- BULGAR
- Nov 21, 2023
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 21, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ronald ng Taguig.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na pumunta ako sa likod ng aming bahay. Ang haba na ng damo kaya kumuha ako ng pamputol dito. Pagbalik ko, may nakita akong mga usa at kambing na kumakain ng damo. Gayunman, itinuloy ko pa rin ang pagtabas nito.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Ronald
Sa iyo, Ronald,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang haba ng damo sa likod ng iyong bahay, kumuha ka ng pamputol, at tinabas mo ang damo ay susuwertehin ka sa negosyo. Mas mahabang damo, mas marami kang kikitain sa negosyo.
Samantala, ang usa ay nangangahulugan na isa sa mga kaibigan mo ay loko-loko. May binabalak siyang hindi maganda laban sa iyo, kaya talasan mo ang iyong pakiramdam at mag-ingat ka. Ang mga kambing naman ay halos pareho rin ng kahulugan, may binabalak silang hindi maganda laban sa iyo, pero hindi sila magtatagumpay kung lagi kang nakamasid at nakahanda sa anumang puwedeng mangyari.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




