top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 15, 2022



KATANUNGAN

  1. Wala na kaming maisip na paraan ng mister ko para makaahon sa kahirapan, makabayad sa mga utang at mapagkasya ang kanyang kinikita kundi ang mag-abroad. Kaya napagkasunduan namin na sabay kaming mag-apply. Actually, nakapag-apply na ako bilang DH sa Hong Kong at ang mister ko naman ay nag-a-apply bilang lineman sa UAE.

  2. May usapan kami na kung sino ang unang makakaalis ay siya na lang ang mag-a-abroad, habang ‘yung maiiwan ang mag-aalaga sa tatlo naming anak. Nais kong malaman kung sino sa aming mag-asawa ang unang makakaalis at makakapag-abroad?

KASAGUTAN

  1. Mabuti na pareho n’yong inilakip ang photocopy ng inyong kaliwa at kanang palad. Ang nakakatuwa, kapwa may malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) ang kaliwa at kanan n’yong palad, na indikasyon na kapwa kayo makapangingibang-bansa sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran.

  2. Ang pag-aanalisang kapwa magiging maganda ang kapalaran n’yo sa abroad ay madali namang kinumpirma ng maayos n’yong mga lagda. Ang problema lang sa lagda mo ay ang maikling krokes ng letrang “t” sa iyong aplido. Habaan mo ang nasabing krokes sa itaas na bahagi ng letrang “t”, nang sa gayun ay humaba rin ang iyong mga accomplishment at achievement sa buhay.

  3. Habang masyado namang maliit ang lagda ng iyong mister, kung saan kailangang medyo palakihin niya ang mga letra at salita rito upang lumaki rin ang kanyang mga pangarap at ambisyon sa buhay.

  4. Sa bahagyang pagbabago o inobasyon ng inyong mga lagda, tuloy-tuloy na kayong mananaig at magtatagumpay sa plano n’yong pangingibang-bansa, hanggang sa unti-unti na ring makaahon sa mga pagkakautang at umunlad nang lubusan ang inyong kabuhayan.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa inyong mga datos, Doreen, hindi na mapipigilan ang nakatakda sa susunod na taong 2023, sa buwan ng Enero at posible ring ngayong Disyembre pa lang ay matawagan na ang iyong mister, at pagkalipas ang isa o dalawang buwan, ikaw naman ang matatawagan ng iyong ina-apply-an.

  2. Sa pangyayaring kapwa kayo nakapangibang-bansa sa mapalad n’yong taon na 2023, maiiwan naman sa iyong mga magulang ang inyong mga anak, habang kayong mag-asawa ay nasa ibang bansa. Kaunting panahon lang naman ang titiisin ng inyong pamilya dahil pagkatapos ng lima hanggang anim na taon, kusa nang uunlad at magiging masagana ang inyong buhay, hanggang sa magpasya kang tumigil sa pag-a-abroad, habang si mister naman ang patuloy sa pangingibang-bansa. Sa ganitong paraan, ang dati nang maunlad na buhay ay lalo pang uunlad, yayaman at lubusan nang magiging maginhawa at masagana.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 13, 2022



KATANUNGAN

  1. Sa edad kong 31, ako ay mahiyain at takot manligaw, kaya kahit minsan ay hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Naisipan kong sumangguni sa iyo, Maestro, upang malaman kung kahit ba hindi ako manligaw, magkaka-girlfriend pa rin ako? Nakakita kasi ako ng dalawang Marriage Line sa aking mga palad. Ibig sabihin ba nito, dalawang beses akong magkakaroon ng masayang pakikipagrelasyon?

  2. Kung tama ang pagbasa ko sa aking mga palad gaya ng mga nababasa ko sa mga itinuturo n’yo, kailan magaganap ang pakikipagrelasyong nakaguhit sa palad ko at kung ang babae na bang ito ang magiging girlfriend ko?

  3. Ano naman ang palatandaan kung siya na ang nasa guhit ng palad ko na mapapangasawa at makakasama ko nang panghabambuhay?

KASAGUTAN

  1. Tama ka, Jayvee, kahit hindi ka manligaw, magkaka-girlfriend ka at ang unang magiging karelasyon mo ang posible mo nang mapangasawa, ayon sa mahaba, makapal at kitang-kita na unang Marriage Line (Drawing A. at B.1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na ang unang magiging girlfriend mo ang iyong mapapangasawa.

  2. Ngunit sa kabilang banda, magtataka at magtatanong ka kung ano naman ang ibig sabihin ng ikalawang mas maikli, hindi masyadong mahaba at hindi gaanong malinaw na ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito naman ay tanda na kahit may girlfriend o asawa ka na, magkakagusto ka pa rin sa iba at kapag hindi mo ‘yun pinigilan, posibleng may ikalawa pang babae na dumating sa iyong buhay kahit may asawa ka na.

  3. Subalit kung may dumating nga, dahil maikli at hindi rin malinaw ang ikalawang Marriage Line (2-M arrow b.), maaari kang magkaroon ng illicit love affair sa ibang babae habang may asawa ka na, pero hindi magtatagal ang nasabing relasyon.

  4. Sa halip, higit mong mapapanatili at magiging panghabambuhay ang pakikipagrelasyon mo sa iyong asawa. Kumbaga, nakipagrelasyon ka lang sa ibang babae upang maranasan ang may other woman, kaya kapag nalaman mo na hindi rin pala maganda at masaya, kusa kang makikipagkalas sa nasabing ikalawang Marriage Line (2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagpapahiwatig ng panandalian at immoral na relasyon.

DAPAT GAWIN

Sadyang mapalad ka, Jayvee, dahil ayon sa iyong mga datos, kahit hindi ka manligaw sa panahon ding ito na papalapit ang Pasko, darating ang isang babae na may zodiac sign na Cancer at may birth date na 1, 10, 19 o 28. Siya na ang magiging una at huling girlfriend mo, na sa bandang huli ay tuluyan na ring mapapangasawa na nakatakdang mangyari sa taong 2024 at sa edad mong 33 pataas.


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 11, 2022



KATANUNGAN

  1. Naisipan kong kumonsulta sa inyo sa dahilang hindi ko malaman kung ano ang mangyayari sa relasyon namin ng boyfriend ko dahil hanggang ngayon ay away-bati pa rin kami kahit magda-dalawang taon na kaming mag-on sa December 25.

  2. Iniisip ko na baka hindi kami compatible sa isa’t isa. Kaya lang, nang makita ko ang aking mga palad, isa lang ang napansin kong Marriage Line. Ibig sabihin ba nito ay siya na ang makakatuluyan ko? Kung isa lang ang Marriage Line, nangangahulugan ba ito na first boyfriend na ang makakatuluyan?

KASAGUTAN

  1. Hindi lang naman Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) ang tinitingnan sa guhit ng mga palad para sa mga relasyong short engagement lamang. Sa halip, may espesyal na lugar kung saan makikita sa guhit ng palad ang relasyon na hindi masyadong nag-iwan ng marka sa puso ng isang tao o hindi nauwi sa panghabambuhay na pagmamahalan.

  2. Kabilang na sa mga relasyong ito ang crush na hindi naman nagkaroon ng katuparan, na makikita sa Mount of Venus o Bundok ng Pag-ibig (Drawing A. at B. arrow b.), sa kaliwa at kanang palad. Anumang guhit na pahalang dito at tumawid sa Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow c.) ay kinokonsiderang pakikipagrelasyon din, ngunit hindi naman mauuwi sa pag-aasawa o panghabambuhay na pagsasama. Sa halip, ang mga Guhit ng Relasyong (Drawing A. at B. r-r arrow b.) galing sa Bundok ng Venus o Bundok ng Pag-ibig (arrow b.) ay pansamantala lamang— maaaring fling o mga naging karelasyon sa maikling panahon, maaari ring sa mahabang panahon, pero tulad ng nasabi na, kahit sa mahabang panahon ay hindi naman ‘yun nag-iwan ng “quality at meaningful relationship”, hindi ‘yun guguhit sa Marriage Line.

  3. Samantala, ang malinaw at makapal na kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) ang naghahayag na may isa pang relasyon na darating sa buhay mo at sa pagdating ng nasabing bago at totoong pag-ibig, makakasumpong at makakaranas ka na ng pangmatagalan at maligayang pakikipagrelasyon, na hahantong sa masaya at panghabambuhay nang pag-aasawa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sa mahabang buhay ng isang tao rito sa mundo, sadyang maraming relasyon ang maaaring madaanan. Ngunit sa dinami-dami ng mga pakikipag-ugnayang ito, hindi maaalis na mabibilang o bihira lamang talaga ang relasyon na nag-iiwan ng galak sa iyong buhay at sadyang tumimo talaga sa kaibuturan ng iyong puso.

  2. Ang huling relasyong binaggit sa itaas ay hindi pa dumarating sa iyo, kaya hindi ang kasalukuyan mong boyfriend ang iyong mapapangasawa. Sa halip, ayon sa iyong mga datos, Mara, may isa pang lalaking darating sa iyong buhay na nagtataglay ng zodiac sign na Libra. Sa pagdating ng nasabing lalaki, siya na ang nakikita mong kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nakatakdang mapangasawa at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page