top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 02, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Govinda ng Tarlac.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang damit, at nangongolekta umano ako ng iba’t ibang bagay.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Govinda


Sa iyo, Govinda,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo tungkol sa mga damit ay depende sa damit. Kung nakasuot ka ng bagong damit, kabaligtaran ang ipinahihiwatig nito. Ito ay paalala na makakaranas ka ng kahirapan sa buhay.


Kung luma, butas-butas, at para na itong basahan, ito ay tanda na yayaman ka balang araw.


Susuwertehin ka sa darating na panahon.


Kung nananahi ka naman ng isusuot mong damit ito ay nagpapahiwatig na mabubuntis ka, bibiyayaan na kayo ng isang supling.


Samantala, ang ibig sabihin ng nangongolekta ka ng iba't ibang bagay ay depende rin sa kinokolekta mo. Kung ang mga ito ay gulay at prutas, ito ay kasaganaan at kaligayahan.


Malapit ka nang yumaman at lumigaya sa piling ng iyong pamilya.


Kung mga lumang damit naman ang iyong kinokolekta, ito ay babala na maaari kang masangkot sa gulo. Mag-ingat at lumayo ka sa mga taong walang idudulot na mabuti sa iyo. Talasan mo ang iyong pakiramdam.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 01, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Larry ng San Rafael, Bulacan

Dear Maestra,


Isa akong sundalo, at kung saan-saan na rin ako na-assign.


Napanaginipan ko na nasa loob ako ng field, habang nagte-training, napansin kong ang daming canyon sa paligid.


Hanggang sa may dumating na iba’t ibang malalaking hayop, at mayroon ding turkey.


Kung kaya’t ginamit ko ‘yung isang canyon, at pinaputukan ko ang malalaking hayop pati na rin ‘yung mga turkey.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Larry

Sa iyo, Larry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa field ka, maraming iba’t ibang malalaking hayop na dumating, ay labis kang mag-aalala dahil mayroon kang karibal sa puso ng iyong minamahal, at handa siyang gawin ang lahat para mabaling sa kanya ang pagtingin ng iyong nobya.


Ang mga turkey naman, ay babala ng pagkalugi sa negosyo. Wala kang magagawa hanggang sa tuluyang ma-bankrupt ito.


Samantala, ang ginamit mo ‘yung isang canyon, pinaputukan mo ang mga hayop pati na rin ‘yung turkey, ay senyales na magkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng dyowa mo. Maaaring matuloy ito sa matinding pag-aaway, at dahil dito posible rin kayong magkahiwalay. Ito rin ay tanda na makakatanggap ka ng magandang balita galing sa kaibigan mo na naglilingkod din gaya mo.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 29, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flory ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa dating university na pinapasukan ko, malapit na sana ako sa dating kong room, nang nakarinig ako ng mga boses, ang ingay at nagkakagulo sila.


Samantala, nakita ko ru’n ‘yung dyowa ko na may kasamang ibang babae, pinagtataksilan umano ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Flory


Sa Iyo, Flory,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa university na dati mong pinapasukan, ay kikilalanin ka sa inyong lugar, at makakatanggap ka ng karangalan.


Ang nakarinig ka ng mga boses, ang ingay at nagkakagulo, ay senyales na aanyayahan ka bilang maging guest speaker sa isang pagtitipon. Magiging masaya ang nasabing event, at mag-e-enjoy ka.


Samantala, ang nakita mo ‘yung dyowa mo na may kasamang ibang babae, pinagtataksilan ka, kabaligtaran ang kahulugan nito, dahil ito ay tanda na mahal na mahal ka ng dyowa mo. Tapat siya sa iyo, hindi rin niya magagawang pagtaksilan ka, at pakakasalan ka niya sa takdang panahon.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page