top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 15, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lita ng Pasig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalakad ako sa railroad nang bigla umulan. ‘Di rin nagtagal ang ulan at huminto rin ito. Maya-maya, may lumitaw na bahaghari sa langit. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lita


Sa iyo, Lita,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalakad ka sa railroad ay paglalakbay. Mag-a-abroad ka. Ito rin ay nangangahulugan na paparating na ang minamahal mong dyowa na nagtatrabaho sa malayong lugar. 


Ang biglang umulan habang ikaw ay naglalakad, kung ang ulan ay malakas na may kasamang bugso ng hangin, ito ay nagpapahiwatig ng gulo, pagkabalisa at hindi magandang pakiramdam. Maaari kang masangkot sa kaguluhan. 


Kung banayad at mahina lang ang ulan, ito ay senyales ng kaligayahan at pag-unlad sa buhay. 


Samantala, saglit lang umulan at may lumitaw na bahaghari ay tanda na magbabago ang iyong kalagayan tungo sa isang maginhawang pamumuhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 13, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joshua ng Quezon Province.

 

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may hawak akong martilyo, pinukpok ko ‘yung pako sa dingding namin. At sa ‘di sinasadya, napukpok din ang kamay ko. Ang sakit at ang dumi ng kamay ko dahil sa walang tigil na kapupukpok. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

 

Naghihintay,

Joshua

 

Sa iyo, Joshua,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may hawak kang martilyo, pinukpok mo ‘yung pako sa dingding ay uunlad ang negosyo mo. Malaki ang kikitain mo hanggang sa tuluyan kang yumaman. 


Samantala, ang napukpok mo nang ‘di sinasadya ang kamay mo, sumakit ito ay nangangahulugan na may magandang oportunidad na darating sa’yo. Malaki ang magiging pakinabang nito kung sasamantalahin mo ang magagandang oportunidad. Ito rin ay nagpapahiwatig na may hindi inaasahang suwerte ang darating sa buhay mo.


Lahat ng mga binabalak mo ay tuluyan mong maisasakatuparan sa darating na mga araw. 


Ang dumumi ang iyong kamay dahil sa walang tigil na kapupukpok ay nagpapahiwatig na dapat kang mag-ingat sa pakikipagtransaksyon dahil maaari kang mabiktima ng mga sindikato o mga scammer.

 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 12, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Myrna ng Pasig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalakad ako sa isang napakagandang park. Ang daming puno ng palmera. May fountain din, at ang ganda pagmasdan ng tubig na nag-iibaiba ang kulay. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Myrna


Sa iyo, Myrna,


Napakaganda ng panaginip mo na naglalakad ka sa napakagandang park. Ito ay nangangahulugan na maraming nagmamahal sa iyo na tunay at walang halong kaplastikan. Ito rin ay nagpapahiwatig na uunlad ang negosyo mo, gaganda ang kalusugan at magiging maligaya ka sa susunod na mga araw. 


Ang palmera ay senyales na sasagana ka sa materyal na mga pangangailangan at magkakaroon ka rin ng mahabang buhay. 


Samantala ang fountain naman na nag-iibaiba ang kulay ng tubig ay tanda na may mamanahin kang mga ari-arian at salapi mula sa mahal mo na yumao na.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page