top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 18, 2023


Ngayong araw makikilatis ang galing ni Righteous Ruby pagharap niya sa limang tigasing kabayo sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Memorial Cup na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Nakalaan ang P5-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa distansiyang 2,000 meter race kaya tiyak na mainitang labanan ang masisilayan ng mga karerista.


Sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, makakatagisan ng bilis ni Righteous Ruby sina Civics Class, In The Zone, Shastaloo, Treasure Hunting at Speed Fantasy.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P3-M premyo sa event na inalay kay Eduardo Cojuangco.


Mag-uuwi rin ng P1,125,000 ang second placer habang tig-P625,000 at P250,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Samantala, may 12 races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Isa pang aabangan ng racing aficionados ay ang bakbakan ng limang future champions na kabayo sa MARHO Breeders' 3YO COLT MILE sa distansiyang 1,600 meter race.


Ang mga kasali ay sina Noble Touch, Save My Savings, Sonic Clay, Jaguar at Open Billing, kung saan nasa P1M guaranteed prize ang paglalabanan.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Money For Gabriel (5), Prince Uno (3), Mythic Layla (9)

Race 2 - Jaguar (4), Open Billing (5)

Race 3 - Righteous Ruby (6), Treasure Hunting (2)

Race 4 - Unli Burn (7), Amor My Love (9), Over Azooming (3)

Race 5 - Gameir Winner (1), Spolarium/Bill Jordan (3/3A)

Race 6 - King Tiger (7), Gusto Mucho (1), Flattering You (2)

Race 7 - Robin Hood/Magtotobetsky (5/5A), Istulen Ola (1), Pharoahs Treasure (2)

Race 8 - War Cannon (2), Moderne Cong (5)

Race 9 - Sun Dance (10), Reliable Den (6), Work From Home (7), Nard Bentetres (4)

Race 10 - Secretary (2), Winner Parade (4)

Race 11 - Amor Mi Amor (9), Lucky lea (13), Oradas Gray (2), Top Tiger (12)

Race 12 - Money For Biffany (2), Iris (3), My Diamond (12), Raxa Bago (7)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 17, 2023


Masusubukan ang husay ni Heavy Weight pagsalang nito sa 3-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Gagabayan ni jockey Jol Siego si Heavy Weight kung saan ay makakalaban niya sina Time Traveller, Red Scorpion, Homecourt, Instant Notice, Kindra at Summerlin sa distansiyang 1,200 meter race.


May nakalaan na added prize na P20,000 para sa winning horse owner habang may P4,000 ang breeder's purse para sa winning local horse naman.


Ayon sa komento ng mga karerista, maaaring magbigay ng magandang laban ang kalahok na si Time Traveller at Kindra sa event na suportado ng Philippine Racing Commission,(PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. Pakakawalan ang nasabing karera sa pangalawang race, iyon din ang simula ng winner take all, (WTA) kaya inaasahang malaki ang magiging gross sales bago lumabas ng aparato ang mga kabayo.


Samantala, walong karera ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes.


Posibleng abangan din ng mga karerista ang labanan sa unang karera na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na lalahukan ng pitong tigasing kabayo.


Ang mga kaali ay sina Solomo Enni, Double Happiness, Melania, Sebrything, Carolina Bell, Come Back Stronger at Song Bird, may distansya itong 1,200 meter race.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Carolina Bell (5), Melania (3), Come Back Stronger (6)

Race 2 - Time Traveller (1), Heavy Weight (4), Kindra (6)

Race 3 - Wessfacckol (6), Smarty Jas (7), Queensland (4)

Race 4 - Charm N Luck (1), Noir/Marangal (2/2A), Enno Teresa Chair (6)

Race 5 - Tifosi (11), You Never Know (10), Humble Strike (3)

Race 6 - Manang Biday (6), Chase The Gold (2), Regal (9), Double Time (4)

Race 7 - Smiling Lady (8), Frizmatic (7), Stark (4)

Race 8 - National Treasure (2), Tatler Story (14), Golden Buzzer (13), Diamond Story (9)


 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 16, 2023


Tinatayang nasa P10-M ang ikakalat na premyo sa magaganap na 2023 PCSO "Presidential Gold Cup" sa Disyembre 17 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Dahil sa laki ng pa-premyo ay paniguradong marami ang magsasaad ng paglahok sa nasabing prestihiyosong karera na inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office, (PCSO).


Inaabangan pa ng mga karerista kung sino ang mga maghahayag ng paglahok pero inaasahang ipagtatanggol ni Big Lagoon ang kanyang korona para masikwat ang back-to-back champion.


Habang posibleng sumali rin upang rumebanse ang mahigpit na karibal na si reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Horse of the Year awardee Boss Emong.


Ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta ang premyo pero ayon sa organizer ng karera kapag pito pababa ang kasali ay hanggang 4th lang ang makakakuha ng cash prize.


May distansiyang 2,000 meter race, tinatayang nasa P6-M ang kukubrahin ng unang kabayong tatawid sa finish line kaya tiyak na marami ang sasali at maaaring ngayon pa lang ay hinahanda na ng owners at trainers ang kanilang pambato.


Mga posibleng sumabak ay sina two Legs Triple Crown winner, Jaguar, veteran Nuclear Bomb, Robin Hood, War Cannon at Don Julio na malalaki rin ang tsansa maukit ang pangalan sa industriya ng karera.


Ang nabanggit na karera ang pinapangarap ng mga horse owner, trainers at hinete na maging kampeon dahil malilista ang kabayo sa history ng karera.


Bukas sa nabanggit na karera ang mga kabayong 3-Year-Old above na local horses kung saan ang mga edad tatlong taon na fillies ay magdadala ng 52 kgs. habang ang apat na taon pataas ay magkakarga ng 54 kgs. Papasanin ng edad tatlo na colts ang 54 kgs. habang 56 kgs. ang bibitbitin ng apat na taon pataas na edad.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page