ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 17, 2023
TAAS NA NGA NG PRESYO NG BILIHIN AT BAYARIN, MAY PLANO PA PALA ANG MARCOS ADMIN MAGDAGDAG-TAX -- Nanawagan si Sen. Chiz Escudero sa Marcos administration na huwag nang magpairal ng dagdag-tax, at sa halip ay pagbutihin na lang ang pagkolekta ng buwis sa mga rich sa bansa para makalikom ng malaking tax ang pamahalaan.
Kung pagbabasehan ang statement na ito ni Escudero ay nangangahulugan na may plano pala ang Marcos admin na magpataw na naman ng dagdag-tax.
Hay naku, ang taas na nga ng presyo ng mga bilihin at bayarin, tapos may plano pa pala ang Marcos admin na magpataw ng bagong dagdag-dagok na tax sa mamamayan, buset!
◘◘◘
HINDI DAPAT KAAWAAN ANG MANGRARAKET NA SI JAY SONZA -- May mga naaawa kay dating broadcaster Jay Sonza na inaresto at ikinulong sa city jail sa kasong estafa at large-scale illegal recruitment dahil matanda na raw ito.
Sa totoo lang, hindi dapat kaawaan ang mangraraket na si Jay Sonza, kasi ang dapat kaawaan ay ang mga taong in-estafa niya at mga taong biktima ng kanyang large-scale illegal recruitment, period!
◘◘◘
HINDI LANG MGA DUMADAAN SA NLEX ANG NAGDURUSA, KASI MALAPIT NA RING MAGDUSA MGA DUMADAAN SA CAVITEX -- Sa Lunes, August 21, 2023 ay may dagdag-toll fee na rin sa CAVITEX.
Ibig sabihin n’yan, hindi lang mga motoristang dumaraan sa NLEX ang nagdurusa sa taas-toll fee sa NLEX na ipinairal noong June 15, 2023, kasi pagsapit ng August 21, 2023 ay magdurusa na rin ang mga motoristang daraan sa CAVITEX, boom!
◘◘◘
PANG-SIBILYAN MGA TANGGAPAN NI SARA DUTERTE, PERO HINGI SIYA NANG HINGI NG CONFIDENTIAL FUNDS -- May punto si Senate Minority Leader Sen. Koko Pimentel sa kanyang sinabi na ang mga tanggapan ng pamahalaan na pang-sibilyan, tulad ng Office of the Vice President (OVP) at Dept. of Education (DepEd) ay hindi dapat pinapayagan na magkaroon ng confidential funds.
Hay naku, ewan ba rito kay Vice President, DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio kung ba’t hingi nang hingi ng confidential funds, eh hindi naman pang-military o pulis ang kanyang dalawang tanggapan sa pamahalaan, tsk!