- BULGAR
- Aug 14, 2020
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 14, 2020

Napakarami sa panahon ngayon ng pandemya ang nangangailangan ng donasyon sa mga organs partikular na sa plasma na nanggaling sa mga gumaling na pasyente ng coronavirus disease.
Ang organ transplant, ibig sabihin ay ang bagong pantawid-buhay ng mga taong kailangan ng puso, atay, baga o kaya ay ng plasma mula sa dugo o iba pang mahalagang parte ng katawan.
Kung noong wala pang pandemya ay may 10,000 o higit lang na mula sa ahensiya ng kalusugan ang nangangailangan ng donasyong human organs kung saan ay ilang daan din ang pumapanaw dahil sa kakulangan o hindi natanggap ang kailangang organ, higit lalo ngayong nag-triple ang pangangailangang organo.
Kahit anong edad ay puwedeng maging organ donor, iyong pakiramdam nila ay may kakayahan sila na iligtas ang buhay ng iba bago pa man bawian ng buhay ang mga ito.
1. MATULUNGAN ANG MAHIHIRAP. Magbigay ng tulong para sa mga mahihirap bilang mga organ donor. Anuman ang kanilang buhay at antas ng pamumuhay, kailangan din ng marami sa kanila ang madonasyunan ng plasma o iba pang organs na kailangan nila.
2. BIGYAN ANG MGA BATA NG TSANSANG MABUHAY. Bigyan ang mga bata o kabataan ng bagong tsansa na mabuhay bilang isang organ donor. Marami ring bata sa ngayon ang nangangailangan ng kidney, heart transplant, eye organ lalo na ang plasma laban sa COVID-19. Ang mata bilang partikular ay mula sa mga naaksidenteng indibidwal na agaw-buhay na rin at ang kanilang mga mata ay puwedeng i-donate ng mga naiwang mahal sa buhay.
Bagamat ang pagbibigay ng desisyon para i-donate ang parte na iyan ay napakahirap para sa buong pamilya, pero mahalaga pa ring nakagawa ng napakalaking kabayanihan at tulong ang buong pamilya, sang-ayon sa kaalaman ng kanilang mahal sa buhay na nasa bingit ng kamatayan.
3. BALEWALA ANG EDAD. Tulungan ang ibang tao sa anumang edad kung magiging isang organ donor. Ang mga bata o nasa edad mang mga tao ay puwedeng mag-donate ng organs, posibleng makapagligtas ng buhay ng iba sa anumang kagaanan o estado sa buhay. Ang mga kababaihan maging ang mga bagong silang na sanggol at mga matatanda ay puwede pa ring maging donors. Ang mga taong wala pa sa edad 18 ay kailangan ng parental consent kaya kailangan nilang banggitin ang bagay na ito sa kanilang mga guardian para matiyak na ang kanilang kahilingan ay maisakatuparan upang makapag-donate.
4. PANATAGIN ANG LOOB NG IBA SA ORAS NG PAGDURUSA. Mapapanatag mo ang loob ng iyong loveones kung magiging isang organ donor ka. Tulad halimbawa ng iyong paggaling mula sa COVID-19, walang kahalintulad na kabayanihan at pagiging isang mapagmalasakit na tao ang iyong nagawa kapag nagkaloob ka ng iyong plasma para sa napakarami pang nangangailangan nito. Gaya rin iyan ng pagdo-donate ng baga o mata na magpapaibayo sa buhay ng iyong kapwa. Ang iyong positibong pagtulong ay makatutulong sa mga naiwang pamilya bagamat hindi man nakaligtas ang kanilang loveones ay hinding-hindi ka nila makakalimutan.
Ang kanyang pamilya ay nakatatanggap ng dakilang kapanatagan at nagkakaroon ng positibong pagtanggap kahit na namatay ang kanilang mahal sa buhay mula sa sakripisyong ibinigay mo dahil sa pag-donate ng organ, nagawa mong makatulong sa iba pang tao.






