top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 13, 2025



 Jericho Rosales / FB

Photo: JK, Belle, Maricel at Piolo



Palaisipan sa amin ang karakter ni Maricel Soriano sa pelikulang Meet, Greet & Bye (MGB) kung makakaligtas siya sa sakit na cancer o hindi.


Kaya namin ito nasabi ay dahil bumalik ang sakit niya at pinipilit siyang magpagamot ng panganay niyang anak sa pelikula na si Piolo (Tupe) pero ayaw na niyang magpa-chemotherapy dahil mas lalo siyang nanghihina.


At dahil dito ay naghanap ng mga herbal medicines ang isa pang anak ni Marya na si Joshua Garcia (Brad) na tutol naman si Piolo dahil mas naniniwala siyang mas gagaling ang ina nila through chemo.


May conflict sina Piolo at Joshua dahil base sa trailer ay iniwan ng una ang nanay nila kasama ang mga kapatid niya sa probinsiya na sina Josh, Belle at JK.


Mahilig sa Korean stars ang karakter ni Marya. May Korean oppa na magso-show sa bansa at gustong mapanood ni Maricel pero ayaw siya payagan ng mga anak dahil delikado para sa kalagayan niya.


At para payagan si Maricel ay pumayag siyang magpa-chemo basta’t manonood siya ng kanyang Korean idol, kaya may deal sila ng anak na si Papa P.


Samantala, natanong sina JK, Belle at Piolo kung ano ang gagawin nila kung sakaling nasa sitwasyon sila ng mga karakter nina Piolo, Joshua at Belle.


Si Belle ang unang sumagot, “Grabe wait... I honestly don’t know how I take it, me as Belle not Geri (karakter n’ya). Grabe, ang strong-strong ng character namin dito. Ang strong ni Tupe (Piolo), ni Brad (Joshua), ni Leo (JK), ni Geri kasi just to go through that, to face it ay grabe! I don’t know how to face it honestly, only time will tell. If I’m in that situation, siguro I'll do my best to be strong not for me but for my Mama.”

Inamin ni JK na nangyari na ito sa buhay niya.


Kuwento niya,“I’ve been in that situation, I was 12 and I did not know what to do and I think that’s okay. It’s okay not to know what to do. There’s no right or wrong answer.


“We all go through different stories and situations differently, we grieve differently. But as individuals, always remember that you’re never alone, that’s it.


“When I lost my dad I was 16, so I couldn’t process it back then, but now facing this kind of situation, it was hard and that’s something na parang ayaw mong mangyari, so you’re never prepared for it but you have to be strong not just for yourself but for the loved ones especially the mom.”


Kuwento naman ni Piolo, “No one is prepared, so kailangan mong magpakita ng kalakasan kahit masakit and it’s hard.”


Panay ang punas ng mga bida ng kanilang mga mata sa mediacon ng MGB habang sinasagot nila ang tanong, dahil sabi nga nila, “No one is prepared.”


Ang husay ng pagkakasulat ng script nina Jumbo Albano at Patrick Valencia na ang inspirasyon para mabuo ang kuwento ay ‘universal fear of losing a parent’.


“What really pushed us to tell this story is that this is our love letter to our parents, the same way kung paano s’ya naging love letter din ni Direk (Cathy) sa kanyang mga anak,” saad ni Jumbo.


Mapapanood ang Meet, Greet & Bye sa November 12 sa mga sinehan mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana, handog ng ABS-CBN Film Productions (Star Cinema).



BLIND ITEM: 

NAPAPAILING si Aktor A sa aktres dahil halatang pinagseselos siya dahil panay ang pa-cute nito kay Aktor B.


Dedma si Aktor A dahil katwiran niya, “Pakialam ko naman sa inyo.”

Tsika ng aming source, “Magulong kausap kasi si (aktres) at may gusto s’ya kay (Aktor A) kaso hindi naman s’ya type, kaya kay (Aktor B) na lang s’ya nagpapapansin at pinansin naman s’ya.


“‘Pag nalaman ni (aktres) na may chance na magkikita sila ni (Aktor A) dahil may show sila ay papapuntahin n’ya si (Aktor B) at naglalambing na dalhan s’ya ng food at sakto na dumating nga si (Aktor A) at makikita n’yang sweet ‘yung dalawa at kunu-kunong nagsusubuan ng food.


“Alam mo ba kung ano ang gagawin ni (Aktor A) habang sweet-sweet-an sina (aktres) at (Aktor B) at hindi pa sila sumasalang sa harap ng kamera? Matutulog sa isang tabi si (aktor A).”


Kaya inis na inis daw ang aktres dahil hindi siya pinapansin ni Aktor A.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 11, 2025



 Jericho Rosales / FB

Photo: Jericho Rosales / FB



Sa dami ng nagawang pelikula ni Jericho Rosales sa kanyang halos tatlong dekada sa showbiz, ang pelikulang Quezon ang pinaka-challenging role na ginawa niya at inamin niya ito sa ginanap na mediacon kamakailan.


Natanong ang aktor kung ano ang biggest challenge sa kanya sa pagbibigay-buhay kay dating Presidente Manuel L. Quezon sa big screen.


“It’s really challenging, challenging to the bone. Hahaha! Jerrold (Tarog) gave us a beautiful script, easy to follow, very clear, very precise, very waiting, very exciting, very funny, and the hardest part is for everyone just the same kung paano kami pupunta ru’n sa hitsura ng mga karakter. It took more than 5 sessions of 8 or 9 hours of look test of prosthetics and how do you portray someone you know who ran for presidency in the 1930s.”


“And ano ‘yung nasa utak n’ya? Is it about power, his charm, his charisma, and everything? He’s such a huge personality and the pressure—how do you play this? Iba rin ang boses…  It was really the best, I think, most challenging role I’ve ever played, so thank you,” mahabang sagot ni Jericho na tinapik ang katabing sina Direk Jerrold at producer Daphne Chiu.

At dahil puring-puri ng lahat ang magandang trailer ng pelikulang Quezon, natanong si Direk Jerrold kung bakit espesyal ang huling “Bayaniverse” trilogy na kinailangan niyang kumpletuhin mula Heneral Luna (HL) to Goyo at itong Quezon.


“Siguro dahil mayroon tayong unprecedented feat in Philippine cinema, the fact na meron tayong trilogy, the fact na meron tayong historical films, and I don’t think that we have had that ever. So that fact alone is a big credit to Daphne and the producers Fernando Ortigas and Ed Rocha.


“Before HL, I don’t even think it was possible. So now that it’s all finished, parang wow, medyo ipino-process ko pa. And it’s just as difficult as HL and Goyo, pero iba ngayon kasi it’s a war of words inside rooms, speeches, hindi sa battlefield. So ‘yun naman ang challenge in this case, and I must say na na-pull-off lahat ng actors beautifully and I’m very happy,” paliwanag ni Direk Jerrold.


Hiningan naman ng one-word feeling ang ibang cast kung paano nila ilalarawan ang pelikulang Quezon.


Sabi ni Therese Malvar (na gumaganap bilang Nadia Hernando), “One word, revolutionary.”


Para kay Angeli Bayani (Maria Agoncillo), “Heartbreaking.”

“Intense” naman ang say ni Anna Abad Santos (Carmen Hernando).

Mula naman kay Joross Gamboa (Eduardo Rusca), “Knowledge.”


“Para sa akin, truthful,” say ni Arron Villaflor (batang Joven Hernando).

Ang memorable experience naman para kay Karylle (Aurora Quezon) habang nasa promo tour sila ng pelikula sa mga eskuwelahan ay matatapang daw ang mga tanong tungkol sa pelikula.


“Nakakatuwa dahil we had 1,200 students on the first day, tapos the second day taga-Candelaria, Quezon, at paulit-ulit naming sinasabi na part sila ng film. Kitang-kita mo sa mukha nila na they love Quezon so much, and just seeing the students together, ang tatapang ng mga tanong nila. Nakakakaba, may kaba factor kasi ang laki ng expectation nila sa generation natin, so we have to level up because the youth is really there,” kuwento ng singer-TV host-actress.


Nagulat naman ang character actor na si Jake Macapagal (Manuel Nieto) sa tanong ng isang estudyante sa kanya na, “Sa karakter mo (sa Quezon), ano ang iisipin mo sa mga nangyayari sa pulitika ngayon?” 


“And we kinda shocked when we heard that kasi nag-isip muna kami bago magsalita kasi puwedeng sagutin lang o magpakenkoy, but we really (nag-isip), wow, ang tatalino ng mga bata,” balik-tanaw ni Jake.


Ang tanong naman kay Cris Villanueva (older Joven Hernando), ano ang one-word experience sa pelikula na puwedeng maiwan sa isipan ng manonood o bakit kailangang panoorin?


“I think you will start questioning, kasi when you look at it now sa landscape ng politics, you will ask, saan ba galing ‘tong mga nangyayari? But with the movie, meron palang pinanggalingan from way back. You will see some familiar that’s happening now—the people changed into powerful monsters,” sagot ni Cris.


“Discerning, I think,” sambit ni Benjamin Alves (batang Manuel L. Quezon). 

Paliwanag niya, “To be able to discern that or blueprint. This movie gives you—Quezon holds the blueprint, or he holds the blueprint to politics.”


At ang gumanap na Emilio Aguinaldo na si Mon Confiado ay nagbigay ng kanyang one-word na gustong mapansin ng manonood.


“Pulitika! Mula noon hanggang ngayon ay makikita ninyo rito sa Quezon na walang ipinagbago ang pulitika natin, na pinaiikot lang ng mga malalaking pangalan, mga pinakamayayamang personalidad, at pinakamakapangyarihan. Ang ambisyon ay hawakan ang kapangyarihan at makikita natin ‘yan sa Quezon,” esplika ni Mon.


Mapapanood na ang huling Bayaniverse, ang pelikulang Quezon sa Oktubre 15 sa mga sinehan nationwide, mula sa direksiyon ni Jerrold Tarog, produced by Daphne Chiu under TBA Studios, Fernando Ortigas, at E.A. Rocha.

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 1, 2025



FB Jason Abalos

Photo: Jason Abalos



“Nakakainggit nga, eh,” birong sabi ni Jason Abalos, bagong halal na provincial board member sa lalawigan ng Nueva Ecija, nang tanungin tungkol sa isyu ng flood control projects.


Wala raw siyang kinalaman sa flood control issues sa nasabing lalawigan dahil hindi ito dumadaan sa kanya.


“Wala kayong makukuhang sagot sa akin. Nakakainggit nga, eh. Hahaha!” sey ni Jason.

May nakausap din kaming iba na hindi senador, congressman o mayor, pero nagtatrabaho rin sa gobyerno at nagbiro rin dahil bilyones at hindi lang milyones ang usapan tungkol sa flood control, kaya talagang napapa-“sana all” daw sila.


Pero sa kabilang banda ay hindi rin naman nila ito nais gawin, lalo na si Jason na tinitiis na hindi makita ang mag-ina sa loob ng 5 araw dahil sa trabaho niya sa Nueva Ecija.

“Kailangan nating magsilbi sa sinumpaan nating katungkulan,” saad ng aktor-pulitiko.


Weekends lang siya umuuwi sa Quezon City dahil dito nakatira ang misis niyang si Vickie Rushton at anak nilang si Baby Knoa na 2 ½ yrs. old na at kamukha ng ina.

Nakatsikahan namin si Jason sa birthday celebration ng kilalang owner ng Artista Salon na si Gio Anthony Medina kasama ang partners na sina Margaret Gaw at Lotis Reyes sa Panay Avenue, Quezon City.

Sabi pa ni Jason, kinakailangan pa rin niyang mag-showbiz at naghihintay siya ng alok

ng GMA-7 kung saan may kontrata siya at si ‘Nay Gio, ang kanyang manager.


“Sa mga may inquiries, kay Nanay (Gio) lahat,” saad ni Jason.



Tinanong din namin kung paano niya napagsasabay ang pag-aartista at pagiging bokal sa Nueva Ecija.


“Time management. Mahirap ngayon kasi may anak na ako kaya’t kailangan talagang bantayan din. Pati tiwala ng tao na ipinagkatiwala sa atin, kailangang tuparin,” sagot ni Jason.


Nakasama si Jason sa seryeng Lilet Matias: Attorney at Law (LM:AAL) nu’ng 2024, pero umikli ang karakter niya. 


Aniya, “Nag-campaign po kasi kaya kailangan kong magpaalam, kaya ngayon po ay naghihintay ako ng bagong offer nila.”


Bukod sa pagiging bokal sa kanilang lalawigan, isa pang nakaka-excite na ginagampanan ngayon ni Jason ay ang pagiging daddy ni Knoa Alexander.


Sabi niya, “Napakasarap po, walang kapantay ang pagiging daddy. Medyo late na ako (nagkaanak sa edad na 39). Masarap maging mabuting tao kasi gusto ko ‘pag lumaki s’ya (Knoa), sasabihin sa kanya, ‘Ang tatay mo, mabuting tao.’”


Sa edad na almost 40 ni Jason ay natanong namin kung kaya pa niyang makipaghabulan sa anak.


“Kaya pa, kaya pa rin kahit lima pa (dagdagan ang anak),” nakangiting sabi nito habang nakatingin sa asawang si Vickie Rushton.




McasrsPH


SI Boss Toyo at mga kilalang influencers at artista ang mga suki ng Mcars Ph sa ginanap na grand launch kamakailan sa Music Box, Timog Avenue, Quezon City.

Ang Mcars Ph ay pag-aari ni Jed Manalang at nakipag-collab sa Socia CTO na si Reiner Cadiz at Josh Mojica, CEO ng Kangkong Chips Original at Socia web developer. 


Dumalo rin sa press launch ang head ng Metropolitan Manila Development Authority’s (MMDA) Special Operations Group-Strike Force (SOG-SF) na si Gabriel

Go.


Ang Mcars Ph ay isang car dealership na nakabase sa Malabon City na dalubhasa sa pagbebenta ng mga bago, pre-owned at “assume balance” na sasakyan. 

At dahil maaaring kumuha ng kahit ilang sasakyan through Mcars Ph as long as kaya mong bayaran, tiyak na dagdag-trapik ito sa mga major roads na matagal nang reklamo ng mga netizens. 


Sa mayayaman at kilalang pamilya sa lipunan, umaabot sa 10 hanggang 12 sasakyan ang meron sila.


Kaya natanong si G. Gabriel Go (MMDA SOG-SF) kung hindi ba nila hihigpitan ang mga sobra-sobrang sasakyan na pag-aari ng isang pamilya lalo’t isa ito sa mga dahilan ng pagsikip ng daan, lalo na sa EDSA.


Aniya, “Wala po tayong batas na bawal bumili ng maraming sasakyan o dahil karapatan naman po ‘yun ng bawat indibidwal as long as kaya n’yang magbayad at maging responsable sa pagmamaneho at higit sa lahat, dapat po ay may sariling garahe para hindi na nakakaabala sa daan, lalo na sa Mabuhay lanes.”


Sabi ni Jed, ang dahilan kaya nakipag-collab ang Mcars Ph sa Socia ay para maka-develop ng online platform na magpapabilis sa pagbili ng sasakyan at para na rin ito sa mga gustong maging ahente ng kotse.


Sabi pa ni Jed, “Binisita ni Boss Toyo ang showroom ko one time sa Malabon. He wanted a car, pero sabi n’ya, gusto n’ya muna i-test drive. Ipinauwi ko na agad sa kanya. Sabi ko, bayaran mo na lang after kung magustuhan mo na. From then on, naging magkumpare na rin kami. Malakas ang hatak ni Boss Toyo sa mga kliyente. Hindi ko kayang bayaran ang talent fee (TF) n’ya!”


Naroon ang Mcars Ph ambassadors na sina Direk Art Halili Jr., beteranang aktres na si Dexter Doria, at komedyanteng si Patani. 


Sayang at hindi na namin naabutan si Boss Toyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page