top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 7, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Siony ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na tumubo na ‘yung tinanim kong beans sa likod ng aming bahay.


Kumuha ako ng basket at dito ko nilagay ‘yung sariwang beans na halos umabot ng dalawang basket. Niluto ko agad ito para sa aming tanghalian.


Ano’ng ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Siony


Sa iyo, Siony,


Ang ibig sabihin ng beans ay gulo. Madadamay ka sa gulo na mayroon d’yan sa lugar n’yo.


Kung ang basket ay walang laman, ito ay nangangahulugan ng kabiguan sa iyong mga pinaplano.


Subalit, ang sabi mo ay punumpuno ito ng beans, ito ay nagpapahiwatig na malalampasan mo ang mga kabiguang iyong mararanasan.


Samantala, ang dalawang basket naman na pinaglagyan mo ng beans ay tanda ng pabagu-bago mong desisyon. Mas makakabuting huwag mo nang baguhin pa ang iyong desisyon. Kapag sinunod mo ito, mas gaganda ang iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 6, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Benjo ng Zambales.


Dear Maestra,


Magandang buhay sa inyo r’yan sa Bulgar, matagal n’yo na akong tagahanga at ako ay isang millennial.


Napanaginipan ko na may magandang alagang peacock ang aming kapitbahay. Sumayaw ito sa ilalim ng puno ng peras habang pinapakita ang kanyang mga pakpak.


Natuwa ako sa panonood sa peacock, nang may biglang nagpaputok ng baril, mabuti na lang ay hindi ito natamaan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Benjo


Sa iyo, Benjo,


Ang panaginip mo na ang ganda ng peacock na alaga ng kapitbahay n’yo, natuwa kang panoorin ito habang pinapakita ang kanyang pakpak, ito ay pahiwatig ng kapanatagan sa kasalukuyan mong kalagayan. Magiging panatag, payapa, sagana ang kalagayan mo ngayon.


Ang sabi mo ay millennial ka palang, ito ay tanda na makakatagpo ka ng isang babaeng magpapatibok sa puso mo. Siya ay nabibilang sa mataas na angkan, may posibilidad na siya na rin ang iyong mapangasawa, at tiyak na magiging masaya ang kasal n’yo.


Samantala, ang nagsasayaw ang peacock sa ilalim ng puno ng peras ay nangangahulugang mapo-promote ka sa trabaho at susuwertehin ka rin sa binabalak mong negosyo. Ito rin ay nangangahulugan ng kaligayahan sa pag-aasawa dulot ng tunay at wagas na pag-ibig.


Ang may nagpaputok ng baril pero sa kabutihang palad, hindi tinamaan ang peacock ay tanda ng kaligayahan at kasaganahan sa piling ng iyong magiging asawa’t anak na magbibigay sa iyo ng karangalan at kaligayahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 5, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Violeta ng Batangas

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakipaglamay kami ng nanay ko sa kamag-anak naming yumao.


Napag-usapan namin ang mga nagawa niyang kabutihan. Sobra kong nalungkot nang marinig ko ang mga awiting pinatugtog habang pinagluluksa namin ang namayapang mahal sa buhay.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Violeta

Sa iyo, Violeta,


Ang nakipaglamay kayo ng nanay mo sa kaanak n’yong namatay ay nangangahulugang makakamit mo na ang magagandang bagay na pinapangarap mo. Hindi magtatagal ay yayaman, sasagana at magiging maligaya ka na sa darating na mga araw.


Ang nagkuwentuhan kayo ng nanay mo sa mga bagay na nagawa niya sa inyo, ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang nakakagulat na balita. Hindi mo sukat akalaing giginhawa ka, at matatapos na ang mga paghihirap mo.


Samantala, ang sobrang lungkot mo, lalo na nu’ng marinig mo ang awiting pinapatugtog habang pinagluluksa n’yo ang inyong namayapang kaanak, ay senyales na liligaya ka sa iyong pag-aasawa. Ikakasal ka na sa boyfriend mo at magsasama na kayo kasama ang inyong magiging mga anak.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page