala sa kanya sa superstar status sa China.


Nag-lead din siya sa movie na Jade Dynasty na nanguna sa China box-office sa unang araw ng pagpapalabas at naging highest-grossing Chinese movie sa Thailand.


Last April, ini-release niya ang digital single na Spot Light na naging highest-selling digital single of all time sa China matapos makabenta ng more than 44 million copies.


Later this year, mapapanood na ang newest romantic drama niya na The Oath of Love.

Nasa third place ang Chinese actor din na si Wang Yibo, pang-apat si Max Nattapol ng Thailand at ang South Korean actor na si Hyun Bin naman ang nasa fifth place.


Sa mga Pinoy celebrities, si Tony Labrusca ang nakakuha ng pinakamataas na puwesto dahil nasa 29th place siya, samantalang si James Reid ay pasok sa 37th place.


Ang tinanghal na “Sexiest Man in the Philippines 2020” na si SB19 member Josh Cullen Santos ay nasa ika-82 puwesto, samantalang ang kanyang runner-up na si Asia's Multimedia Star Alden Richards ay bumagsak sa 96th spot ng Top 100.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 8, 2020




Tiyak na iba-bash na naman to the max si Megastar Sharon Cuneta sa paglalabas ng Part 2 ng kanyang pinag-uusapang mega watch collection.

In-upload nga ni Mega ang Part 1 ng collection noong September 16 na meron nang 379,590 views, kung saan ilan sa mga pinili niya ay 'yung may meaning at may magandang stories na gusto niyang i-share, bukod pa sa pag-amin niya na investments din ang pagbili ng mamahaling relo na kanyang kinababaliwan.

Repost ni Sharon kahapon (October 7) ilang oras bago ito i-upload sa kanyang YouTube Channel, "Here's what you've been waiting for, Part 2 of My Watch Collection! Coming tomorrow, only here on the Sharon Cuneta Network #SharonCunetaNetwork #SharonCuneta."


Ipinasilip nga ni Sharon ang mga luxury watches niya at ilan dito ay Bvlgari, Rolex, Cartier at Piaget na punumpuno ng mamahaling bato.

Isa rito ang isinuot niya sa Madrasta movie noong 1996, pati na raw ang favorite ng mga Sharonians na favorite rin niya. Makikita rin ang isa sa pinaka-expensive watch sa collection at 'yung isa na nang mabili niya ay nag-iisa lang daw sa buong mundo, kaya for sure, nakakalula ang presyo nu'n!

Nag-react naman si Angel Locsin at taas-kamay na sabi niya, "Grabe ang collection!"

Ilan pa sa mga reactions ng netizens…

@revelyncabot, "Naku, naku bashers, pasok @ maharlika cno n ung kalbo banatby ba un lol ayan n nmn lol"

@silent_fan12, "Yaaaasss! So excited to watch the Part 2 of your watch collection! Thank you!"

@dumanzledam, "Oh great & thanks for sharing as I love watches too."

Opinyon naman ni @rhoxzytan, “No one can fault you for buying something expensive. Kasi pinaghirapan mo 'yan.”

"Pero grabe! Isang relo niya, may sarili na cguro kmi bahay. God bless Ms. Sharon. "

Well, dedma na lang sa mga bashers, ang importante ay tiyak na matutuwa ang mga Sharonians sa latest vlog na ito ni Sharon.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 30, 2020




Nakakaaliw ang guesting ng mga bida ng Panti Sisters movie na sina Martin del Rosario, Christian Bables at Paolo Ballesteros na nag-effort na mag-Barbie gurl makeup sa #2NYTwithAllanD na umeere sa YouTube tuwing 9 PM ng Sabado.


Sa live streaming ng show ni Allan Diones, muling inamin ni Paolo na hanggang ngayon ay si Piolo Pascual pa rin ang kanyang biggest crush sa showbiz at tipong pinagnanasaan.


Esplika pa ni Pao kung bakit consistent siya sa pagsasabing number one crush niya si PJ, "Eh, kasi hindi niya ako pinapansin. Gusto ko kasi, 'yung may challenge."


Inamin din niyang gumawa naman siya ng effort para magpapansin kay Piolo pero no effect talaga.


Kuwento pa ni Paolo, "Dati, napapanaginipan ko pa 'yan, tapos ibinibigay niya sa akin ang phone number niya sa panaginip ko. Tapos gigising ako, tinatandaan ko 'yung number niya."


Choice naman ni Martin si Lovi Poe at si Maja Salvador kay Christian, na pareho nilang wini-wish na makatrabaho.


May revelation din si Paolo na parang gusto ring mag-artista ng 11 years old na anak niyang si Keira Claire at nag-go-see pa raw para maging young Darna. Ang problema, hindi ito magaling mag-Tagalog.


Mahilig din itong mag-make-up at bonding nila ang manood ng RuPaul's Drag Race.


Dahil sa husay ni Paolo sa pagta-transform bilang sikat na celebrity, natanong siya kung type ba niyang mag-host ng reality competition ng RuPaul's Drag Race kung sakaling magkaroon ng PH edition.


"Gusto ko na lang mag-judge," sagot niya at isama na rin daw sina Martin at Christian para buo ang Panti Sisters.


"Si Vice Ganda na ang mag-host," aniya pa.


Aminado rin siyang napapagod nang mag-make-up transformation. Pero inamin niyang gagayahin niya si Heart Evangelista para sa isang project na pinagpapraktisan daw niya nang husto para sa shoot nila in October.


'Yung pagiging Barbie Gurl niya sa Bawal Na Game Show kasama ni Wally Bayola na napapanood sa TV5 ay parang generic makeup na lang.


Marami pang nakababaliw na revelations sina Paolo, Martin at Christian kaya puwedeng balikan sa YouTube channel ni Allan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page