top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 04, 2023



Hindi diretsong binuo ni Nanay Cristy Fermin ang mga pangalan nina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Cantiveros bilang pansamantalang hosts ng programang papalit sa It’s Showtime sa programa nila sa radio kahapon.


Pero ibinigay naman niya ang initials ng pangalan ng mga nabanggit tulad ng L, R at M, at ang mga CFM’ers o mga tagasubaybay ng programang Cristy Ferminute nina ‘Nay Cristy at Romel Chika sa Radyo 5 92.3 TRUE FM ang nagbigay ng mga clues na pagkakakilanlan ng tatlong personalidad.


Halata naman kung ano’ng show ang pansamantalang mawawala dahil sa ipinataw na 12-day suspension ng MTRCB.


Kuwento ni ‘Nay Cristy, “Nagbalangkas na po ng isang grupo ng mga hosts ang isang network ayon sa tumawag sa aking source, nakaka-dalawang taping na po ngayon ang mga bagong performers na ito bilang pansamantalang pamalit sa isang programa na hindi natin alam kung ano ang kahihinatnan.”


Dahil nagte-taping na ang mga nabanggit na pansamantalang hosts ay ibig sabihin ba, hindi na aapela ang It’s Showtime sa Office of the President?


Walang ibinigay kung ano’ng pansamantalang titulo ng programang papalit sa It’s Showtime pero sure na dalawang linggong mapapanood sina Luis, Robi at Melai kasama ang ibang young stars ng Kapamilya Network.


Matatandaang hindi naman na ito ang bagong suspension ng It’s Showtime dahil noong 2010 ay napatawan na rin sila ng 20-day suspension dahil sa komento ni Rosanna Roces na isa sa mga hurado noon tungkol sa mga guro.


Tinanggal noon ng programa si Osang bilang isa sa mga hurado pero natuloy pa rin ang parusang 20-day suspension ng MTRCB na ang hepe noon ay si Senator Grace Poe-Llamanzares.


Magpasikat ang naging temporary title ng programang pumalit sa It’s Showtime.


Anyway, walang binanggit si ‘Nay Cristy kung kailan magsisimula ang suspension pero base sa tsikahan nila ni Romel Chika ay anibersaryo pala ng It’s Showtime ngayong Oktubre kaya baka palipasin muna ang selebrasyon saka papasok sina Luis, Robi at Melai.


Nagtanong kami sa taga-ABS-CBN tungkol sa pansamantalang kapalit ng It’s Showtime pero wala pa raw silang alam.


Bukas ang BULGAR sa panig ng It’s Showtime tungkol dito.




 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 03, 2023



Kung walang pagbabago ay makakabalik na ng Pilipinas si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, base sa latest post ng aktres-TV host kahapon sa Instagram account niya.


Nabanggit pa nito na miss na miss na niya ang kanyang mga ate, pinsan, kaibigan at iba pa kaya naman abut-abot ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng nanalangin sa kanyang agarang paggaling.


Ang caption ni Kris sa larawang ipinost niyang kinukunan siya ng dugo: “THANK YOU for your continued PRAYERS, I don’t have my complete blood panel results yet BUT GUMANDA my inflammatory numbers in particular my C-reactive protein and my E-sedimentation rate.


Hopefully in the next few days I’ll have my IgE, IgG, IgM and ANA results. (As usual, please google?)


“'Wag na natin discuss my CBC, as always I’m still very anemic (it’s been a problem even before my autoimmune conditions were diagnosed), I don’t know what good I did but I know I’m surviving all the side effects of methotrexate and my biological injectable because God is listening to all your prayers for my healing. #faith

“Praying more that in 18 to 20 months I’ll reach remission and after 6 months I’ll have my doctors’ clearances and we can go home. I miss my sisters, my cousins, my (Philippine flag emoji) doctors, my close friends, and of course all of you… It’s already been 16 months.

“We’re already settled in our rental home - location wise, this is my long wished for vibe - we have a pool in the back with an unobstructed view of the blue sea and with this super fresh, cool sea breeze plus we’re only 10 minutes away from 1 of my doctors.”


Samantala, ipinagdiinan din ni Kris na wala siyang karelasyon ngayon at hindi na sila nagkakausap ni Batangas Vice-Governor Marc Leviste.

“P.S. my sisters urged me to make my current status very CLEAR. I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and I feel more PEACEFUL. No details because I value my privacy and respect his, and I chose to only give the FACTS that should be addressed.

“Again, THANK YOU for your compassion to keep me & my family in your thoughts and prayers.”


Marami namang naging kasamahan at kaibigan ni Kris sa mga naging programa niya sa Kapamilya Network ang natuwa at nagpapasalamat sa magandang balita niya at patuloy pa rin silang nananalangin para sa TV host.



Maraming reklamo ang staff ni Bea Alonzo sa pelikulang 1521: The Quest for Love and Freedom na kinunan sa Palawan.


Binanggit ito ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi at Tita Jegs na Showbiz Update kamakailan at dahil dito ay baka raw hindi i-promote ng aktres ang pelikula na ipapalabas na rito sa Pilipinas sa Nobyembre.


Kaya naman, isa-isang sinagot ng TEAM 1521 ang mga reklamo ng staff ni Bea na si Ms. Andrea Hernandez Trinidad.


Heto ang sagot nila in response to Bea’s issues:


"Issue 1: Hotel room ng Bea team, hindi sinagot ng producer ng 1521

Producer's response: Ang hotel room ni Bea and ng staff niya, nakasama sa contract at binayaran ng producer. Si Bea, nagdala ng dagdag na staff which is not in the signed contract, so, hindi sinagot ng producer.


Issue 2: Aircon tent, ilang araw na lang bago matapos ang pelikulang 1521

Producer's response: Aircon tent was delayed first 3 days of shoot lang due to the delay sa Manila port in transporting it. (Beyond the producer's control.) We have rental receipts of actual days of aircon rental to prove na hindi tama na last few days na lang ng shoot dumating ang AC tent.

Issue 3: Director, injured, kulang nag-a-assist.


Producer's response: Other crew and cast have written statements that the set is safe. Accidents happen. Ang director, nadulas dahil nagse-selfie-selfie siya during break time at hindi during shooting.


Issue 4: Costume ni Bea, siya ang nagpagawa.


Producer's response: Producer ang nagpagawa ng costume. Bea, hindi sumipot sa fitting sked ng production before shoot. Later on, she wants to redesign the costume according to her style and wants her own tailor to do it and refused to have it fixed by production design contracted tailor.


So, she ended up paying for the repair herself since she refused the services of the production tailor.


Issue 5: Itak na ginamit, totoo.


Producer's response: Kahoy ang itak na ginamit sa fight scenes, hindi live kampilan. Hindi talent ang nahiwa kundi art dept who is in charge of safekeeping and transporting live swords for still photos not fight scenes


Issue 6: Hindi bayad ang mga talents, dancers, no payment for service but promised picture with Bea.


Producer's response: All talents are paid, we have payroll receipts from all talents. Dancers volunteered their free talent because they believed in the mission of 1521. They offered their services for free. No promise of compensation or picture taking with Bea.


Issue 7: Hotel rooms, de-tabo, no shower.


Producer's response: Walang hotel room na de-tabo. The hotels and accommodations in Palawan used for talents and crew all have shower and even swimming pools. Bea stayed at high-end Panja hotel and American director and actors at high-end Hue Hotel.


Issue 8: Light at camera provided by director, putchu-putchu.


Producer's response: We have receipts to prove that producer bought his own camera and lights as well as rented from Manila companies. Director brought some also, but production also bought his and rented some.


Issue 9: Walang tubig na mainom ang talent, si Bea pa ang nagpa-merienda & patubig.

Producer's response: We have daily receipts to prove that water, drinks, and merienda were provided. Many times, producer himself bought them, but Bea offered some but it’s not true that she’s the only one providing those.


Issue 10: Walang service ang talent, naglalakad, paying sa hotel.


Producer's response: Production hired 4-6 vans. We have log in book and receipts to prove this.

Issue 11: Maraming pangako kay Bea na hindi tinupad.


Producer's response: Everything that producer agreed to in contract with Bea, he fulfilled. Bea has unreasonable demands and expectations not stated in the contract that producer did not accommodate because it’s not agreed upon and unreasonable.

"It is important to note that: The biggest star on the set of 1521 is Hollywood icon Danny “Machete” Trejo. Kahit isang reklamo, wala. Yet, he is a Hollywood global star unlike anyone else. But loves the producer and remained good friends with Francis Ho, attended red carpet of 1521 in Los Angeles last June 12, 2023. Danny has been promoting the movie big time in his social media.”


Sa kasalukuyan ay nasa Amerika pa ang Fil-Am producer ng 1521 na si Francis Lara Ho at nakatakdang dumating ng bansa para sa premiere night ng pelikula.


Anyway, bukas naman ang BULGAR sa panig ng kampo ni Bea Alonzo tungkol sa isyung ito.



 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 02, 2023



Apat na araw na lang at MilEStone: The 20th Anniversary Concert na ni Erik Santos sa Oktubre 6 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena at makakasama niya sina Yeng Constantino, Sheryn Regis, Darren Espanto at Angeline Quinto mula sa direksiyon ni John Prats at si Homer Flores naman ang musical director.


Tulad ng mga naglabasan sa balita ay hindi kukunin ni Erik ang kanyang talent fee dahil ibibigay niya ito sa Anchor of Hope & Strength na isang non-profit organization at pitong taon nang tumutulong sa mga cancer patients.


Si Dr. Charity Viado-Gorospe ang founder ng nasabing organization at oncologist ng namayapang ina ni Erik na si Gng. Teresita Santos. Hindi ito naningil ng professional fee kaya naman sobrang nagpapasalamat si Erik at kanyang mga kapatid. At dahil dito, gustong ibalik nina Erik ang pabor sa pamamagitan ng pagtulong sa Anchor of Hope & Strength.


Nalungkot nga ang mang-aawit dahil kung kailan niya iseselebra ang 20th anniversary niya sa industriya ay saka naman ito hindi na masasaksihan ng mga magulang niya, dahil hindi pa nakakapagbabang-luksa ang kanyang ina ay nawala na rin ang kanyang amang si Ginoong Renato Santos dahil din sa cancer.


Samantala, marami kaming nababalitaang may mga tinutulungan si Erik at siyempre, hindi naman niya ito ipinagkakaingay at sa mga kaibigan din niya ay talagang lagi siyang nandiyan sa tabi nila.


Tulad ng naging special friend niya noon na si Angeline Quinto na hindi ito nalaman ng publiko kung hindi pa napanood sa Date or Pass vlog nito.


Sa isang restaurant ginanap ang panayam kay Erik at nagulat sila ni Angge dahil nasita sila ng manager ng resto dahil maingay daw sila at nagdala pa ng sariling lutuan ang huli.


Nagsabi ang manager ng venue na paaalisin sila, at siyempre, hindi nagustuhan ni Erik ang paninita sa kaibigan niya nang pasigaw.


“You don’t have to yell. You don’t have to yell at us. You can say it in a nice way!” sabi ni Erik.


Nagpaliwanag ang manager at sabi ni Erik, “Yeah, but you don’t have to raise your voice. You are not nice at all.”


At dahil nagkakapikunan na at talagang mainit na ang ulo ni Erik kaya si Angeline na ang nagsabi ng “It’s a prank!”


Nagulat ang male singer at kaagad namang nag-sorry na sa isa’t isa sina Erik, manager ng venue at ang dalawang crew na kinontrata ni Angge.


Para kumalma si Erik ay niyakap siya ni Angeline dahil sa ginawa nitong prank.

Ang tanging nasabi ng binata, “Alam mo, ayoko kasing ginaganu’n ka!”


Aminado naman si Angeline, “Kinakabahan na ‘ko kanina pa, parang sasapakin na ni Erik Santos 'yung manager. Pero nakita n’yo kung gaano ang concern sa akin ni Erik, ‘di ba?”


“Alam mo, ‘Ge, hindi ako madaling magalit. Pero 'pag feeling ko, dini-disrespect ka, medyo nati-trigger ako. Hahahahaha!” katwiran ni Erik.


'Yun na!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page