top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 03, 2023


Nagpasiklab si Dreamsoftheworld sa karerahan matapos manalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Kumaripas sa largahan ang matulin na si Moon Island pero sinundan agad siya ni Dreamsoftheworld para tutukan habang katabi niya ang nasa tersero puwesto na si Time Traveller.


Papasok ng far turn ay kumakapit na sina Time Traveller, Dreamsoftheworld at rumeremateng si American Pariah kay Moon Island.


Nagkapanabayan ang apat na kabayong nabanggit pagsungaw ng rektahan pero sa huling 100 metro ng labanan ay nakuha na ni Dreamsoftheworld ang unahan.


Ginabayan ni veteran rider Jeffrey Bacaycay, tinawid ni Dreamsoftheworld ang meta ng may apat na kabayong agwat sa pumangalawang si American Pariah sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Inilista ni Dreamsoftheworld ang tiyempong 1:00.4 minuto sa 1,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner ang P20,000 added prize.


Pangatlong dumating sa finish line si Time Traveller habang pumang-apat si Moon Island, ang nasabing karera ay pinasibat sa pangalawang race.


Balanse ang inihandang pitong karera ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo kaya naman maganda ang naging bentahan sa takilya.


Samantala, nagtala ng back-to-back wins si jockey Claro S. Pare Jr. matapos ipanalo sina Kalanggaman Island at Little Ms. Saturday sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System races na pinatakbo sa pangatlo at pang-apat na karera ayon sa pagkakasunod.

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 02, 2023


Parang nag-jogging lang si Mae Bell ng tawirin nito ang finish line at manalo sa 2023 PHILRACOM 2-Year-Old Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Sabado ng hapon.


Kumaripas sa largahan si Mae Bell na sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema para hawakan ang unahan.


Lamang ng dalawang kabayo si Mae Bell sa pumapangalawang si Blame The Ghost sa kalagitnaan ng karera habang nasa pangatlong puwesto si Malibu Princess.


Pagdating ng far turn ay nanatili ang bentahe kay Mae Bell kaya naman pagsapit ng huling kurbada ay nasa tatlong kabayo na ang kanyang lamang sa Blame The Ghost.


Hindi na pinaporma ni Mae Bell ang mga katunggali at tumuloy na ito sa meta upang manalo ng may apat na kabayong agwat sa sumegundong Polite Bell.


Inirehistro ni Mae Bell ang tiyempong 1:12.8 minuto sa 1,200 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si RC de Leon ang P20,000 added prize.


Tumersero si Blame The Ghost habang pumang-apat si Malibu Princess sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, nagpakitang gilas naman si Gaelic Flavor sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangalawang karera. Inilista ni Gaelic Flavor na sinakyan ni Esmael Nahilat ang 1:28.4 minuto sa 1,400 meter race.

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 01, 2023


Limang mahuhusay na kabayo ang nakatakdang pumarada sa pista sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas ngayong araw.


Markado sa mga kalahok si I'll Have Another dahil siya ang napipisil ng mga karera tipsters sa programa kaya asahang suportado siya ng mga liyamadista.


Rerendahan ni jockey Christian Advincula, makakaharap ni I'll Have Another sina Princess Mamba, Adorable Felicia, Baling Rikit at Flashy sa distansiyang 1,400 meter race.


May nakalaan ang added prize na P15,000 na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa meta at may karagdagang premyo rin na P10,000 para sa winning horse owner.


Posibleng magbigay ng magandang laban kay I'll Have Another ay sina Baling Rikit at Adorable Felicia kaya inaasahang pag-aaralan mabuti ng mga dehadista ang kanilang tatayang kabayo para silatin ang pinapaborang I'll Have Another.


Pakakawalan sa unang race ang nasabing karera kung saan simula rin iyon ng winner take all (WTA) sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli De Leon.


Pitong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya asahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Kabilang sa aabangan ng racing aficionados ay ang bakbakan ng 7 kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ikakasa sa pangalawang karera.


Magtatagisan ng bilis sina Princess Tycoon, Rock To The East, American Pariah, Angel's Crown, Moon Island, Dreamsoftheworld at Time Traveller.


Mga Pili ni Green Lantern:

Race 1 - I'll Have Another (2), Princess Mamba (1)

Race 2 - Dreamsoftheworld (6), Time Traveller (7), Rock To The East (2)

Race 3 - Heaven N Earth/Red Hawk (4/4A), Sky Plus (6), Can You Giub (1)

Race 4 - Happy Maggie (3), Quincy (2)

Race 5 - Red White And Blue (2), Make Or Break (1), Super hawk (5)

Race 6 - AgiDaw/Vavavoom (1/1A), Full Combat Order (7), Bravo (3)

Race 7 - Winter On Fire (6), Red Sole/Bantay Sarado (1/1A), Super Spunky (2), Work From Home (3)

______

METRO TURF - Malvar, Batangas

RACE 1 - PRBHS CLASS 5 WTA (1-7) 1400m

jr gellada  1 PRINCESS MAMBA

cl advincula     2 I'LL HAVE ANOTHER

ca reyes      3 ADORABLE FELICIA

md de jesus    4 BALING RIKIT

bjb galleta    5 FLASHY

Tip: (1-2)


RACE 2 - 3-Year-Old & Above Maiden Race PICK 6 (2-7) 1000m

yl bautista 1 PRINCESS TYCOON

kb abobo      2 ROCK TO THE EAST

jol siego 3 AMERICAN PARIAH

bjb galleta   4 ANGEL'S CROWN

pm cabalejo     5 MOON ISLAND

jb bacaycay      6 DREAMSOFTHEWORLD

dan camanero  7 TIME TRAVELLER

Tip: (6-7-1)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page