top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 15, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Myrla ng Los Baños, Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-check in kami sa hotel ng dyowa ko. Ang room number namin ay 888. Masayang-masaya ang bf ko dahil first time naming nag-check in sa isang hotel.Kinabukasan, nag-beach naman kami. Nag-sunbathing kami habang enjoy na enjoy naming pinagmamasdan ang mga magagandang ulap sa kalangitan. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Myrla


Sa iyo, Myrla,


Ang napanaginipan mo na nag-check in kayo ng dyowa mo sa isang hotel, ito ay paalala ng mga pagsubok sa buhay. Hindi kayo laging liligaya dahil makakaranas din kayo ng kalungkutan paminsan-minsan, pero sasagana naman kayo sa materyal na bagay. Hindi kayo kakapusin sa pera. Ang 888 ay nangangahulugan din na susuwertehin kayo sa negosyo na may kinalaman sa agricultural products.Samantala, ang masayang-masaya ang dyowa mo dahil first time kayo nag-check in sa hotel ay nagpapahiwatig na tapat siya sa iyo. Ikaw lang ang iibigin niya habambuhay.Ang magandang kalangitan at mga ulap ay senyales ng kapayapaan, kapanatagan ng isipan at magandang kalusugan. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 14, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreta ng Tiaong, Quezon.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang tubig. Totoo ba na pera ang ibig sabihin nito?


At makakahawak na ba ako ng malaking halaga?


Napanaginipan ko rin na madalas akong naglalakad sa kalsada. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

Loreta

Sa iyo, Loreta,


Depende sa tubig ang kahulugan ng panaginip mo. Kung madumi ang tubig, ito ay babala ng kamalasan, may posibilidad na magkasakit ka. Kung malinaw naman ang tubig, ito ay nagpapahiwatig na magiging maayos na ang kabuhayan mo. Malulutas na ang mga problemang bumabagabag sa iyo. Giginhawa na ang pamumuhay mo hanggang sa tuluyan ka nang suwertehin. 


Samantala, kung ang kalsadang nilalakaran mo ay baku-bako at masukal, ito ay tanda na maraming magiging sagabal sa plano mo. Daranasin mo ang iba’t ibang klase ng problema. 


Kung maganda ang kalsada, malinis at hindi mabato, ito naman ay senyales na magtatagumpay ka sa mga adhikain mo sa buhay, at matutupad lahat ng iyong pinapangarap.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Jan 11, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 11, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jhun ng Camarines Sur.

 

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nangongolekta ako ng kung anu-ano. Tulad ng mga prutas at gulay, maski ang damit na ukay-ukay ay kinokolekta ko rin. Samantala noong nakaraang araw, napanaginipan ko na nakakita ako ng uwak. Binaril ko ito, bumagsak sa lupa at kalaunan ay namatay.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,Jhun

Sa iyo, Jhun,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nangongolekta ka ng mga prutas at gulay ay uunlad na ang buhay mo sa darating na mga araw. Kung mga ukay-ukay na damit naman ang iyong kinokolekta ito ay nagpapahiwatig na dapat kang umiwas sa gulo.


May nagbabantang gulo sa buhay mo. Talasan mo ang iyong pakiramdam. Maging mapagmatyag sa kapaligiran upang ‘di masangkot sa kaguluhan.


Samantala, ang nakakita ka ng uwak ay senyales na may lihim kang kaaway na handa kang pabagsakin anumang oras mula ngayon. Ang binaril mo ang uwak, bumagsak sa lupa at namatay ay tanda na magagapi mo ang iyong kaaway. Hindi sila magtatagumpay sa masama nilang binabalak laban sa iyo.

 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page