top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 26, 2023



Ilang araw nang trending sa X (dating Twitter) si MTRCB Chairwoman Lala Sotto-Antonio dahil kino-call ang attention niya sa E.A.T. segment na Gimme 5 na umere nitong Setyembre 23, Sabado.


Hindi kasi nahulaan ng contestant ang lahat ng bagay na puwedeng isabit sa leeg tulad ng ribbon, kabitan ng ID at iba pa hanggang sa binanggit ng isa sa mga hosts na si Ginoong Joey De Leon ang ‘lubid.’


Naniniwala naman kami na walang ibig sabihin si Joey, pero siyempre, dahil kilalang henyo at laging may double meaning ang TV host-comedian sa mga sinasabi niya, lalo na’t napakasensitibo ng salitang lubid, ay nag-react na ang mga netizens dahil alam naman ng lahat kung ano ang ibig sabihin nito lalo na sa mga taong may pinagdaraanan.


At dahil dito ay sunud-sunod na ang posts ng mga nakapanood sa kani-kanilang social media platforms at may mga nabasa pa kami sa showbiz online na i-tag daw si Chair Lala tungkol dito.


Hindi naman nabigo ang mga netizens dahil first thing in the morning kahapon, Lunes, ay nagpalabas na kaagad ang MTRCB ng kanilang official statement tungkol dito.


“Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations.”


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming balita kung humingi ng ‘sorry’ si G. Joey De Leon on air dahil sa pagbanggit niya ng ‘lubid.’


26 yrs. na sa showbiz... "DITO NA AKO MAMAMATAY" - DOMINIC



Sa mga dumalong cast ng pelikulang Fruitcake ay si Dominic Ochoa ang hindi na kabilang sa henerasyong millennial at GenZ, kaya naman tinanong siya kung madali ba para sa kanya ang karakter niya bilang politician sugar daddy ni Heaven Peralejo.


Si Dominic ay gumaganap bilang si Senator Sammy Esteban at mistress niya si Heaven.


“Actually, it’s my first time. Enjoy kasi ako lalo na nu'ng nalaman ko 'yung cast. It’s something na hindi mo puwedeng hindian.


“And thankful din ako sa show na ginagawa ko ngayon na pinayagan ako to shoot this movie. I think the show was meant to be extended. Kaya sabi ko, hihindian ko na ang movie na ito. But then, nag-adjust sila nu'ng January, ‘Sige, gawan natin ng paraan.’


“So I’m thankful na nagawa ko ito. Unang-una, mga bata ang kasama ko, and I learned from them as well,” say ni Dom sa ginanap na mediacon ng Fruitcake nitong Sabado, Setyembre 23, sa Kao Manila, Newport World Resorts, Newport Mall, Pasay City.


Si Heaven ang nanalong Best Actress sa nakaraang 39th Luna Awards noong Agosto 26 para sa MMFF 2022 entry nitong Nanahimik Ang Gabi kaya natanong ang beteranong aktor kung kumustang ka-work ang dalaga.


“Madali namang katrabaho si Heaven. Actually, it’s my first time na maghubad, sa harapan ng tao. Hahaha!” natawang sabi ng aktor.

Dagdag pa, “But at the end of the day, it’s work. Kung comedy ang makikita ng tao, bahala kayo.


“It was more on the character. Senador ako ru'n, and Heaven’s portraying a mistress. Pero may truth sa ginagampanan ko, kaya excited akong gawin. And 'yun, hopefully, magustuhan ng tao. It’s a piece of the fruitcake, 'yung istorya namin.”


Samantala, nasa GMA-7 na ngayon si Dominic at nagpaalam daw siya sa Kapamilya Network na gumawa ng serye habang wala pa naman siyang project at pinayagan naman daw siya.


“I’m thankful. Because hindi naman natin gusto na magsara 'yung ating istasyon. But eventually, I was offered that show nu'ng time na natapos ako sa Huwag Kang Mangamba.


“And then, pinayagan din naman ako nina Direk Lauren (Dyogi). They’re open about it. So it’s a good experience. Kasi, twenty-five years ako sa ABS-CBN. So, natutuwa rin naman ako at very thankful because the show is running for a year.


“And it’s a good experience na makatrabaho mo ‘yung sa kabila, na 'yung ibang kultura. You don’t compare but at least you see 'yung nasa ibang daan. Parang wala rin namang pagkakaiba, pero at least you get to work with other co-actors.


“Nakakatuwa rin because they’re ‘yung nakabukas ang pintuan. Nakikita mo na very accommodating. Parang pagkakakilala mo sa kanila, sasabihin, parang kasama na sa pananalita nila na, ‘I hope to work with you soon.’ 'Yung ganu'n.


"And mahal ko ang trabahong ito kaya ako nandito for 26 years. I never imagined myself being in this business. Never dreamt of it. But feeling ko, dito na ako mamamatay. Ito na 'yung kaligayahan ko.


“I think it’s about time to collaborate with each other. Siguro, panahon na para huwag tayong maghiwa-hiwalay.


“Nakakatuwa, 'yung seeing everyone, si Josh, nasa GMA Gala, nandu'n si Tita Cory (Vidanes), sina Boss Carlo (Katigbak).


“So it’s good to see everyone being with kahit 'yung boss ko ngayon, sa TV5 ngayon. So parang ang daming pintuang nagbubukas.


“Akala natin, nagsara. Pero 'pag minsan, 'pag tatanungin natin, may nagbubukas na pintuan 'pag pinagsarhan na,” mahabang sabi ni Dominic.

Anyway, ang barkada movie na ito ay hoping na mapasama sa 2023 Metro Manila Film Festival ngayong December at ang ibang kasama sa pelikula ay sina Joshua Garcia, Empoy Marquez, Enchong Dee, Ria Atayde, Jane Oineza, KD Estrada, Queenay, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang, Macoydubs, Red Ollero, Pocholo Barretto, Kaila Estrada, at Karina Bautista.


Ito ay mula sa direksiyon ni Joel Ferrer at isinulat nila ni Direk Miko Livelo, produced ng Cornerstone Studios at Create Cinema bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng ABS-CBN Star Magic.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 25, 2023



Ang saya-saya ng kilalang TikToker at content creator na si Queenay Mercado sa ginanap na Fruitcake mediacon nu'ng Sabado nang hapon sa KAO Manila, Newport Mall, Newport World Resorts dahil nakatrabaho na niya ang super crush niyang si Joshua Garcia.


Dalawang beses na naming nakapanayam si Queenay, sa presscon ng Puregold's online series na 52 weeks umere kasama si Jin Macapagal, at sa ineendorso niyang beauty product na Jullien Skin.


Lagi niyang sinasabi na pangarap niyang makilala at makatrabaho ang kababayan niyang Batangueño na si Joshua Garcia.


At tinupad ng universe ang pangarap niya dahil heto, magkasama sila sa pelikulang Fruitcake na intended for 2023 Metro Manila Film Festival, na sana ay mapasama sa natitirang Final 4 mula sa direksiyon ni Joel Ferrer at katuwang niyang sumulat ng script si Direk Miko Livelo for Cornerstone Studios at Create Cinema.


Masayang sabi ni Queenay, “Sa totoo lang po, hanggang ngayon ay hindi pa rin po ako makapaniwala. Sobrang natutuwa po ako at siyempre, ngayon po na nakikita ko na siya nang personal, sobrang hindi ko maipaliwanag.”


Dagdag pa niya, “Na-star struck ako. Sobrang masayang-masaya ako dahil ‘yung kababayan ko, nakita ko na nang personal ngayon at bonus na naging parte pa ako ng Fruitcake.”


Sa tanong kung ano ang naging experiences niya habang isinu-shoot ang Fruitcake, aniya, “Sa totoo lang po, siyempre, sobrang nao-overwhelm po ako. Kasi, panibagong blessing na naman na ibinigay sa akin ni Lord.


“And mapabilang dito sa cast ng Fruitcake, sobrang nagpapasalamat po ako sa Cornerstone, and siyempre, kay Direk Joel (Ferrer). Maraming salamat po sa opportunity.


“Kasi talagang dating-dati pa lang, nangangarap lang ako noong bata pa na sana, makita ako sa ganyang movie dahil nanonood din lang naman ako ng movie before.


“Pero ngayon, eto na, nandito na ako, part na ako ng isang movie at sobrang masayang-masaya po ako,” kuwento ng dalagang Batangueña.


Gagampanan ni Queenay ang karakter na Vicky bilang nagbebenta ng siomai at may eksena sila ni Joshua dahil lahat ng karakter ay magkikita-kita sa LRT at talagang super-saya nito.


Kinikilig na kuwento ng dalaga, “Diyos ko, ano ba itong nararamdaman ko? Alam mo 'yun?


Naghahalo 'yung saya, ‘yung kilig. Siyempre, at the same time, nandu'n pa rin 'yung parang natsa-challenge ka.


“Kasi siyempre, Joshua ito, eh. Saka siyempre, ‘yung mga linya ng mga artistang naririto, hindi biro, alam n'yo 'yun?


“Sobrang gagaling ng mga artistang naririto. So, 'andun ‘yung challenge sa akin. Pero ginawa ko 'yung best ko talaga dito sa movie na ito. And ayun, sobrang masayang-masaya ako na naging part ako nito."


Malaki raw ang naitulong nina Ria Atayde at Victor Anastacio na co-stars niya sa Fruitcake kay Queenay.


“Actually, sa akin, ang nakapagbigay sa akin ng tip ay sina Victor, sina Ate Ria. Madami, halos lahat ng nakatrabaho ko, nagbigay ng advice sa akin. Na gawin ko lang daw 'yung best ko, and 'yung ipino-portray kong karakter, panindigan ko lang kung ano 'yung ibinigay sa akin ng direktor. Ayun, sobrang happy ako sa mga nakasama ko, and also, lahat talaga sila, nakatulong sa akin,” pahayag ng baguhang aktres.


Abangan ang barkada movie soon.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 24, 2023



Hindi nagustuhan ng mga netizens ang pagpuna ng aktres na si Liza Soberano sa isang showbiz online na ipinost niya sa X account na dating Twitter.


Top story si Liza sa isang showbiz website na may mahigit isang bilyong followers kapag pinagsasama-sama ang kanilang mga social media accounts at isa-isa naming binasa ang mahigit 300 komento mula sa mga netizens na nagsasabing, “Truth hurts.”


Ang ilan sa mga nabasa namin, “Natawa ako sa reaction ni Liza. Truth hurts?? Pasalamat nga si Liza, relevant siya at pinag-uusapan! ‘Wag na siyang choosy."


Opinyon ng netizen, “Kung binasa mo ang mga comments du’n sa kabilang article, hindi minamaliit ‘yung dreams niya. Behavior niya ang pinupuna. Ingrata nga kasi.”


“Looks like her "angel" persona is long gone. When she cusses like a sailor, gents, RUUUUUUUUUUUUUNNNNNN.”


May nagsabi pang lumabas ang tunay na ugali ni Liza dahil dati raw ay tinuturuan siya ng ex-manager niyang si Ogie Diaz na makisama.


“Si Ogie lang ang nagtuturo sa kanya na makisama. Kahit sa mga reporters, bilang reporter din si Ogie. At maging magalang sa mga seniors o sa mga katrabaho. Ngayon, tunay na ugali na niya ‘yan. HAHAHA.”


“Kahit nega ang article, pinapansin na just to stay relevant. lol.”


“Ahahaha! True. Saka, susme, saan ba siya nakatira?? Ganyan naman talaga ‘yung mga titles ng news lalo sa showbiz?? Snowflake masyado, feeling entitled.”


“From maamong TUPA to roaring TIGER.”


“Lisa, stop feeding your ego. Just do the work and stop talking and stop responding. Gulatin mo sila with your success.”


“Santa-santita pala siya all these times.”


“Gurrrrl! Ipinapakita mo lang lalo bakit ganu’n na lang ka-hands-on ang Star Magic at si Mama Ogie sa ‘yo dati. You’re not gaining supporters from doing this.”


“Saka, gurrrl, nag-quote lang sila ng comment ng mga bashers. ‘Wag pikon, talo ka.”


“Hahahaha. Eh, totoo naman kasi. Dami mo pang eme. Show us what you’ve been bragging about.


Nasaan na? Plano, failed, palusot, photo op with Koreans — repeat!!!”


“Kinuha lang ng Inquirer ‘yung sabi-sabi ng mga tao. So, these are real news!”


“I didn’t even know this article existed until she tweeted it. She didn’t have to put a spotlight on the article. Nasaan na ang ‘unbothered queen’ daw?”


“Ganyan naman talaga ang mga titles ng articles dito. Baka gusto niyang gawing English para ‘di masyadong masakit. Lol. Eh, ganyan naman talaga ang sinasabi ng mga commenters.


Hindi ‘yung publications ang may sabi niyan, commenters. Butt-hurt lang siya kasi totoo.”


“Lol. Hollywood actors get more bashing from the tabloids than that... ‘Di puwedeng thin skin sa show business, otherwise, mental institution ang bagsak mo if you let any negative writing gets to you #realtalk.”


“The best thing to do is ignore it. Gusto mong mag-Hollywood pero patola ka. Gusto mong mag-SoKor, eh, mas rabid ang mga fans doon. Anuna, Liza?”


“She’s a snowflake. I doubt na tatagal siya sa SK. Kung papansinin man siya ru’n.”


“That’s how the tabloids work. Well, she used to see all people praise her beauty and good image. She never sees the real deal, well at least, she never got body shamed unlike other artists who got insult, body shamed and hatred (package complete).”


“Go, Liza! Do what makes you alive! Risk takers achieved more success in life. Ganyan ang buhay, laban lang nang laban, try lang nang try!”


May nagpayo sa aktres, “If I were Liza, I’d choose the higher ground and be indifferent na lang.


Concentrate na lang on the growth of her career. ‘Pag papatulan ‘yung mga ganyan, mas lalo ka lang makokonsumi. Nagsayang ka lang ng oras at ng data. There will always be people who’ll criticize you, and would even want to see your downfall; especially that she’s a public figure. Mag-aral ka na lang, girl, may kuwenta pa."


“Data talaga? Afford naman niya ang post-paid, hahaha! Tbh, kung ‘yan ang dream niya, just go for it. Don’t let people put you down, it will not be your downfall by keeping your hopes high. The only thing that will shatter your dream is by letting people ruin it. It is your fate, not theirs.”


“No talk ka na lang, Liza, better work and have product kesa magsasalita ka ng kung anu-ano. Prove them wrong na kaya mo kahit walang fanfare.”


“Pinatulan talaga niya? Ngayon, lalo siyang iinisin ng mga ‘yan. Ang tagal niyang tumira sa ‘Pinas hanggang ngayon, hindi niya alam how showbiz works in the Philippines.”


“May tagalinis kasi siya noon. Now, she’s on her own, especially after the mess her management (Careless) did.”


“Bakit ba minamaliit ng mga tao ang ginagawa ni liza sa Korea. She’s trying her best para magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa bansang ito, ‘yun ang kakulangan ng mga Pinoy at showbiz industriya sa Asia, it only proves how hard makapasok du’n. She is not yet a big star there, pero if she works hard, who knows? After many years, she might be one. She’s doing something for herself and for the country. Leave her alone.”



 
 
RECOMMENDED
bottom of page