top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | August 16, 2023




KATANUNGAN

  1. Napansin kong may magandang Travel Line ang aking palad kaya naisipan kong mag-apply sa abroad. Hindi lang ako sure kung matatawagan ako at susuwertehin akong makaalis. Gusto ko sanang malaman kung may magandang kapalaran kaya ako sa pangingibang-bansa?

  2. Ang pangalawa ko namang itatanong ay hinggil sa personal life ko. 32-anyos na ako at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging boyfriend na seryoso at pangmatagalan.

  3. May boyfriend ako ngayon at magtu-two years na ang aming relasyon, kaya lang ay bihira kaming magkita dahil sa social media ko lang siya nakilala at bihira rin siyang mag-online.

  4. Matutupad kaya ang mga plano kong makapag-abroad at magkaroon ng pangmatagalang boyfriend? Makakapag-asawa at magkakaroon pa kaya ako ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya?


KASAGUTAN

  1. Sadyang may malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, malaki ang pag-asa na makapag-abroad ka at sa nasabing pangingibang-bansa, unti-unting gaganda ang buhay mo sa aspetong pangpinansyal hanggang sa makaipon ka at tuluy-tuloy na uunlad ang iyong career at kabuhayan.

  2. Ang pag-aanalisang may positibong resultang magaganap sa inaaturga mong pag-a-apply sa abroad ay madali namang kinumpirma ng lagda mong tuluy-tuloy na gumuhit patungo sa direksyong kanan na tila lumilipad sa kalawakan. Ibig sabihin, ngayon pa lang, nasasagap na ng unconscious mong isipan ang tinatayang mangyayari sa hinaharap - may isang mabunga at produktibong pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran.

  3. Hinggil naman sa iyong love life, nakakatuwang makitang iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung sinuman ang lalaking una mong boyfriend, sa bandang huli siya na rin ang nakatakda mong mapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

  4. Ang pag-aanalisang magiging successful at maligaya ang inyong relasyon ng unang lalaking magiging first boyfriend mo ay madali namang kinumpirma ng walang bilog, hindi napatid at tuluy-tuloy ding gumuhit na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) na tuluyan ding sumampa sa Mount of Jupiter (arrow d.) na tinatawag nating Bundok ng Kaligayahan (arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, hindi ka lang sa pag-a-abroad susuwertehin, bagkus makalipas ang nasabing pangingibang-bansa, susuwertehin ka rin sa larangan ng pag-ibig at pagpapamilya.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang ayon sa iyong mga datos, Yvette, tiyak na ang magaganap, sa unang hati o sa first quarter ng susunod na taong 2024 may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran.

  2. Pagkalipas ng isa o dalawang taon pa, sa year 2025 o kaya'y 2026, sa edad mong 33 pataas, magkakaroon ka ng boyfriend na makikilala mo sa ibang bansa, ang seryosong pakikipag-boyfriend na ito hindi magtatagal ay hahantong na rin sa isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya sa taong 2027 sa edad mong 36 pataas.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | August 14, 2023




KATANUNGAN

1. Ako ay isang teacher, 37-anyos, gusto ko na sanang mag-asawa. May boyfriend ako kaya lang ay mas bata siya sa akin ng tatlong taon at nasa abroad siya ngayon nagtatrabaho bilang isang seafarer.

2. Ang problema ko ay ‘di pa raw siya handang mag-asawa dahil gusto niya muna umanong magbuhay binata.

3. Maestro, sa palagay mo ba, mahal ako ng lalaking ito? Bakit parang wala siyang balak na pakasalan ako, kahit na 34-years-old na siya?

4. Kailan kaya ako makakapag-asawa? At kung makakapag-asawa ako, ito na kayang boyfriend ko o may darating pang iba? O baka naman tatanda na lang akong dalaga?

KASAGUTAN

  1. Hindi ka tatandang dalaga Abbie, sapagkat nagtataglay ka ng dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, dalawang beses kang magkakaroon ng karelasyon at ang dalawang relasyong ito ay kapwa malalim talaga. Ngunit sa kabilang dako, bagama’t maikli at medyo hindi naman kalinawan ang unang Marriage Line (1-M arrow a.) na nangangahulugang hindi gaanong magtatagal ang unang pakikipag-boyfriend mo na maaaring siya na nga ang nararanasan at nararamdaman mo sa ngayon. Kaya ang tanong pang-ilang seryosong boyfriend mo na ba ang kasalukuyan mong boyfriend na nasa abroad?

  2. Kung una pa lang siyang boyfriend mo sigurado na ang magaganap hindi siya ang makakatuluyan mo (arrow a.), na siya ring nais sabihin ng bahagyang nagkabilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Larawan ng isang pag-ibig, paglipas ng ilang mga taon pa, darating ang ikalawang lalaki na kakatok sa puso mo, (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) na sa sandaling iyong pinapasok, ay siya na ngang mapapangasawa mo at makakasama mo sa pagbuo ng isang mas maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

MGA DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos Abbie, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2024, magkakahiwalay na kayo ng kasalukuyan mong boyfriend, at paglipas ng isang taon, sa 2025 sa edad mong 39 hanggang 40, abot na abot sa huling biyahe, magkaka-boyfriend kang muli hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra hanggang sa tuluyang makapag-asawa at magkaroon ng isang simple pero masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | August 13, 2023




KATANUNGAN

1. Nag-a-apply ako ngayon sa abroad pero ‘di ko sure kung makakaalis ako kaya naisipan kong sumangguni sa inyo.


2. Maestro, maaari mo bang i-check ang aking palad? Kinakabahan kasi ako na baka mabiktima ako ng illegal recruiter kahit na relatives namin ang may-ari ng agency, nag-aalinlangan ako lalo na’t malaking pera na rin ang nailalabas ko.


3. Sa palagay mo ba Maestro, makakaalis ako at magiging maganda kaya ang buhay ko sa Israel bilang isang caregiver?

KASAGUTAN

1.Wala namang problema, sapagkat may malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay maliwanag na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang ang itatala sa iyong karanasan na madali at agad namang kinumpirma ng iyong lagda na bukod sa mahaba, tuluy-tuloy na gumuhit ng hindi napapatid ang mga dugtungan.


2. Dagdag dito, kapansin-pansin na ang iyong lagda o pirma ay umangat ring papataas na tila lumilipad sa langit. Malinaw na tanda na ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious mong kaisipan, ang posibleng magaganap sa hinaharap, isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang iyong mararanasan.


3.Habang ang zodiac sign mo namang Capricorn, ay nagsasabing susuwertehin kang makaalis sa buwan ng Abril o Mayo sa susunod na taong 2024.

MGA DAPAT GAWIN

1.Tunay ngang sa pag-a-apply sa abroad, hindi maiiwasang may minamalas at may sinusuwerte. At kung halimbawang matuloy ka sa pag-a-abroad at nasa ibang bansa ka na, ang nakakalungkot hindi mo pa rin matiyak o walang kasiguraduhan kung ano naman kaya ang magiging buhay o magiging karanasan mo sa bansang iyong napuntahan.


2. Ito ang kahalagahan kung bakit dapat ipasuri ang kaliwa at kanang palad, partikular sa Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) upang minsan pa ang mga pagsusuring ito ay maging gabay o garantsa sa pakikipagsapalaran sa ibayong dagat kung ito ba ay magiging mabunga o hindi.


3.Samantala, ayon sa iyong mga datos Eya, tiyak ang magaganap kung saan, hindi ka dapat kabahan at mag-aalala, dahil malaon na ngang nakatakda sa iyong kapalaran ang isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2024, sa buwan ng Abril o kaya’y Mayo sa edad mong 28 pataas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page