top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 22, 2022




KATANUNGAN


  1. Mula nang tumaba ako, palagi akong tinutukso ng mga kapatid at kaibigan ko. Sabi nila, magpapayat ako para ako’y maging ligawin at makapag-asawa. Sa edad ko kasing 31, wala pa rin akong nobyo at gusto ng mga kapatid ko na magka-boyfriend at makapag-asawa na ako tulad nila. Pero kung ako lang ang tatanungin, nag-e-enjoy pa ako sa pagiging dalaga, kaya kain lang ako nang kain at kung saan-saan namamasyal. Siguro, naiinggit sila sa akin dahil hindi na sila nakakagala kasi may pamilya na sila, kaya ‘yung pagiging chubby ko ang pinupuna nila.

  2. Pero alam mo, Maestro, may nakita ako na isang Marriage Line sa aking palad na maganda at mahaba, kaya natitiyak kong makakapag-asawa rin ako sa takdang panahon at magiging maligaya, kaya hindi ako kinakabahan kahit tumaba pa ako nang tumaba.

  3. Tama ba ako, Maestro, kapag ang pag-aasawa ay nakatakda, hindi ba, kahit ano pa ang hitsura mo, siguradong darating din si Mr. Right na itinakda ng tadhana sa tamang panahon?

KASAGUTAN


  1. Medyo mali ka ru’n, Anna Liza, sapagkat hindi porke mayroon kang Marriage Line at ito ay nagsasabing nakatakda kang makapag-asawa ay pababayaan mo na ang iyong pisikal na hitsura, lalo na ang iyong figure. Sapagkat sa Developmental Psychology, may developmental stages o baitang ng pagsulong at pag-unlad ang bawat indibidwal at sa bawat stage ay may tinatawag na developmental task upang maging maligaya.

  2. Halimbawa, kung ikaw ay musmos o paslit, wala kang dapat gawin bilang developmental task sa stages na ‘yun ng iyong buhay kundi ang maglaro at mag-aral sa elementarya. Itinakda sa ganu’ng stages ng iyong buhay ang magpakasaya sa pagiging bata.

  3. Sa sandaling ang nasabing bata ay naging teenager, itinakda siyang mag-aral sa high school, kaunting laro na lang, pero maraming mga crush at karanasan sa pagpapaligaw at ligawan. Kaya naman sa ganu’ng stage ng buhay, ang kabataan ay kailangang sulitin ang sarap ng buhay ng pagiging teenager o high school life upang masabing siya ay masaya at produktibong indibidwal. Kumbaga, nag-aaral kang mabuti, paminsan-minsang naglalaro pa rin ng jack stone at nakikipagharutan sa opposite sex bilang tanda ng pagkamulat sa mundo ng seksuwalidad at pag-ibig.

  4. Kapag kolehiyo o nakapagtapos ka na, ang developmental task ay ihanda ang iyong buhay at sarili sa pag-aasawa. Kailangang may stable job ka na disente sa lipunang iyong ginagalawan upang hindi ka maging kahiya-hiya sa iyong magiging biyenan. Kasabay nito, huwag mo ring pabayaan ang iyong pisikal at emosyonal na pagkatao. Gagawin mo ito bilang preparasyon sa pinakakumplikadong baitang ng iyong buhay— ang pag-aasawa. Kailangang sa panahong ‘yun ay unti-unti ka nang nagma-mature, lumalawak ang iyong isipan at pang-unawa sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Kasabay ng nasabing pag-unlad, kung ikaw ay babae, kailangang malusog ang iyong pangangatawan at kung ikaw naman ay lalaki, dapat ay medyo balingkinitan ang iyong katawan, matikas at presentableng tingnan.

  5. Kung noong dalaga ka ay mataba ka o hindi mo isinaalang-alang ang iyong kalusugan, ibig sabihin, hindi mo pinaghandaan ang pag-aasawa, gayundin, hindi mo nagawang palawakin ang iyong isipan upang ikaw ay ganap na maging mature, huwag mong sisisihin ang kapalaran kapag iniwan ka ng iyong mapapangasawa.

  6. Sa mga lalaki naman, kung noong binata ka ay naging pasaway ka at hindi mo inalagaan ang iyong financial status, kumbaga, nasanay ka sa buhay na “easy go lucky” o hindi ka nakagradweyt sa mabarkadang buhay at nag-asawa ka, huwag mong sisihin ang kapalaran kapag hiniwalayan ka ng iyong misis.

  7. Kaya, Anna Liza, may panahon pa upang ibalik mo sa pagiging sexy at maganda ang bulas ng iyong pangangatawan. Una, hindi lang dahil para sa iyong sarili, bagkus, gagawin mo ito bilang paghahanda sa pag-aasawa at pagtatayo ng sariling pamilya. At dahil pinaghandaan mo ang nasabing baitang ng iyong developmental task, tiyak ang magaganap sa panahon ng pag-aasawa dahil habambuhay kang magiging maligaya.

DAPAT GAWIN


Kapag natupad ang kaisa-isang maganda at maayos na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, hindi mo masasabing, “Sabi kasi ni Maestro, nakatakda na sa akin ang maligayang pag-aasawa”, bagkus, masasabing bahagi ka ng takdang kapalaran upang makamit mo ang nakalaan sa iyo – ang maunlad at maligayang pag-aasawa, na nakatakdang mangyari sa taong 2025 at sa edad mong 34 pataas.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 19, 2022




KATANUNGAN


  1. Ang ikokonsulta ko sa inyo, Maestro, ay tungkol sa pag-ibig o pag-aasawa. Gusto kong malaman kung sa edad ko bang 42 ay makakapag-asawa pa ako? Nakita ko kasi sa guhit ng aking mga palad na ako ay may isa at maikling Marriage Line, na palagi n’yong tinatalakay.

  2. Pero sa totoo lang, hindi pa ako nagkaka-boyfriend sa buong buhay ko. Minsan ay umaasa pa rin ako na kahit ganito na ang edad ko, isang araw ay may darating na Mr. Right sa aking buhay. Maestro, may darating pa bang lalaki sa buhay ko, kung mayroon, saan ko siya makikilala at kailan siya darating?

KASAGUTAN

  1. Dahil Virgo ang zodiac sign mo, posibleng makilala mo ang lalaking mapapangasawa mo sa pamamagitan ng modernong komunikasyon o may kaugnayan sa komunikasyon. Maaaring ang sitwasyon ay maging textmate mo siya, magiging friend sa Facebook, makilala mo siya habang nagti-TikTok o YouTube at sa iba pang social media platform na usong-uso ngayon.

  2. Ang key word para sa mga Virgo ay “communication” at “transportation”. Kaya bukod sa komunikasyon, puwede mo rin siyang makilala habang naglalakbay ka, maaaring nakasakay ka sa pampublikong sasakyan, barko, eroplano atbp.

  3. Samantala, tama ka dahil may kaisa-isang Marriage Line (Drawing A, at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang problema, medyo maikli ang nasabing guhit at hindi masyadong kumapal. Ibig sabihin, nakatakda rin sa kapalaran mo ang posibilidad ng pagtandang dalaga. Gayunman, palagi nating sinasabi na ang isang indibidwal ay kailangang maging kabahagi o kasalungat ng kanyang takdang kapalaran kung siya ay nagtataglay ng strong will power, na nakikita naman sa napakalaking bahagi ng itaas na hati ng hinlalaki (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Ibig sabihin, kahit 42-anyos ka na ngayon, kapag ginusto mong mag-asawa, magagawa mo ‘yan dahil tulad ng nasabi na, bukod sa may Marriage Line (arrow a.) ka naman sa kaliwa at kanan mong palad, nagtataglay ka rin ng strong will power (arrow b.), na kinumpirma ng birth date mong otso (8), na isang strong number.

  5. Ito ay tanda rin na matigas ang iyong ulo at minsan ay buo ang iyong loob, hindi mo lang ito masyadong sinasanay. Pero kapag sinanay mo ang pagiging matigas ang ulo at makulit sa kagustuhang makapag-asawa, walang magagawa ang nakatakdang kapalaran kundi pag-asawahin ka.

DAPAT GAWIN

Marionette, ang nasabing pag-aasawa, na ikaw din ang gagawa at magpapasya, ayon sa iyong mga datos na kinumpirma ng maikli mong Marriage Line (1-M arrow a.), pero malaki at matabang itaas na bahagi ng hinlalaki (arrow b.), magagawa mo itong matupad sa taong 2024, sa buwan ng Mayo o Oktubre at sa edad mong 44 pataas.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 16, 2022




KASAGUTAN

  1. Tama ka, straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) ang namataang guhit sa iyong mga palad, na sinabayan ng paghinto ng Fate Line o Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na pansamantalang pagkawala ng hanapbuhay o trabaho ang magtutulak sa iyo upang magbago ka ng linya. Mula sa dating pangkaraniwang manggagawa o trabahador, ang luminaw, kumapal at humabang Business Line o Guhit ng Negosyo (Drawing A. at B. N-N arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, ang kumumpirma na ang mangyayari sa kapalaran mo ay “change of career” o pagbabago ng linya.

  2. Ibig sabihin, kung noon ay sumusuweldo ka tuwing sasapit ang ika-15 at katapusan ng buwan, sa bagong linya, bukod sa wala ka nang amo, ang tubo o balik ng iyong puhunan ay matatanggap mo na araw-araw. At kapag pinaikot mo nang pinaikot ang nasabing tubo araw-araw, mabilis na lalago ang papasukin mong negosyo.

  3. Ayon sa zodiac sign mong Libra, may kaugnayan sa produktong pagkain ang maiisipan mong negosyo at dito ka unti-unting uunlad hanggang sa yumaman. Sa panahong tinuran, tuluyan nang matutupad ang nais sabihin ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Dahil sa pagiging praktikal, masinop sa kabuhayan at pagmamahal sa salapi, gayundin sa negosyo na iyong sisimulan, kusa ka nang uunlad at yayaman.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sabi ng bida isang pelikula, “Kapag minamahal mo ang salapi, kusa itong lalapit sa iyo at dadami nang dadami. Kaya sa tuwing makakahawak ng perang papel ang bida, inaamoy-amoy pa niya ito bago ipasok sa kanyang kahadiyero.”

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Rainier, sa taong ito at sa buwan ng Nobyembre, habang papalapit ang Pasko, bagong hanapbuhay o negosyo na may kaugnayan sa produktong pagkain ang madidiskubre at masisimulan mo.

  3. Sa negosyong nabanggit, katuwang ang iyong may bahay na isinilang naman sa zodiac sign na Sagittarius at may birth date na 14, tiyak ang magaganap, sa pamamagitan ng bagong source of income at pagpapairal ng pagmamahal sa salapi, unti-unti na kayong uunlad at yayaman. Pagkalipas ng pito hanggang walong taong pagnenegosyo, sa taong 2029 at sa edad mong 55 pataas, magaganap ang nais ipahiwatig ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad — kusa na kayong yayaman.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page