top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | August 30, 2022




KASAGUTAN

  1. Kahit sabihin pang Taong Singko (may mga birth date na 5, 14 at 23) o Taong Otso (8) (may mga birth date na 8, 17 at 26) ka, kung hindi naman tumutugon ang Head Line (Drawing A. at B. H-H) sa inyong kapalaran, hindi o malabo pa ring yumaman ang isang indibidwal. Sapagkat ang pag-aanalisa sa Numerology, gayundin sa Astrology ay dapat makumpirma ng datos mula naman sa guhit ng mga palad upang masabing 100% tugma ang pag-aanalisa ng kapalaran, higit lalo sa tanong kung yayaman ba ang isang tao.

  2. Sa kaso mo, Orly, kapansin-pansin kasing very sloping ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ibig sabihin, ikaw ay taong hindi naman materyoso at kulang din sa diskarteng praktikal. Kumbaga, marami kang gustong gawin at ambisyon, pero hindi mo naman magawa agad at palagi kang may alinlangan na ito ay mabilis ding maipatupad. At masasabing kaya naging sloping ang Head Line (arrow a.) ng isang indibidwal, sa totoo lang, medyo nabubuhay at masaya na siya sa mga plano at pangarap na wala namang katuparan.

  3. Dagdag pang nakasama sa guhit ng iyong palad ang nahulog na Business Line at Career o Fate Line (Drawing A. at B. B-B arrow b. at F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na bagama’t malimit ka ring makahawak ng malalaking halaga ng salapi, madali mo naman itong nailalabas. Sa halip na ipunin at ibulsa, ginagastos mo ito agad hanggang sa ikaw ay masimot. Dahil dito, nabaon ka sa utang, at tunay ngang hindi mo minamahal ang bawat piso o sentimo na iyong nahahawakan, kaya kahit paulit-ulit pang sabihin sa Numerology na ang mga Taong Singko ay yumayaman, hinding-hindi ito mangyayari sa iyo dahil hindi katugma ng numero mong 5 ang guhit sa iyong mga palad.

  4. Kaya kung gusto mong yumaman, dapat ngayon palang ay pairalin mo na ang iyong pagiging praktikal at matututo kang magsinop ng kabuhayan at mag-ipon. Sa ganyang paraan, maaaring matupad ang sinasabi ng Numerology, kung saan sa edad mong 50, ngayong 2022 hanggang 2023, mararamdaman mo na unti-unti ka nang yumayaman.

DAPAT GAWIN

Halimbawa, hindi mo sinunod ang mga mungkahi sa itaas, ang susunod na tanong ngayon ay, “Kung hindi ka yayaman, sino ang yayaman at paano ka makakaahon sa mga pagkakautang?” Maghanap ka ng isa sa mga anak mo na may straight Head Line (H-H arrow d.) at hindi nahulog sa pagitan ng mga daliri ang Fate Line o Business Line (arrow e). Kung sinuman sa mga anak mo ang nagtataglay nito, kahit ano pa ang hawak niyang numero, mas malamang na ang guhit pa rin ng kanyang palad ang matutupad – anak mong ito ang yayaman at mag-aahon sa inyo sa kahirapan.


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | August 28, 2022




KATANUNGAN

  1. Hiwalay ako sa asawa, apat na taon na ang nakakaraan at mula noon, nagka-boyfriend ako, pero hindi rin kami nagtagal. Sa ngayon, single ako dahil maingat na maingat na ako. Iniisip ko kasing baka mag-boyfriend ulit ako at pagkatapos ay hindi ko na naman makatuluyan, kapag ganu’n, parang binababoy ko lang ang sarili ko.

  2. Gusto ko, kapag nagka-boyfriend ulit ako, siya na ang panghabambuhay kong makakasama. Kaya naman sa edad kong 37, alam kong hindi na ako bumabata, pero parang walang nangyayari sa buhay ko kung hindi ako magkakaroon ng isang maayos na pamilya.

  3. Matutupad pa ba ang simpleng pangarap kong ito na magkaroon ng simple pero masayang pamilya, kung oo, kailan ito mangyayari?

KASAGUTAN

  1. Alelie, kapansin-pansin na may ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nangangahulugang may ikalawang pag-aasawa o pakikipagrelasyon pang darating sa iyong buhay at dahil higit na malinaw at makapal ang pangalawang Marriage Line na ito (arrow a.) kung ikukumpara sa maikli at manipis na unang Marriage Line (1-M arrow b.). Ito ay nagpapatunay na sa ikalawang pakikipagrelasyon, mas magiging maligaya ka at posibleng maging panghabambuhay na.

  2. Ang problema lang, ang magulo at nababoy mong lagda, na kung hindi mo babaguhin, posibleng kahit makapag-asawa ka muli, magiging magulo rin ang kauuwiang relasyon. Dahil sa kasalukuyan, magulo ang unconscious mong pagkatao na nagre-reflect sa iyong pirma. Kaya bago ka maghanap ng bagong boyfriend o asawa, ayusin at pagandahin mo muna ang iyong lagda.

  3. Madali lang baguhin at pagandahin ang lagda mo kung hindi mo ito bababuyin. Magagawa mo ‘yan kung hindi mo na ibabalikwas patungong kaliwa ang pinakapaa ng letrang “a”. Sa halip, tapusin ang pinakapaa ng letrang “a” sa pamamagitan ng tuwid o straight line patungo sa direksyong kanan. Sa ganyang simple at maayos na lagda, magkakaroon ka rin ng simple, maayos at maligayang pagpapamilya.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Alelie, baguhin mo muna ang iyong lagda. Ayusin at pagandahin mo ‘yan at sa sandaling nagawa mo, tiyak ang magaganap, ayon sa iyong Love Calendar, sa susunod na taong 2023 at sa edad mong 38 pataas, hindi pa huli ang lahat — may lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Taurus ang muling darating na makakasama mo sa pagbuo at pagtatayo ng mas maligaya at panghabambuhay na pamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | August 24, 2022




KATANUNGAN

  1. May crush ako, pero may pagka-torpe at mahiyain siya. Nasa guhit ba ng mga palad ko na siya ang magiging first boyfriend ko? Malapit na akong mag-20 years old sa December, pero kahit minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend.

  2. Sabagay, marami naman akong manliligaw, pero hindi ko naman sila gusto. Ang isa kong crush ay classmate ko noong elementary, pero hindi ko alam kung bakit hindi niya yata napapansin ang beauty ko o likas siyang mahiyain. Kaya minsan, hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili kung may crush din ba sa akin ang lalaking ito?

  3. Maestro, dapat ba akong umasa o makipagrelasyon sa iba kahit hindi ko siya type? Pero parang hindi ko naman magagawa dahil minsan lang ako nagka-crush at siya na talaga ang gusto kong maging boyfriend. Matutupad ba ang pangarap kong ito?


KASAGUTAN

  1. Kung ang sinasabi mong lalaki ay isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, Gemini o May ang kapanganakan at may birth date na 5, 14, 23, 9, 18, 27, 7, 16 at 25, tiyak ang magaganap, ayon sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, sa taon ding ito ng 2022, magiging boyfriend mo siya.

  2. Ang pag-aanalisang walang gaanong kabiguan sa pag-ibig na itatala sa iyong kapalaran ay madali namang kinumpirma ng maganda, walang bilog at hindi nalatid na Heart Line (Drawing A at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na hindi ka naman mabibigo sa aspetong emosyon o damdamin. Bagkus, ang totoo, ang nakatuntong na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa Bundok ng Jupiter na tinatawag ding Bundok ng Kaligayahan (arrow b.) ay nagsasabing isang romantikong pag-ibig at masayang pakikipagrelasyon ang nakalaan sa iyo.

  4. Ang mas maganda pa, ang kaisa-isang malinaw, mahaba at makapal ding Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabing, ang unang seryoso, meaningful at puno ng kaligayahang pag-ibig at pakikipagrelasyon ang siya na ring makakatuluyan at mapapangasawa mo.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Sa aktuwal na pangyayari sa ating buhay, masasabing bihirang-bihira lang na may crush sa isa’t isa ang nagkakatuluyan dahil sa panahong teenager ang nasabing mga indibidwal, kapag may crush ka sa isang babae o lalaki, para bang nahihiya kang kausapin at makipagkuwentuhan sa kanya. At dahil likas kang mahiyain sa iyong crush at nahihiya rin sa iyo ang crush mo, napupurnada ang mabubuo at magiging maligayang relasyon.

  2. Ngunit sa sitwasyon mo, Elliyah, masasabing sinusuwerte ka dahil ayon sa iyong mga datos, ang kasalukuyang crush mo ang iyong magiging boyfriend bago sumapit ang Pasko ngayong taon, na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, sa buwan Oktubre o Disyembre magaganap at unti-unting mabubuo ang nakakikilig at masayang relasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page