top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 27, 2021



Ang dami pa ring ganap ni Maine Mendoza, patunay na in na in pa rin at hindi pa nalalaos ang Phenomenal Star na patuloy na nagho-host sa Eat… Bulaga! na nagse-celebrate ng 42nd anniversary ngayong July 30.


May Daddy’s Gurl siya every Saturday with Bossing Vic Sotto sa GMA-7 at host sila ng Dabarkads na si Paolo Ballesteros sa PoPinoy: The Search for the Next-Gen P-Pop Stars every Sunday sa TV5.


At ngayong August 2, sa bagong BuKo Channel ay mapapanood na rin ang first vlog-like lifestyle show na #MaineGoals. Exclusive ito sa Cignal TV at SatLite CH. 2 na kanyang ini-endorse.


Available rin LIVE sa Cignal Play for FREE until September 30.


Siya rin ang napili at perfect na maging new endorser ng GigaPay, ang innovative collaboration ng Smart and PayMaya sa pamamagitan ng GigaLife App.


Kaya naman ang laki ng pasasalamat ni Maine dahil muli siyang kinuhang endorser.


Inalala niya na ang TNT ng Smart ay isa sa first endorsements niya noong 2015, na simula ng AlDub nila ni Alden Richards, na nag-celebrate naman ng simpleng 6th anniversary ang AlDub Nation, dahil nga sa nangyari sa kanilang love team.

Ayon kay Maine na under pa rin ng Triple A (All Access to Artists) Management, “It was such a big deal for me to get the trust of the biggest telco brand in the country at that time. Now, I’m so happy to be back to promote a smarter way to pay and proudly say, ‘Simple, Smart Ako.’”


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 18, 2021



Kahit nasa gitna ng pandemya, hindi talaga mapipigilan ang paghataw ng tambalang #KimJe.


Muling mapapanood ang real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles sa kanilang pangalawang pagbibidahang pelikula ngayong taon, ang Ikaw at Ako at Ang Ending na hatid ng Viva Films.


Mula sa kanilang unang successful na team-up sa pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na ‘di pa natitinag sa Top 10 movies ng Vivamax, ngayon naman ay muli nilang nakatrabaho ang romantic movie hit maker at blockbuster director na si Irene Emma Villamor.


Ilan nga sa mga ‘di malilimutan at mapanakit na pelikula ni Direk Irene ay ang Camp Sawi, Meet Me in St. Gallen, Sid & Aya Not a Love Story, Ulan at On Vodka, Beers, and Regrets.

Say ni Kim tungkol dito, “We are very excited and happy nang malaman namin ni Je na makaka-work uli namin si Direk Irene. May kaba, dahil ibang genre siya, but at the same time, excited dahil iba talaga siya sa mga nagawa na naming movie."


Sobrang happy daw nila na nakatrabaho uli si Direk Irene na hindi nagdalawang-isip sa pagsugal sa kanila ni Jerald.


Iikot ang pelikula sa dalawang estranghero na pinagtagpo sa hindi inaasahang oras kung saan kapwa sinusubukang takasan ang kanilang mga miserableng reyalidad.


Nag-premiere sa YouTube ang teaser trailer ng pelikula noong July 11 at siksik ito ng takbuhan, car chasing at maiinit na love scenes nina Kim at Jerald, at mukhang puno ng suspense at aksiyon ang pelikula.


Siguradong marami rin ang magugulat sa kakaiba at mas daring na Kim at Jerald na mapapanood sa pelikulang ito, dahil ibang klaseng pag-arte ang kanilang ipapakita bukod sa kanilang pagpapatawa, kung saan mas nakilala sila.


Mapapanood na ang Ikaw at Ako at Ang Ending sa August 13, streaming globally sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa VIVAMAX.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 17, 2021



Ayon sa ipinost ng dailypedia.net, si Marian Rivera-Dantes ang nasa No. 1 spot ng listahan ng Most Followed Filipino Celebrities sa Facebook as of July, 2021.


Kaya masayang ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen sa kanyang Instagram Stories ang magandang balita, na labis-labis nga ang pasasalamat sa kanyang mga Facebook followers na umabot na sa more than 25 million.


“Awww salamat po,” sabi ng mommy nina Zia at Sixto.


“#MagLiveAkoSoon, Kita-kits," ayon pa sa magandang aktres.


Kababalik lang ni Marian sa kanyang social media account matapos mag-lie-low nang ilang linggo at last month nga ay naabot na niya ang 25 million mark sa FB followers.


Patuloy pa ring nagho-host si Marian ng Tadhana na napapanood tuwing Sabado nang hapon at gabi-gabi naman silang napapanood ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa rerun ng Endless Love sa GMA Telebabad.


At dahil fully vaccinated na silang mag-asawa, hinihintay ng kanilang milyun-milyong tagahanga na makagawa na sila ng bagong proyekto, kung hindi man teleserye, kahit na isang sitcom na mas magiging madali para sa kanila.


Kahit nasa bahay lang na nag-aalaga ng mga anak, abala pa rin si Marian sa kanyang itinatag na negosyo, ang Flora Vida by Marian na palaki nang palaki at base sa kanyang mga IG posts, maraming nakakasosyal na gamit-pambahay ang paparating, na mula naman sa Flora Vida Home.


Patuloy din siyang pinagkakatiwalaan ng mga products na ini-endorse na halos lahat ay nag-renew ng kontrata at may bago pang dumating.


Last week naman, muli silang nag-shoot ni Dingdong sa ini-endorse nilang bangko na nagse-celebrate ng kanilang anibersaryo, kaya muling makikita ang mag-asawa na magkasama kahit sa TVC at print ads lang.


Narito naman ang iba’t ibang reactions ng mga netizens sa entertainment blogsite sa pagiging number 1 ni Marian sa list:


“Sampal 'to sa mga tard ng ABS-CBN. Congrats GMA-7 and Ms. MARIAN RIVERA.”


“Asan na 'yung mga tards? Mga feeling sakalam sa socmed at mga pa-class kuno?!”

“Ayan si Marian, ke OOTD, floral negosyo, family life o pagluluto, sinusundan ng tao. Simple pero relatable. 'Yan ang influencer!”


“Talaga ba, baks? Sa FB na pugad ng trolls, lol, eh, dinosaur na ang FB. Tiktok, Omegle, pati Kumu ang in ngayon.”


“Mababa ang interactions ng page ni Marian kahit most followed.”


“May video siyang 17M views in 1 hour and 16M views in 2 hours. Record breaking according to FNET... may pics siyang in 1 day, 1M likes. Ano'ng mababa ang interactions? Buti nga, walang ads 'yung videos niya, eh.”


“'Day 'di basehan ang Twitter ng kasikatan ng isang celebrity. Look at their movies, shows, endorsements. 'Yung social media, nadadaya 'yan. Gobyerno nga, daming dummy accounts.”


“Hindi 'yan daya. Maraming international fans si Marian na nakadagdag sa Pinoy followers niya.”


“Marami siyang fans abroad dahil sa mga lumang serye niya.”


“Iiyak na naman ang mga kaF tards. Eh, world-class daw sila, eh, hahahaha!”


“I used to be Kaf. I agree. Settings and stage lang ang maganda sa Kaf at saka OA (theatrical) acting. Pero 'pag pagtiyagaan mo ang Kah, meron ding mga magagaling na artista bukod pa may Marian. Magaling lang ang Kaf noon sa pa-trending on Twitter. I like the underrated actors of GMA.”


“Si Marian ang pinakasikat na Pinoy artista rito sa Vietnam. Mga nanay ng mga students ko rito, naka-like sa page niya. Recently lang, nu'ng kumain kami sa Korean restaurant here and the staff found out we’re Pinoys, si Marian agad ang itinanong nila.”


“Tama. I think si Marian ang pinakasikat na Pinay actress sa neighboring Asian countries natin. Talo niya ang mga ABS stars.”


“Si Marian, unang sumikat d'yan dahil may kasunduan ang GMA-7 at Vietnam to air shows, sa ABS-CBN naman, South Africa.”


“Ipinagpipilitan nga nilang si Anne Curtis daw ang most followed Filipina celebrity. NGE!”


“Iba talaga si 'Yan! Pero hanga ako sa kanya talaga, focused na sa family at business inactive pero sandamakmak endorsements.”


“I’m a social media manager. And it’s not just about having the most number of followers. What matters more is actually engagements. So 'yun 'yung mga reactions and comments. Marian’s FB, hindi masyadong madaming engagements compared sa followers niya. Compare mo 'yan sa IG ni Anne. Anne gets at least 100K likes per post and millions sa views sa mga videos niya. Sa social media ranking, mas angat pa rin si Anne.”


“NO. Mababa pa rin 'yang engagements ni Anne and just because hindi masyadong nagko-comment mga followers ni Marian, eh, hindi na valid. Maraming Asian fans si Marian. JUST ADMIT THAT ANNE CURTIS IS NOT THE MOST FOLLOWED FILIPINA IN SOCIAL MEDIA.”


“I’m not invalidating Marian’s popularity. She is popular. Pero sa social media game, mas mababa talaga ranking ni Marian. Kasi engagement talaga hinahanap ng mga sponsors. We use tools to count engagement sa page. On FB, you can only monetize 'pag video creator ka or if may sponsorship ka, puwede mo rin i-post. Sa IG, celebrities heavily monetized by sponsorship. And celebrities who are brand conscious, stay away from FB.”


“Iba rin naman kasi karisma ng isang Marian Rivera. Kaya kahit anong lait ng mga kaF sa kanya, they can't put her down!”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page