top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 18, 2023




KATANUNGAN


  1. Kasambahay ang hanapbuhay ko at bukod sa maliit ang suweldo ay hirap pa ang aking katawan. Kaya sabi ng boyfriend ko, tumigil na ako sa trabahong ito at magpakasal na kami dahil may maganda naman siyang trabaho sa cruise ship.

  2. Hindi ba, Maestro, hindi naman masama kung paghahandaan ko na ang sarili kong future kaysa puro na lang bigay sa pamilya kong nasa probinsya, na hanggang ngayon ay sa akin pa rin umaasa?

  3. Minsan tuloy, naiisip kong tama ang boyfriend ko na asikasuhin ko naman ang aking sarili, tutal mahabang panahon na akong nagsilbi sa aming pamilya. Kaya sa panahon ngayon, hindi naman siguro masama kung sarili ko naman ang aayusin ko at maghanda sa pag-aasawa.

  4. Gusto ko ring malaman kung kami na ba ng boyfriend ko ang magkakatuluyan at kung oo, habambuhay na ba ito at magiging maunlad ba ang itatayo naming pamilya?

KASAGUTAN


  1. Mas mainam na paglaanan mo ng panahon ang iyong future at hindi ‘yung tulong ka nang tulong sa pamilya mo sa probinsya na umaasa na lang sa iyo, sa halip na mabuhay sila sa sarili nilang paraan at pagsisikap.

  2. Samantala, kayo na ng kasalukuyan mong boyfriend ang posibleng magkatuluyan, kung saan ito ang nais sabihin ng kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na kung mahabang panahon na ring may namagitan sa inyo ng iyong boyfriend at dama mong quality relationship naman ang pinagsasaluhan n’yo, walang alinlangan na sa bandang huli, ang nasabing samahan ay mauuwi na rin sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, na madali namang kinumpirma ng maganda at maayos ding Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Ito ay tanda ng dahil nagtiis ka ngayon habang ikaw ay dalaga, alang-alang sa iyong mga magulang at kapatid, gayundin, nagsikap at nagtrabaho ka para sa kanila, darating naman ang panahong kapag nag-asawa ka na, bilang ganti ng tadhana sa mga ginawa mong kabutihan sa iyong pamilya, pagpapalain ka ng langit at magkakaroon ka ng maunlad at maligayang pagpapamilya habambuhay.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Mercy, ang mga paghihirap at paglilingkod na ginawa mo sa iyong pamilya sa probinsya ay nakatakdang gantimpalaan ng Maykapal.

  2. Siguradong sa panahon ng iyong pag-aasawa, makakasumpong ka ng maligaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya, na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2024, sa buwan ng Hunyo at sa edad mong 29 pataas (Drawing A. at B. 1-M arrow a.), hatid ng kasalukuyan mong boyfriend na nagtataglay ng zodiac sign na Libra.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 15, 2023




KATANUNGAN


  1. May aplikasyon ako ngayon sa abroad bilang domestic helper (DH) sa Kuwait, pero nagdadalawang-isip ako kung tutuloy ba ako o hindi dahil ang sabi sa akin ng agency ay Arabo ang magiging employer ko.

  2. Dahil dito, hindi pa man ako natutuloy ay nauunahan na agad ako ng takot at pag-aalala. Gusto kong malaman kung may maganda ba akong kapalaran sa Kuwait, at kahit pamilyang Arabo ang magiging amo ko, hindi ba ako mapapahamak?

KASAGUTAN


  1. Alam mo, Rica, ‘yung kapahamakan, lalo na sa career at pagtatrabaho sa ibayong-dagat, nakikita ‘yan sa guhit ng mga palad. Kung wala naman nito sa kaliwa at kanan mong palad, sentido kumon na wala kang dapat ikatakot.

  2. Pansining maganda at okey naman ang Fate Line o Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa iyong pagtatrabaho, anuman ang pinagkakaabalahan mo, siguradong kumbaga sa naglalayag sa karagatan, very smooth sailing ang magiging biyahe ng iyong buhay. Ibig sabihin, walang magiging problema sa iyong career at trabaho kahit saang panig ka pa ng mundo mapadpad.

  3. Dagdag pa rito, kapansin-pansin din ang malinaw, malawak at magandang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit Chinese, Greek, Palestino, Indiano, Israelita o Arabo pa ang magiging employer mo sa abroad, sigurado na magkakaroon ka ng mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa. Ito ay madali namang kinumpirma at pinatunayan ng hindi nababoy, nasira o naburara mong lagda. Sa halip, ang suwabeng-suwabe at maganda mong signature ang nagsasabing sa pakikipagsapalaran sa ibayong-dagat, tulad ng naipaliwanag na, kahit ano’ng nasyonalidad ang maging employer mo, walang duda na papalarin, susuwertehin at magtatagumpay ka.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Rica, ‘wag kang mag-alinlangan sa iyong kakayahan at ginagawa sa kasalukuyan. Ngayon ay panahon upang suwertehin ka nang suwertehin sa iyong pangingibang-bansa.

  2. Kahit sabihin pang Arabo ang magiging amo mo, tiyak na magkakaroon ka pa rin ng masagana at mabungang pangingibang-bansa. Ito ay nakatakdang mangyari sa taon ding ito ng 2023, sa buwan ng Hunyo o Hulyo at sa edad mong 32 pataas.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 10, 2023




KATANUNGAN


  1. Nag-aaral ako ng Nursing ngayon. Gusto kong malaman kung makakatapos ba ako ng pag-aaral at makakapasa sa nursing board exam, kahit ngayon ay hirap na ang pamilya ko sa pagpapaaral sa akin, dahil malaki ang gastos at may iba pa akong mga kapatid na nagsisipag-aral din tulad ko.

  2. May isa pa akong concern tungkol sa aking love life. May boyfriend ako ngayon at tatlong taon na ang relasyon namin. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung siya na ba ang makakatuluyan ko.

KASAGUTAN

  1. Iisa lang ang namataang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na walang duda, kung sabi mo ay tatlong taon na kayong nagmamahalan ng boyfriend mo at nagkataong isinilang siya sa buwan ng Hunyo at ikaw naman ay isinilang sa buwan ng Disyembre, tiyak ang magaganap – kayo na ang magkakatuluyan.

  2. Habang ang tuwid at maganda ring Fate Line na tinatawag ding Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabi na siguradong makakatapos ka ng pag-aaral, sapagkat ang nasabing Fate Line ay madali namang nakarating sa Bundok ng Tagumpay (arrow c.).

  3. Tanda na sa kursong Nursing, tulad ng iyong inaasahan, magtatagumpay ka at magkakaroon ng maunlad na propesyon balang-araw. Ang pag-aanalisang makakapasa ka rin sa board exam ay madali namang kinumpirma ng Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow d.), na nakatuntong sa Bundok ng Katuparan (arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito naman ay tanda na isang kuha lang ng board exam, basta walang magiging problema sa aspetong pampinansyal, walang mintis dahil maluwalhati kang makakapasa.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Ayon sa iyong mga datos, Marianne, nakatakda na ang magaganap dahil siguradong makaka-gradweyt ka ng Nursing kahit medyo tag-hirap ang buhay n’yo sa kasalukuyan at nakatakda ring ikaw ay papasa sa Nursing board exam sa taong 2027 at sa edad mong 25 pataas.

  2. Habang paglipas ng ilang taon, ang kasalukuyan mong boyfriend ang nakatakda mong makatuluyan at ang pag-aasawang ito ay inaasahang itatala sa taong 2029 at sa edad mong 27 pataas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page