top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 21, 2023


Pakay ng Ghost na iparamdam ang kanyang lakas pagsalang nito sa pista bukas, (Linggo) sa magaganap na 2023 PHILRACOM 2nd Leg Juvenile Stakes Race na ilalarga sa darating na Linggo (Oct. 22) sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Magagaling na kabayo ang makalaban ni Ghost sa distansiyang 1,400 meter race kaya tiyak na mapapalaban ito ng todo.


Inaasahang magiging mahigpit na kalaban ni Ghost sa event na nakalaan ang P1.8 M ay ang magkakamping Bea Bell at Cassandra Bell na pag-aari ng mag-amang sina Elmer De Leon at Bea De Leon.


Kasama rin si Mae Bell sa mga posibleng bigyan ng pansin ng mga karerista, rerendahan ito ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema.


Bukod kina Bea Bell at Cassandra Bell at Mae Bell, ang ibang makakatagisan ng bilis ni Ghost ay sina Amor My Love, Heartening To See, Masunaga, Mommy's Love, Morning After at Over Azooming.


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1,080,000, mapupunta sa 2nd placer ang P360,000, habang tig- P180,000, P90,000, P54,000 at P36,000 ang third hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Mag-uuwi rin ng P90,000 ang breeder ng winning horse habang P54,000 at P36,000 ang ibubulsa ng second at third.


Samantala, bukod sa nabanggit na stakes race, may ilalargang regular races ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 20, 2023


Dehadong paparada sa pista si Crossing Bell pagsabak nito sa 2023 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden race na lalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Gagabayan ni jockey Mark Angelo Alvarez si Crossing Bell para harapin ang lima pang tigasing kabayo sa distansiyang 1,200 meter race, pakakawalan ang nasabing event sa unang karera.


May nakalaan na P20,000 added prize sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM), ang ibang kalahok ay sina American Pariah, Heavy Weight, Rock To The East, Inclusion at Hellguy.


Ayon sa komento ng mga karerista, posibleng magpakitang-gilas sina Heavy Weight at American Pariah lalo na't maiksi lang ang distansya ng karera.


"Magagaling ang mga kasaling kabayo, mahirap mamili sa kanila kasi lahat malaki ang tsansang manalo, kahit liyamado hindi pa rin nakalalamang sa laban," ani Renato De Zuniga, veteran karerista.


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya mahaba-haba ang paglilibang ng mga karerista.


Isa sa mga aabangan din ng mga karerista ay ang banatan ng anim na matutulin na kabayo sa PHILRACOm Rating Based Handicapping System na ikakasa sa race 2.


Paglalabanan nina Manang Biday, Destiny, Step Bell, One For The Road, Golden Buzzer at Gold N Silver ang karagdagang premyo na P15,000 na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa finish line.


Kukubrahin din ng winning horse owner ang karagdagang P10,000 premyo.

Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - American Pariah (3), Cross Bell (1)

Race 2 - Manang Biday (1), Destiny (2)

Race 3 - Caraga Wonder (6), Bucasgrande Island (1), Truthmaker (5)

Race 4 - Determinado (6), Tulak Ng Bibig (4), Meet Me In Dcorner (3)

Race 5 - Black Magic Woman (10), Manlot Island (8), Ka Emon (1)

Race 6 - Smiling Lady (3), Boni Avenue (4), Double Time (7)

Race 7 - Captain Det Det (2), Silver Lining (4), Eyeshot (8)

Race 8 - Darna (8), Biglang Buhos (10), Maasahan (4), Rancheros (9)

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 19, 2023


Nagkakaliskisan sa pista ang dalawang kampeon na sina Boss Emong at Big Lagoon sa magaganap na 2023 PHILRACOM - PCSO Silver Cup na ilalarga sa Oktubre 29 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Tiyak na bakbakan ang masisilayan ng mga karerista dahil mahigpit na magkaribal sa karerahan sina Philippine Sportswriters Association - Horse of the Year awardee, Boss Emong at reigning Presidential Gold Cup champion na si Big Lagoon. Ilang beses na rin nagtapat sa karerahan sina Boss Emong at Big Lagoon kung saan tinalo ng una ang huli sa Classic Cup ngayong taon.


Pagkaraan ng ilang linggo ay binawian naman ni Big Lagoon si Boss Emong sa Chairman's Cup.


Si veteran jockey Dan Camanero ang rerenda kay Boss Emong habang si John Alvin Guce ang gagabay kay Big Lagoon sa distansiyang 1,800 meter race kung saan nakataya ang tumataginting na P4-M premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Inaasahang magpapakitang-gilas din ang magka-kuwadrang sina Moderne Cong at Robin Hood.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P2.4M, ang ibang kalahok ay sina Don Julio, Jaguar, Jungkook, King Tiger, Nuclear Bomb at War Cannon.


Hahamigin ng pangalawang kabayong tatawid sa finish line ang P800,000 mapupunta sa pangatlo ang P400,000 habang tig-P200,000, P120,000 at P80,000 ang 4th hanggang 6th placers ayon sa pagkakasunod. Susungkitin din ang P200,000 ng breeder ng winning horse habang tig-P120,000 at P80,000 ang second at third.


Samantala, paniguradong todo sa paghahanda ang mga trainer at hinete dahil malaki ang pa-premyo ng PCSO, suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli De Leon ang nasabing karera.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page