top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 2, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rose ng Pampanga.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na hindi ko mabuksan ‘yung pintuan ng kwarto ko. Nawala ‘yung susi at hindi ko malaman kung nalaglag ba ito sa bag ko o naiwan ko sa office. Mabuti na lang ay naalala ko na may duplicate ako sa likod ng frame, tinago ko ‘yun ru’n just in case na mawala ang mga original. Agad ko itong kinuha at successful, nabuksan ko ang kwarto ko.


Gayunman, sumakit daw ang ulo ko kaya uminom agad ako ng gamot. Kahit na sobrang pait ng gamot, ininom ko pa rin ito para bumuti na agad ang aking pakiramdam.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rose


Sa iyo, Rose,


Ang panaginip mo na hindi mo mabuksan ang kwarto mo dahil nawala ang susi mo, ito ay babala na mahihirapan kang tapusin ang iyong mga gawain, at makararanas ka ng mga sagabal dito. Pero, dahil naalala mong may duplicate kang tinago sa likod ng frame, agad mo itong kinuha kaya nabuksan mo ang kwarto mo, ito ay nangangahulugan na makakamit mo ang tagumpay sa kabila ng mga hadlang.


Matutupad mo ang mga pangarap mo sa buhay.


Samantala, ang sumakit ang ulo mo kaya uminom ka ng gamot ay nagpapahiwatig na may magandang kapalarang nakalaan sa iyo. Gayunman, dahil sobrang pait nu’ng gamot ng gamot na iyong ininom, ito ay tanda na ‘di agad mapapasaiyo ang tagumpay, may pagsubok ka pa ring haharapin para makamit ang mga pangarap mo sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 1, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Richard ng Zambales.


Dear Maestra,

Napanaginipan ko na pumunta ako sa department store. May nakita akong magandang sombrero. Type ko ang design nito kaya dalawa na agad ang binili ko, at bumili rin ako ng polo shirt na may linen, isang kulay white at tatlong colored.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay, Richard


Sa iyo, Richard,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa department store, bumili ka ng sombrero, nagustuhan mo ito dahil sa magandang design, ay matutupad na ang pinakamimithi mo sa buhay.


Makakamit mo na ang matagal mo nang pinapangarap, at susuwertehin ka rin sa bagong negosyo mo.

Samantala, ang dalawang sombrero na binili mo ay nangangahulugang may ugali ka na pabagu-bago kung magdesisyon. Iwasan mo ang ganitong pag-uugali. Kung ano ang una mong desisyon, ‘yun na dapat ang sundin mo, at huwag mo na itong baguhin pa. Guided ka ng holy spirit kung susundin mo ang una mong desisyon.

Ang bumili ka rin ng polo shirt. Ang white linen ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang nakakagulat na magandang balita. Ang colored linen naman ay tanda na may mamanahin kang malaking halaga mula sa iyong namayapang mahal sa buhay. Ang tatlong colored linen ay senyales din na may gantimpalang nakalaan sa’yo dahil sa mga sakripisyong ginagawa mo para sa iyong pamilya.

Matapat na sumasaiyo, Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 30, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ricardo ng Pasig.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko ‘yung bahay namin sa probinsya. Ang daming damo sa paligid at tinabas ko ito. Pagkatapos ay umakyat na ako sa bahay, at may makita akong gitara, kung kaya’t napagdesisyunan kong kumanta.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Ricardo

Sa iyo, Ricardo,


Ang ibig sabihin ng bahay n’yo sa probinsya ay kaligayahan sa kapaligiran, malusog na pangangatawan, at maligayang pag-aasawa. Ang tinabas mo ‘yung mga damo ay nangangahulugan ng tagumpay sa bago mong negosyo. Mas mahabang damo, mas malaki ang kikitain mo.


Samantala, ang may nakita kang gitara at kumanta ka ay nagpapahiwatig na tunay ang pag-ibig sa iyo ng dyowa mo. Mahal na mahal ka niya. Tapat siya sa kanyang pangako at pakakasalan ka niya sa lalong madaling panahon.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page