top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 24, 2023



Hindi nagustuhan ng mga netizens ang pagpuna ng aktres na si Liza Soberano sa isang showbiz online na ipinost niya sa X account na dating Twitter.


Top story si Liza sa isang showbiz website na may mahigit isang bilyong followers kapag pinagsasama-sama ang kanilang mga social media accounts at isa-isa naming binasa ang mahigit 300 komento mula sa mga netizens na nagsasabing, “Truth hurts.”


Ang ilan sa mga nabasa namin, “Natawa ako sa reaction ni Liza. Truth hurts?? Pasalamat nga si Liza, relevant siya at pinag-uusapan! ‘Wag na siyang choosy."


Opinyon ng netizen, “Kung binasa mo ang mga comments du’n sa kabilang article, hindi minamaliit ‘yung dreams niya. Behavior niya ang pinupuna. Ingrata nga kasi.”


“Looks like her "angel" persona is long gone. When she cusses like a sailor, gents, RUUUUUUUUUUUUUNNNNNN.”


May nagsabi pang lumabas ang tunay na ugali ni Liza dahil dati raw ay tinuturuan siya ng ex-manager niyang si Ogie Diaz na makisama.


“Si Ogie lang ang nagtuturo sa kanya na makisama. Kahit sa mga reporters, bilang reporter din si Ogie. At maging magalang sa mga seniors o sa mga katrabaho. Ngayon, tunay na ugali na niya ‘yan. HAHAHA.”


“Kahit nega ang article, pinapansin na just to stay relevant. lol.”


“Ahahaha! True. Saka, susme, saan ba siya nakatira?? Ganyan naman talaga ‘yung mga titles ng news lalo sa showbiz?? Snowflake masyado, feeling entitled.”


“From maamong TUPA to roaring TIGER.”


“Lisa, stop feeding your ego. Just do the work and stop talking and stop responding. Gulatin mo sila with your success.”


“Santa-santita pala siya all these times.”


“Gurrrrl! Ipinapakita mo lang lalo bakit ganu’n na lang ka-hands-on ang Star Magic at si Mama Ogie sa ‘yo dati. You’re not gaining supporters from doing this.”


“Saka, gurrrl, nag-quote lang sila ng comment ng mga bashers. ‘Wag pikon, talo ka.”


“Hahahaha. Eh, totoo naman kasi. Dami mo pang eme. Show us what you’ve been bragging about.


Nasaan na? Plano, failed, palusot, photo op with Koreans — repeat!!!”


“Kinuha lang ng Inquirer ‘yung sabi-sabi ng mga tao. So, these are real news!”


“I didn’t even know this article existed until she tweeted it. She didn’t have to put a spotlight on the article. Nasaan na ang ‘unbothered queen’ daw?”


“Ganyan naman talaga ang mga titles ng articles dito. Baka gusto niyang gawing English para ‘di masyadong masakit. Lol. Eh, ganyan naman talaga ang sinasabi ng mga commenters.


Hindi ‘yung publications ang may sabi niyan, commenters. Butt-hurt lang siya kasi totoo.”


“Lol. Hollywood actors get more bashing from the tabloids than that... ‘Di puwedeng thin skin sa show business, otherwise, mental institution ang bagsak mo if you let any negative writing gets to you #realtalk.”


“The best thing to do is ignore it. Gusto mong mag-Hollywood pero patola ka. Gusto mong mag-SoKor, eh, mas rabid ang mga fans doon. Anuna, Liza?”


“She’s a snowflake. I doubt na tatagal siya sa SK. Kung papansinin man siya ru’n.”


“That’s how the tabloids work. Well, she used to see all people praise her beauty and good image. She never sees the real deal, well at least, she never got body shamed unlike other artists who got insult, body shamed and hatred (package complete).”


“Go, Liza! Do what makes you alive! Risk takers achieved more success in life. Ganyan ang buhay, laban lang nang laban, try lang nang try!”


May nagpayo sa aktres, “If I were Liza, I’d choose the higher ground and be indifferent na lang.


Concentrate na lang on the growth of her career. ‘Pag papatulan ‘yung mga ganyan, mas lalo ka lang makokonsumi. Nagsayang ka lang ng oras at ng data. There will always be people who’ll criticize you, and would even want to see your downfall; especially that she’s a public figure. Mag-aral ka na lang, girl, may kuwenta pa."


“Data talaga? Afford naman niya ang post-paid, hahaha! Tbh, kung ‘yan ang dream niya, just go for it. Don’t let people put you down, it will not be your downfall by keeping your hopes high. The only thing that will shatter your dream is by letting people ruin it. It is your fate, not theirs.”


“No talk ka na lang, Liza, better work and have product kesa magsasalita ka ng kung anu-ano. Prove them wrong na kaya mo kahit walang fanfare.”


“Pinatulan talaga niya? Ngayon, lalo siyang iinisin ng mga ‘yan. Ang tagal niyang tumira sa ‘Pinas hanggang ngayon, hindi niya alam how showbiz works in the Philippines.”


“May tagalinis kasi siya noon. Now, she’s on her own, especially after the mess her management (Careless) did.”


“Bakit ba minamaliit ng mga tao ang ginagawa ni liza sa Korea. She’s trying her best para magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa bansang ito, ‘yun ang kakulangan ng mga Pinoy at showbiz industriya sa Asia, it only proves how hard makapasok du’n. She is not yet a big star there, pero if she works hard, who knows? After many years, she might be one. She’s doing something for herself and for the country. Leave her alone.”



 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 23, 2023



Nagtataka kami kung bakit ang daming nag-tag sa amin sa X (dating Twitter) kahapon nang umaga mula sa mga netizens na may pinag-uusapan silang may kodigo ang ‘thank you speech’.


Hindi namin pinansin nu’ng una, pero dahil trending na siya kaya isa-isa naming binasa ang takbo ng usapan at hayun, si Kathryn Bernardo pala ang topic nila na tumanggap ng Outstanding Asian Star sa 2023 Seoul International Drama Award para sa TV series na 2 Good 2 Be True kamakailan.


Ang sabi ng X user na si @lg_forever2014, “Dinaan sa kodigo (emojis laughing face).”


Sagot naman ni @kaibengzon, “Of course, walang utak ‘yan, eh.”


Sabi ulit ni @lq_forever2014, “Ha, ha, ha! First time ako nakakita ng may kodigo sa isang awarding.”


Hirit ni @pach4short, “OMG! Talaga?!”


Sa ganang amin, kaya binasa ng aktres ang kanyang thank you speech ay para wala siyang makalimutan dahil tuwa at kaba ang nararamdaman that time ni Kathryn habang nasa entablado siya, kaya isinulat niya ito sa kanyang cellphone.


Base sa ibinahagi ng TV Patrol nitong Huwebes nang gabi ay isa sa mga dahilan kaya niya tinanggap ang project ay dahil maganda ang story line at pinasalamatan ng aktres ang mga fans at mga kasamahan niya sa 2 Good 2 Be True.


Ang pasasalamat ni Kath, “I fell in love with this project not only because of its storyline. It’s always been more than just sharing a love story, but also spreading awareness on Alzheimer’s disease and educating people about those who struggle with it and how we can offer them the best support they need.


“This project (2 Good 2 Be True) made me appreciate our nurses and health workers, so, it was really more than just another TV show for me. And to my fans in the Philippines, this is for you. You guys are a gem and I appreciate each and every one of you.”


Sa madaling salita, mga supporters sila ni Liza Soberano at bina-bash nila si Kathryn dahil binasa nito ang kanyang thank you speech nang tanggapin niya ang award.


Sabi nga ni Nanay Cristy Fermin kahapon sa programa nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute sa Radyo5 92.3, TRUE FM, “Parang hindi kakampi ni Liza Soberano ang panahon. Sa pagkabigo niya sa Hollywood, sinabi niya ang bagong Hollywood sa kanya ay South Korea, eh, paano, ito, katatanggap lang ng award ni Kathryn Bernardo bilang Outstanding Asian Star para sa serye nila ni Daniel Padilla na 2 Good 2 Be True sa Seoul International Drama Award. Nakabog na naman siya (Liza) agad.”


Hirit naman ni Romel Chika, “Naunahan na naman, meron na naman siyang (Liza) hahabulin.”


Sa mga supporters, 'pag nagka-award ang idolo ninyong si Liza sa Korea lalo’t may project siya roon ay doon kayo magbunyi nang todo at tiyak na wala namang kokontra mula sa kampo ni Kathryn.


At higit sa lahat, marunong lumingon si Kath kung sino ang mga taong nakatulong sa kanya simula noon.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 19, 2023



Pinag-uusapan pa rin ng mga Marites ang dating Sexbomb dancer na si Izzy Trazona-Aragon dahil hindi nito tanggap na gay ang kanyang panganay na si Andrei Trazona.


Maraming nang-bash kay Izzy dahil kung may problema pala siya sa anak, dapat ay hindi na lang nito isinapubliko dahil family matter ito.


Pinagtakpan na nga siya ng anak niya na suportado kuno niya ito, pero nang mag-post si Izzy ay saka inamin ni Drei na hindi talaga siya tanggap ng ina at nagsinungaling lang siya.


Anyway, base sa mga nabasa naming komento, puro bashing at mga payo from netizens ang natanggap ni Izzy at wala kaming nabasa mula sa mga personalidad o celebrities.


Siguro, ayaw nilang makialam o makisawsaw kasi nga, problemang pamilya o baka naman may mga nagpayo pero idinaan sa personal message.


Kahapon nang hapon ay ini-repost ni RR Enriquez ang post ni Izzy. Si RR ay dating Wowowin dancer na negosyante na ngayon at kapag hindi busy ay nakikisawsaw sa mga isyu.


Relate much si RR dahil may kapatid siyang gay kaya may 'K' siyang magbigay ng payo.


Simula ni RR, “I have a transgender sibling. Sobrang favorite ko ang mga gays, because my best friend when I was in high school was gay. That’s why when my brother was born; I forcedly made him a gay. Totoo ‘yan, baby pa lang siya, tini-treat ko na siya na babae. Mine-make-up-an, dinadamitan ng pambabae at pinapa-split. Pinalaki ko siya as a Sexbomb dancer. Basta, gusto ko talaga na gay siya. And true enough, naging trans nga siya.”


Pero nagbago raw ang pananaw ni RR at na-guilty siya sa ginawa niya sa kapatid.


Sa pagpapatuloy nito, “But as you age and mature, you will feel guilty na, ‘Bakit mo ‘yun ginawa sa kanya?’ May mga moments na na-guilty talaga ako kaya ipino-force ko naman siya na maging lalaki back in 2012 (‘yan ‘yung bago ako as a Christian).


“Umabot kami sa nag-aaway na kami, kasi nga ayaw ko na siyang maging gay. I was desperate and tried to bribe him pa to attend a Bible study every week in exchange of shopping ng mga shoes.


“But when he talked to me and said how hurt he was and how painful it is for him to be judged and forced to attend Bible study para hindi maging gay… NATAUHAN ako.


“I prayed and asked God na bigyan niya ako ng compassion to my bro-sis just how God showed mercy and compassion to me.


“After that prayer. I feel relieved! I supported him sa mga gusto niya… May mga moments nga na sasabihin ko na dapat maging sexy na transgender star siya. Mag-post siya sa Instagram ng naka-thong, naka-lingerie or magpa-nip slip siya. Kaso, siya naman ang pabebe, ayaw.


Gusto niya, medyo conservative na trans daw siya. Eh, gusto ko siya i-package as sexy starlet.


Sabi ko nga, mag-join siya ng Only Fans. So, ayan na, pinagtatalunan namin. Gusto ko, magp*kpok image siya, ayaw naman niya.”


Siyempre, joke 'yun ni RR para gumaan naman ang mabasa ni Izzy.


Pero ang payo niya, “But seriously…. My advice is let them do whatever they want to do. Let them fly with their own wings. Hinayaan din ako ng parents ko na lumipad at magdesisyon para sa buhay ko… Tama or mali, one day our mess will become a message to inspire everyone…


“He’s still young and maybe wants to experience or experiment life. Let him. Make a stand for what you believe but always choose compassion and love. Correct him with love. Guide him with love.


“Hindi tayo ang makakapagpabago sa kanila, si God lang talaga. Our job is to pray for them and guide them with love and compassion. You can plant a seed and God will be the one to water it.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page