top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 8, 2022




KATANUNGAN

  1. Malapit na akong mag-28 years old sa Setyembre 23, at ngayon ay gusto ko ring mag-abroad. Maliit kasi ang kinikita ko sa grocery na pinagtatrabahuhan ko bilang saleslady. Sa tulong ng kaibigan kong nasa abroad, may aplikasyon ako ngayon bilang domestic helper sa Dubai.

  2. May pag-asa pa ba akong makapag-abroad ngayong 2022 o sa susunod na taon? Kung sakali namang matuloy ako sa abroad, may maganda ba akong kapalaran du’n at susuwertehin din ba ako gaya ng kaibigan ko na tumutulong sa akin na mag-ayos ng mga papeles ko?

  3. Gusto ko ring malaman na kung sakaling makaipon ako ng puhunan, puwede rin ba akong magnegosyo? Balak ko kasing magtayo ng grocery tulad ng pinapasukan ko sa kasalukuyan, kung saan malakas at mabenta ang kanilang paninda. Uunlad ba ako sa negosyong ito?

KASAGUTAN

  1. May malinaw, makapal at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa malapit na hinaharap, may pangako ng maalwan at positibong pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran, na madali namang kinumpirma ng birth date mong 23 o 5 (ang 23 ay 2+3=5).

  2. Karamihan sa mga indibidwal na nagtataglay ng birth date na 5, tulad ng birth date na 5, 14 at 23 ay nakakapag-abroad. Ang problema lang sa kanila, kapag nasa abroad na, minsan ay hindi sila natututong magtipid o magsinop ng kabuhayan. Kaya sa umpisa lang nagiging maalwan ang kanilang buhay, pero ‘pag tumagal na, mabilis ding nasisimot at nauubos ang kanilang pinagpaguran.

  3. Ang dapat sa mga taong may birth date na 5, 14 at 23, kapag nag-abroad sila ay pabalik-balik at pagkatapos nito, dapat matuto silang mag-ipon upang kapag nagsawa na sila sa pagpapabalik-balik sa abroad, malaking pag-unlad at pag-asenso ng kabuhayan ang kanilang mapala.

  4. Kaya gaya ng paulit-ulit na nasabi na, para maging produktibo at mabunga ang gagawin mong pangingibang-bansa, pinapaalalahanan ka ng iyong kapalaran, na kapag nasa abroad ka na, pilitin mong maging matipid at matutong magsinop ng bawat salapi na iyong mahahawakan.

  5. Sa ganyang paraan, ‘pag hindi ka bumibili ng kung anu-anong bagay na hindi mo naman talaga kailangan, mas mabilis kang uunlad at makakaipon ng sapat na salapi para sa pagnenegosyo. At kapag may sarili ka nang negosyo tulad ng grocery, ang mga Taong Singko (5) tulad mo, gayundin silang mga isinilang sa petsang 5, 14 at 23, ay tiyak na umuunlad hanggang sa tuloy-tuloy na yumaman.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ang pag-a-abroad ay paunang hakbang lamang upang maiahon sa kahirapan ang pamilya, ngunit ang ikalawang hakbang ay kailangang matutunan mong magsinop o mag-ipon ng salapi mula sa iyong pangingibang-bansa. Ang ikatlong dapat gawin ng tulad mong may birth date na 5, 14 at 23, dapat mong ituloy ang negosyong nasa isip mo na tindahan o grocery dahil du’n ka tunay na uunlad at yayaman.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Cynthia, nakatakda na ang magaganap, kung saan sa taon ding ito ng 2022, sa buwan ng Nobyembre o Disyembre, pinakamatagal na sa first quarter ng 2023 at sa edad mong 28 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 6, 2022




KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako ngayon at tumagal nang dalawang taon ang relasyon namin. Ang problema, nagkakalabuan kami dahil may third party na involved. Ang balita ko, ‘yung bagong babae niya ay supervisor nila at patay na patay sa kanya.

  2. Maestro, kung sakaling tuluyan na kaming maghiwalay ng boyfriend ko, may darating pa bang ibang lalaki sa akin kahit hindi na ako virgin? Sa ngayon, may mga nanliligaw naman sa akin, pero natatakot ako na kapag nalaman nila ang aking nakaraan, baka mawala na rin ang tiwala nila sa akin.

  3. Ayon sa guhit ng aking mga palad, sino ang makakatuluyan ko, ang kasalukuyan kong boyfriend o may paparating pang ibang lalaki?

KASAGUTAN

  1. Hindi mo muna dapat isinuko sa boyfriend mo ang iyong pagkababae dahil malinaw ang sinasabi ng nawasak na Venus Line (Drawing A. at B. v-v arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Hindi ang nakauna sa iyo ang makakatuluyan mo, sa halip, ang mapapangasawa mo ay ang pangalawang makakarelasyon mo.

  2. Ang pag-aanalisang hindi ang unang boyfriend ang iyong makakatuluyan ay madaling kinumpirma ng mas mahaba, malinaw at magandang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.), kung ikukumpara sa unang Marriage Line (1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na bagama’t hindi ka susuwertehin sa una mong boyfriend, sa ikalawang lalaki na parating pa lamang sa iyong buhay, pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, tiyak na papalarin ka na. Gayundin, kahit hindi ka na virgin at sa bandang huli, ang ikalawang lalaking ito na may zodiac sign na Virgo ang siyang mapapangasawa at makakasama mo habambuhay.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Babylyn, tulad ng nasabi na, hindi ang kasalukuyan mong boyfriend na may kaulayaw na palang iba ang iyong makakatuluyan kundi isang lalaki na paparating palang na makikilala mo sa pagpasok ng buwan ng Oktubre. Siya ay nagtataglay ng initial na A.R. kung saan ang ikalawang lalaki na ito ang makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 4, 2022




KATANUNGAN

  1. Kagagaling ko lang sa Saudi, pero nagbawas ng tao sa aming kumpanya at isa ako sa mga natanggal. Para makabawi at makabayad ako sa mga utang, nag-a-apply ulit ako sa abroad. Gusto kong malaman kung may ikalawa bang pagkakataon para makapag-abroad ako at this time, magtatagumpay na ba ako at hindi na ako mapapauwi?

  2. Ang dami kong utang at wala akong nakikitang ibang paraan kundi ang mag-apply ulit sa abroad. Ano ang nakaguhit sa aking palad, may suwerte ba ako sa pangingibang-bansa o sadyang malas ako sa career?

KASAGUTAN

  1. Huwag kang mawawalan ng pag-asa dahil ‘ika nga ng palasak na kasabihan, “Habang may buhay, may pag-asa.” Bagama’t sinansala ng Guhit ng Hadlang (Drawing A. at B. d-d arrow a.) ang naunang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.), kapansin-pansin naman ang ikalawang mas mahaba at malinaw na ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa ikalawang pakikipagsapalaran sa ibayong-dagat, walang duda na susuwertehin ka na.

  2. Ang pag-aanalisang susuwertehin ka sa ikalawang pag-a-abroad ay madali namang kinumpirma ng maganda mong lagda na pumangit sa simula, ngunit sa bandang gitna ay tuloy-tuloy na rin hanggang sa dulong bahagi ay naayos at gumanda na.

  3. Ibig sabihin, karamihan ay sa umpisa, sa mga nakaraan mong karanasan, tulad ng first love o unang pakikipagrelasyon ay medyo palpak, pero ang mga sumunod ay naging maligaya ka na. Ganundin sa career at pangingibang-bansa, sa ikalawang pagtatangka, susuwertehin ka na, at ito ay kinumpirma rin ng destiny number mong 2. Ang destiny number na 2 ay nagsasabing, sa ikalawang bagay, pangyayari o sitwasyon sa iyong buhay, tulad ng naipaliwanag na, may maganda nang kapalaran at buwenas na karanasan na itatala sa ikalawang pagnanais na makapangibang-bansa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Wala namang masama na sumubok nang sumubok hanggang sa magtagumpay. Sa aktuwal na karanasan, hindi sinusuwerte sa simula, pero sa sandali namang pinalad, magtutuloy-tuloy na ang suwerte at magagandang kapalaran.

  2. Ganundin ang nakatakda, Abdul, ayon sa iyong mga datos, sa ikalawang paglalakbay, papalarin ka na. Ito ay nakatakdang mangyari sa last quarter ng taong ito, humigit-kumulang sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre, kung saan may mabiyaya at mabungang pag-a-abroad na itatala sa iyong karanasan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page