top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 24, 2023


Walong races kabilang ang Philracom Sampaguita Stakes Race ang masisilayan ng mga karerista ngayong araw na gaganapin sa Metro Manila Turf Club sa Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Kabilang sa aabangan ng mga karerista ang P2-M stakes race ng Sampaguita kung saan magbabakbakan ang anim na mahuhusay na batang kabayo sa distansiyang 2,000 meter race.


May nakalaan na guaranteed prize na P2M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, makikipagtagisan ng bilis sina Cam From Behind na sasakyan ni Kelvin Abobo, Dambana ni Jeffrey Bacaycay, Enigma Uno ni John Alvin Guce, La Liga Filipina ni Andrew Villegas, Charm Campaign at Flattering You.


Komento ng mga karerista, malaki ang tsansa na manalo ang Charm Campaign at Flattering You na sasakyan nina former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema at Jomer Estorque ayon sa pagkakasunod.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1.2M, mapupunta sa second placer ang P450,000 habang tig- P250, 000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod.


Kukubrahin naman ng breeder ng winning horse ng P100,000 habang tig-P60,000 at P40,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


“This will surely be a race to watch as all runners have a chance of pulling off the win considering their previous performances and with the distance playing an important factor in the connections’ strategies,” saad ni Philracom Chairman Reli de Leon. “The betting pools in this race will be spread out thereby giving the bayang karerista a juicy payout should he pick the winning combination."


Bukod sa nabanggit na stakes race, maglalarga rin ang Metro Manila Turf Club Inc. ng balanseng regular races para mas mapasaya ang mga kareristang maglilibang.


Samantala, isa pang aabangan ng mga karerista ay ang 3-Year-Old & Above Maiden race na pakakawalan sa unang karera.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Lagertha (7), Stay Funny (6), Rock To The East (9), Brightside (2)

Race 2 - Nuclear Bomb/Gomper Girl (3/3A), Cat Bell (7), Hamlet (5)

Race 3 - Sun Dance (13), Hombre (3), Rockaway (5), Bang (8)

Race 4 - La Liga Filipina (6), Flattering You (2)

Race 5 - Mettle Strength/French Leather (3/3A), Che Che (9), Binibini (10), Bullet (6)

Race 6 - Lucky Julliane (5), National Treasure (12), Can You Giub (8), Step Bell (7)

Race 7 - Sakalam/Tattler Story (5/5A), Magnolia Yana/ Lucky Noh Noh (7/7A), El Mundo (6)Race 8 - Jambo (5), Speak Easy (8), Pendant (11), Amelia (9)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 23, 2023


Palaban ang magkakamping Open Billing at Prime Billing kahit mahuhusay ang kalahok sa magaganap na 2023 PHILRACOM-PCSO 3Year-Old Locally Bred Grand derby na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Oktubre 8.


Masusubukan ang tikas nina Open Billing at Prime Billing kontra ibang nominadong kabayo tulad nina Jaguar at La Trouppei sa distansiyang 1,800 meter race.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema si Open Billing habang nakatoka kay Prime Billing si Andreu Villegas.


Bukod sa apat na nabanggit na kabayo, ang ibang nagsaad ng pagsali ay sina Domsat Seven, Earli Boating, Glamour Girle, Istulen Ola, Secretary, Sonic Clay at Winner Parade.


Tumataginting na P3-M guaranteed prize ang ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line, tig-P1.5M ang inisponsor ng PHILRACOM at PCSO.


Ibubulsa ng horse owner ng mananalong kabayo ang P1.8-M na premyo habang hahamigin ng second placer ang P600,000, mapupunta ang P300,000 sa third habang tig-P150,000, P90,000 at P60,000 ang fourth hanggang sixth.


Ayon sa mga karerista, paniguradong pinaghahandaan ng mga trainer ang hinete ang nasabing karera dahil malaki ang premyo. Susungkitin ng breeder ng winning horse ang P150,000 habang tig-P90,000 at P60,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon at ng PCSO.


Samantala, kinansela ang karera ng Commission Board kahapon ng Biyernes ito'y dahil sa pagbabanta ng Taal Volcano.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 22, 2023


Napipisil ng mga dehadista si Streisand pagsalang nito sa 3-Year-Old & Above Maiden race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Sasakyan ni jockey Jo L Siego si Streisand, makakalaban nila ang tigasing sina Time Traveller at Come Back Stronger sa distansiyang 1,400 meter race.


Nakalaan ang karagdagang premyo na P20,000, ang ibang kalahok ay sina Malabon King at Hellguy sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Komento ng mga karerista, inaasahang magdodomina sa takilya sina Time Traveller at Come Back Stronger na sasakyan ni Dan Camanero.


Paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang dahil may walong balanseng karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes.


Isa pang aabangan ng mga karerista ang bakbakan ng siyam na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pasisibatin sa pangalawang karera.


Magtatagisan ng bilis sina Avenue Shopper, Wessfacckol, Prince Arman, Full Payment, Adorable Felicia, Fredie Wong, Kusing, Blind Item at Eunice And Aiah, paglalabanan nila ang P15,000 added prize na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa meta.


Hahamig din ang winning horse owner ng P10,000 karagdagang premyo.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Streisand (2), Time Traveller (3)

Race 2 - Adorable Felicia/Fredie Wong (5/5A), Kusing (7), Blind Item (8), Full payment (7)

Race 3 - Queen Louise (3), Keep D Trick (6), Silab (4)

Race 4 - Hook The Hustler (3), Todo Pong (4), Truthmaker (10), Marangal (8)

Race 5 - Che Che (2), Smiling Lady (7), Barayong (8), Binibini (3)

Race 6 - Bahandi (8), Gold Rush (9), Magnifico (2), Sakalam (1)

Race 7 - Jambo (8), Freestyle (1), Speak Easy (3), Happy Maggie (4)

Race 8 - Sun Dance (6), Hombre/Best Offer (7/7A), Rockaway (3), Bang (5)

 
 
RECOMMENDED
bottom of page