top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 18, 2023



Ipinanganak na ni Lovely Abella-Manalo ang panganay nila ng aktor na si Benj Manalo, base sa ipinost niyang larawan ng anak sa kanyang Instagram account kahapon nang tanghali.


Marahil ay normal delivery lang si Lovely dahil nakatayo na siya kaagad at sa kanyang post ay ikinuwento niya ang hirap na dinanas niya habang buntis.


Sabi nito sa caption sa IG stories na karga nito ang anak, “God’s perfect gift.”


May post din ito ng larawang nagpapa-breastfeed siya na bandang itaas lang ang natatakpan at sa gilid ay kitang naka-undies lang si Lovely.


Ang caption niya: “'Di ka man lang nagpaganda!!

“Sa lahat po ng hirap na pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda. Ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko ng mga oras na ‘to. Wala akong kinapitan kundi ang faith ko kay Lord na hindi niya kami pababayaan, ang pagmamahal sa 'kin ng asawa ko @benj, pamilya at mga kaibigan ko at ang mga dasal ninyo (emoji praying hands).


“Binigla kami ng pagkakataon, 'di ko alam na mararanasan ko lahat ng hindi ko naranasan sa unang anak ko, kaya ang larawan na ‘to ay nagsisimbulo na mahalin natin ang mga nanay at mga magulang natin. Walang sinumang magulang na naghangad ng masama para sa anak (emoji heart).

“Sa darating na Sabado, ilalabas po namin ang vlog namin kung gaano kahirap ang dinanas namin, pero in God's Grace, napakaganda ng reward niya sa amin. Mapapanood n'yo po sa Benly the pangga stories. Salamat po sa lahat."


Dagdag pa ng dancer-actress, “Itutuloy ko lang po ang pagpapa-breastfeed ko sa anak ko, at hanggang ngayon, hirap pa rin ako mag-produce ng milk. Pag-aaralan ko ulit hanggang sa magtagumpay ako para sa pangangailangan ng anak ko.

“At higit sa lahat, maraming-maraming salamat sa lahat ng doctor namin ni Liam. 'Di ko na po kayo iisa-isahin, sobrang salamat at ginabayan kayo ni Lord (emojis praying hands and heart).”


Isa ang Kapuso actress at creative consultant na si Chynna Ortaleza sa mga bumati kay Lovely.


“Ganda mo! Congratulations! @lovelyabella_


Sinundan ni @krisbernal na nanay na rin dahil nanganak siya noong Agosto 15 sa panganay nila ng asawang si Perry Choi, “Let's normalize unfiltered births and postpartum. This is so authentic!! One thing about you that I really admire! Congrats and enjoy every moment!!”


Isa pang Kapuso actress ang bumati, si @carlaangeline, “Congratulations, Lovely!!!! Superwoman!”


Sabi naman ng TV host-actress na si @iyavillania, “Waaaah, so glad you had a safe delivery.”


At si @shairadiaz_, “Yeyyy!! Congratulations ga!!!”


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 16, 2023



Hindi nagustuhan ni Nanay Cristy Fermin ang sinabi ni Senador Raffy Tulfo na hayaan na lang daw si Vice Ganda at huwag nang makisawsaw pa ang iba sa isyu ng It's Showtime at MTRCB.


Binanggit niya ito sa radio program nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute sa Radyo 5 92.3 TRUE FM kahapon nang tanghali.


“Pinagkakaabalahan ng mga vloggers at Marites ngayon ang ating kasamahan dito sa TV5 at ating kaibigan na si Senador Raffy Tulfo dahil to the rescue kay Vice Ganda! Ipinagtanggol si Vice Ganda!” diin na bungad ni ‘Nay Cristy.


Nang hingan ng opinyon si Romel Chika ng CFM host, “Naku, ‘yan na nga, maraming nagulat dito na hindi naman lingid sa amin na dati pang nagpupunta si Senator diyan sa mga line-line (Punchline, Laffline at iba pang pinuwestuhan ni VG) at kaibigan niya talaga si Vice Ganda. Pero ang sabi naman ni Senator Raffy Tulfo (ay), hayaan natin ang ahensiya (MTRCB), huwag tayong magsalita ng kung anu-ano. Hayaan nating ang ahensiya ang magdesisyon (at) na haharapin ni Vice Ganda.”


Hirit ni ‘Nay Cristy, “Dapat naman talaga! Dapat namang ipaubaya ni Kuya Raffy, ni Senador itong problemang ito sa MTRCB. Siya ay nasa Senado. Ang MTRCB naman talaga ang itinalaga ni P-BBM (Presidente Bongbong Marcos) para magbantay po sa kalinisan, katinuan, at pag-aalaga sa mga bata, sa mga kabataang walang kamalay-malay. Sa MTRCB dapat talaga ipaubaya, ‘wag na natin itong panghimasukan.”


Dagdag pa, “Tuloy, ang tawag kay Senator Raffy Tulfo ngayon ay SGS, ‘super-grand standing’. Pagkatapos ng TESDA, binusisi ang TESDA, isusunod naman ngayon itong isyu ni Vice Ganda. Ano pa raw bang isyu ang hindi niya pakikialaman?


“Ako’y naniniwala na magkaibigan si Senador Raffy at saka si Vice Ganda, alam ko ‘yan dahil kapag mayroon yata silang pagtitipon sa malalayong probinsiya ay si Vice Ganda rin ang kinukuhang performer.


“Pero ako rin naman ay naniniwala na nasa tamang takbo ang utak nitong ating Senador para maisip niya na hindi (porke't) kaibigan ay kakampihan na. Alam ko na alam niya ‘yan.


“Siguro, ‘yung sinabi niyang ipaubaya na lamang, ganu’n at huwag na sanang makiangkas pa ang iba sa isyung ito.


“Teka lang muna, iyon ang hindi ko matatanggap! Hello, hello, hello naman! ‘Wag makikiangkas, eh, sinu-sino ba kayong nakikiangkas? Panganganak na nga lang ng langgam ang hindi ninyo pinakikisawsawan!


“Dapat hindi ninyo pinanghihimasukan ang ganito na napakaraming problema ng ating bayan. Kayo dapat ang nagmamando, nasa inyong mga kamay ang mga batas na dapat nating pairalin. Hayaan n’yo na itong para sa MTRCB, sila na lamang ito.


“Siguro, sasabihin ni Kuya Raffy, ‘Hindi ko siya ipinagtatanggol!’


“Ang gustong marinig ngayon ng mga kababayan natin, kung naniniwala ba ang Senador kung tama o mali ang ginawi ni Vice Ganda at ni Ion Perez sa harap ng mga (TV) camera at sa gitna ng mga bata sa (It’s) Showtime. ‘Yun ang kanilang pinakahihintay at ‘pag nasabi 'yun nang diretso ni Senador Raffy Tulfo, sarado ang isyung ito."


May mga binasa si Nanay Cristy na mga opinyon ng CFMers na hindi pabor sa pakikisawsaw ng Senador sa usaping Vice Ganda at MTRCB, pero may iba rin siyang hindi na binasa sa ere dahil baka maubusan na sila ng oras.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Senador Raffy Tulfo tungkol sa isyung nakikiangkas siya.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 15, 2023



Gaano katotoo na maraming investors ng Dermacare Face Body and Laser Center ang nagreklamo sa Securities and Exchange Commission at Department of Justice dahil nagtalbugan ang kanilang mga tsekeng ibinayad sa kanila ng owner at operator na si Ms. Chanda Atienza?


Marami sa mga investors ang nakumbinse na mag-invest kasi partner ni Chanda sa negosyo sina dating Senador Manny Pacquiao at asawang si Jinkee Pacquiao, Neri Naig-Miranda na asawa ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar at si Rufa Mae Quinto.


Sa expose ng TikTok at Facebook account na Mommy Mary ay isiniwalat nito ang isang audio conversation ng isa sa mga investors na nagsasabing hindi na binabayaran ang mga renta ng Dermacare sa SM City Pampanga na binigyan na ng last warning at ang Waltermart Dasmariñas branch ay isasara na rin.


Sa pagkakaalam namin ay ka-partner nga si Neri sa nasabing beauty clinic dahil panay ang post niya noon sa kanyang Instagram na mag-invest ka ng P250 K for five years na may tubo ito kada quarter at pagsapit ng ikalimang taon ay makukuha nang buo ang perang in-invest.


Pero napansin namin lately na hindi na siya nagpo-post tungkol dito, hanggang sa may nabasa kami sa social media na bumitaw na siya sa nasabing negosyo ni Ms. Chanda Atienza.


Hinanap namin ang social media ni Ms. Chanda, pero hindi namin mahanap at bukas naman ang BULGAR para sa panig niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page