top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 10, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


UTOS NI PBBM NA AGARANG ISABATAS ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY AT PARTYLIST REFORM ACT, BAD NEWS SA MGA 'KAMAG-ANAK INC.' AT SA MGA CONGTRACTOR – Sa pulong ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC), kabilang ang Anti-Political Dynasty Bill at Partylist Reform Act, binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang kahalagahan na ipasa agad ang mga ito ng Senado at Kamara.


Good news ito para sa mamamayan, ngunit bad news para sa mga sakim sa kapangyarihan—mga "Kamag-anak Inc." sa pulitika at mga "congtractor" na partylist representatives, period!



REMULLA NA MARCOS LOYALIST AT HARRY ROQUE NA DDS, KINUMPIRMANG MAY ICC-WARRANT OF ARREST NA SI SEN. DELA ROSA KAYA LAGOT NA TALAGA SIYA– Kinumpirma na rin ni dating presidential spokesman Harry Roque ang naunang pahayag ni Ombudsman Boying Remulla na may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) na si Sen. Ronald Dela Rosa kaugnay ng kasong crimes against humanity.


Hala, lagot na lagot talaga si Sen. Dela Rosa! Hindi lang si Remulla, na kilalang Marcos loyalist, ang nagsabing may warrant of arrest siya—pati ang kapwa niya Duterte Diehard Supporter (DDS) na si Roque ay nagkumpirma rin. Boom!



SC DECISION, NAKAKALITO! LABAG SA BATAS SI RALPH RECTO SA PHILHEALTH FUNDS PERO WALA RAW SIYANG PANANAGUTAN – 

Inasatan ng Supreme Court (SC) ang Marcos administration na isauli sa PhilHealth ang

P60 billion sobrang pondo nito dahil unconstitutional daw ang ginawa ng noo'y Finance Secretary, at ngayo'y Executive Sec. Ralph Recto na ilagay ito sa Bureau of Treasury (BTr), gayunman, binigyang-linaw ng SC justices na wala raw itong pananagutan sa batas.


Sa kasaysayan ng SC, ngayon lang sila naglabas ng "magulong" desisyon, kasi sabi nila labag sa batas ang ginawa ni Sec. Recto pero hindi raw ito puwedeng kasuhan dahil wala naman daw siyang dapat panagutan sa batas, tsk!



IMBES IPA-STOP NINA MAYOR BIAZON AT COL. DOMINGO ANG RAKET NA STL-CON-JUETENG SA MUNTINLUPA CITY, NADAGDAGAN PA RAW NG RAKET NA 'LOTTENG' – Dahil dedma lang daw sina Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at Muntinlupa City chief of police, Col. Robert Domingo sa Small Town Lottery (STL)-con jueteng nina "Touche" at "Jojo" ang ginawa ng umano’y dalawang ilegalistang ito ay dinagdagan pa raw nila ang kanilang raket–ngayon nag-o-operate na rin daw sila ng "lotteng" sa lungsod.


Hay naku! Imbes na ipa-stop nina Mayor Biazon at Col. Domingo ang raket na STL-con jueteng, nadagdagan pa raw ng raket na "lotteng," boom!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 9, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAPAG ISINAKRIPISYO NI SEN. DELA ROSA ANG KANYANG SARILI, INAKO NA SIYA ANG PASIMUNO NG EJK MAKAKALAYA, MABI-BRING BACK HOME NA SI FPRRD -- Sinabi ni former Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Sereno na may pag-asa raw na maabsuwelto sa kasong crimes against humanity at makalaya sa International Criminal Court (ICC) jail si former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) kung susuko sa ICC si Sen. Ronald Dela Rosa at aakuin niya na siya ang pasimuno sa bloody drug war at walang kinalaman ang ex-president sa mga naganap na extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas.

Kaya’t ang tanong: isakripisyo kaya ni Sen. Dela Rosa ang kanyang sarili para ma-bring back home na si FPRRD? Abangan!


XXX


SA RAMI NG CHINESE NATIONAL NA NANALO SA MGA NAKARAANG HALALAN PATUNAY NA ‘PABAYA’ ANG COMELEC -- Iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang tunay na pagkatao ni Pagadian City Mayor Samuel Co dahil sa impormasyon na peke ang pagiging Filipino nito, na Chinese national ito.


Sakaling mapatunayang Chinese national si Mayor Samuel Co ay pagpapatunay iyan na ‘pabaya’ sa kanilang tungkulin ang mga taga-Comelec dahil may mga Chinese national din na nakalusot sa komisyon, na pinayagang kumandidato at mga nagsipanalo noon, na lately ay napatunayang mga Chinese national pala, tulad nina dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, former Manila Councilor Joey Chua Uy at ex-Catanduanes Gov. Joseph Cua, period!


XXX


MALAPIT NANG MAGING MAGKA-KOSA SA SELDA ANG ‘PORK BARREL QUEEN’ AT ‘FLOOD CONTROL PROJECTS QUEEN’ -- Malabo nang makalabas pa ng kulungan si ‘pork barrel queen’ Janet Napoles dahil hinatulan uli siya ng habambuhay na pagkabilanggo sa isa pa niyang kasong graft at malversation of public funds, at sa kabilang banda naman ay anumang araw mula ngayon, kabilang ang tinaguriang ‘flood control projects queen’ Sarah Discaya sa nakatakda nang dakpin ng mga awtoridad sa kapareho (graft at malversation of public funds) din na kaso.


Kung saka-sakali pala ay malapit-lapit nang maging magka-kosa sa selda ang ‘pork barrel queen’ at ‘flood control projects queen’, boom!


XXX


BAD NEWS SA MGA KURAKOT ANG DEKLARASYON NG SC NA UNCONSTITUTIONAL ANG UNPROGRAMMED FUNDS -- Nagpalabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) na unconstitutional ang unprogrammed funds na ipinapaloob sa national budget.


Bad news iyan sa mga kurakot sa pamahalaan dahil hindi na nila magagawa na makapangurakot sa mga isinisingit nilang badyet sa unprogrammed funds, period!

katanggap-tanggap sa publiko na absent siya pero tuloy suweldo niya, period!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 8, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez



MAKALUSOT MAN SI SEN. MARCOLETA SA PAGLABAG SA OMNIBUS ELECTION CODE, PERO SA KASONG PERJURY SA OMBUDSMAN, BAKA ‘DI SIYA MAKALUSOT -- Matapos padalhan ng show cause order ng Comelec si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa misdeclaration niya sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ay sinampahan din siya ng kasong perjury sa Ombudsman nina Atty. Dino De Leon, Atty. Alex Lacson at Kontra Daya convenor Danilo Arao.


Sakaling makalusot man si Sen. Marcoleta sa Comelec kaugnay sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code, baka sa kaso niyang perjury ay hindi siya makalusot dahil kilala si Ombudsman Boying Remulla na walang sinasanto sa mga gumagawa ng paglabag sa batas ng ‘Pinas, period!


XXX


TIYAK LALONG TUMINDI ANG GALIT NI SEN. MARCOLETA SA MARCOS ADMIN, GUSTO NIYANG MAGING STATE WITNESS ANG MAG-ASAWANG DISCAYA, PERO ANG GINAWA NG OMBUDSMAN KINASUHAN NA SI SARAH DISCAYA PARA MAKULONG SA CITY JAIL -- Sinampahan na ng Ombudsman ng kasong no bail na graft and malversation of public funds ang mga kontraktor na sina Sarah Discaya, Roma Angeline Rimando at pitong Dept. of Public Works and Highways (DPWH) officials dahil sa pagsasabwatan sa P96.5 million "ghost" flood control projects sa Davao Occidental, at kaya asahan nang kasunod niyan ang pag-aresto at pagkulong sa kanila sa city jail.


Dahil diyan ay tiyak lalong tumindi ang galit ni Sen. Marcoleta sa Marcos admin dahil nga gustung-gusto niya na gawing state witness sina Sarah Discaya at ang mister nito na si Curlee Discaya para makalusot sa kaso at hindi makulong ang mga ito. Pero ang naisin ng senador ay "tinabla" dahil nakasuhan na, ang kasunod niyan ay pag-aresto at pagpapakulong sa mag-asawang Discaya at sa iba pang sangkot sa flood control scandal sa city jail, abangan!


XXX


SA MULING PAGKUMPIRMA NI OMBUDSMAN REMULLA NA MAY ICC WARRANT OF ARREST NA SI SEN. DELA ROSA, MALAMANG LALONG ‘DINAGA’ ANG DIBDIB NG SENADOR -- Sa media interview kay Ombudsman Remulla ay muli niyang kinumpirma na may warrant of arrest na mula sa International Criminal Court (ICC) si Sen. Ronald Dela Rosa kaugnay sa kinakaharap nitong kasong crimes against humanity.


Sa sinabing iyan ni Ombudsman Remulla, hindi man aminin ni Sen. Dela Rosa ay siguradong "dinaga" na naman ang dibdib niya, boom!


XXX


DAPAT MAG-RESIGN NA SI SEN. DELA ROSA, KUNG WALA NA TALAGA SIYANG PLANONG PUMASOK SA SENADO -- Mag-iisang buwan na sa December 11, 2025 na hindi pumapasok sa Senado si Sen. Bato dela Rosa, pero tuloy ang suweldo niya.

Sa totoo lang, talo ang taumbayan kay Sen. Bato, kasi sinusuwelduhan siya ng taumbayan kahit absent o hindi siya pumapasok sa Senado.


Kung wala na talagang plano si Sen. Dela Rosa na pumasok sa Senado dahil sa takot na maaresto siya at makulong sa ICC jail sa The Hague, dapat mag-resign na lang siya sa pagka-senador kasi sa totoo lang, hindi katanggap-tanggap sa publiko na absent siya pero tuloy suweldo niya, period!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page