top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 17, 2020




Maihahalintulad ang isang pamilya sa isang pugad ng ibon. Kapag oras nang lumipad ng mga inakay, lilipad at lilipad ang mga iyan. Dito dapat na maging matatag ang mga magulang, kaibigan at ang nananatiling pagmamahal kung lumipad at umalis na ang mga ito mula sa kanilang pugad at muling magbubuo ng sarili nila. Dito sa artikulong ito, tatalakayin ang mga paraan kung paano kakayanin ng magulang ang ma-miss ng sobra ang mga anak.

  1. Manatiling makipag-usap sa pamilya. Dapat kahit paano ay mayroon kang cellphone para ang iyong mga anak na lalaki at babae ay magkaroon ng tsansa na makausap mo kahit lingguhan. Okey lang ang text at tawag, pero mas mainam pa rin ang e-mail o messenger sa lahat at nauuso na rin ang online zoom meeting or kahit sa gmail ay may meeting drive para magkikita at magkakausap pa rin kayo sa pamamagitan ng video messages.

  2. Magtatag ng bagong pakikipagkaibigan. Ang mga kaibigan ay isang mahalagang parte ng iyong pagbabago mula sa full time parent, mga taong walang kasama sa bahay. Lumabas at magpakilala sa bagong kaibigan. Maaaring may iba ring katulad mo na naghahanap din ng iba pang mga kaibigan.

  3. Magkaroon ng bagong hobby o interes para malibang ka gaya ng pagpipinta, photography o iskultura. Magbalik sa eskuwelahan. Muling magsimula ng bagong career.

  4. Alisin ang ibang kalat, pero ingatan na mailagay sa isang ligtas na storage ang mga kagamitang iniwan ng mga anak.

  5. Tumanggap ng suporta. Makipag-usap sa propesyonal. Mainam na may makausap ding may ganyang kaso at malaman sa kanila kung ano ang kanilang sikreto para mapawi ang kalungkutan.

  6. Mainam na ideya na magsimulang magplano at maghanda bago pa man dumating ang oras na magsialis ang mga anak at magkaroon ng sariling pamilya.

  7. Kailangang asahan na magbabago ang relasyon sa mga anak sa sandaling sila ay tumatanda na at magkaroon ng sariling buhay.

  8. Isipin ang ilang positibong puntos kung bakit magsasarili na ang mga anak:

  9. Mapapansing hindi na rin kailangang punuin ng pagkain ang refrigerator.

  10. Tiyak na madaragdagan ang sweetness mo sa iyong asawa.

  11. Kung dati ikaw ang naglalaba ng kanilang damit, ngayon ay damit na lang ninyong mag-asawa ang iyong lalabhan at paplantsahin.

  12. Maliit na rin ang babayaran ninyo sa tubig, phone at kuryente.

  13. Kung gusto mo ay mag-alaga ka ng mga aso o pusa, pampaibsan din sila ng kalungkutan.

  14. Lumahok sa kawanggawa. Ang paggawa ng isang bagay na positibo sa libreng oras ay masarap damhin.

  15. Kung ang mga anak ang tanging bonding force ninyong mag-asawa, kayong mag-asawa ay kailangang magtulungan na hindi malungkot.


Sa ilang kaso, hindi lang ang inyong relasyon ang nasa gusot . Kapag napalayo na ang mga anak na babae, maaring agad siyang malulungkot. May ilang kaso ay malubha depende kung gaano siya ka-close sa kanyang anak. Pero kaya ninyong mag-asawa na magtulungan. Darating din ang time na mawawala rin ang kalungkutan. Alam din ng isang ina na darating ang araw lilipad din ang kanyang mga inakay. Pero napakahirap lumayo sa kanila. Natatakot kasi ang nanay na hindi na nila makikita ang mga anak. Oo, unawain na para iyang isang kutsilyong isinaksak sa puso. Kaya dapat maging mapagpasensiya ang mga anak sa kanilang ina. Magiging okey din siya. Mga nanay, makikita n’yo rin sila, oo, masakit. Pero kailangan nilang lumago. Gusto rin kasi nilang maranasan ang buhay. Ang atin lang magagawa para sa kanila ay dapat nandiyan ka lagi, makinig at mahalin sila.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 16, 2020




Ang oras sa panalangin ay isang napakahalagang bahagi ng espirituwal na paglakad tungo sa Diyos. Ito ang paraan upang makipag-usap nang diretso sa Maylikha at pag-ibayuhin ang personal na relasyon sa Kanya.


Marami ang parang naiilang na manalangin nang malakas at makipag-usap sa Diyos dahil sa tingin nila kapag walang kasamang mahal sa buhay o ibang tao ay ‘di nila magagawa ito.


Nahihirapang umusal ng anumang salita kung wala rin lang ibang makikitugon sa pananalangin. Ang isang malakas at epektibong oras ng panalangin ay maaaring mahasa kung pag-iibayuhin ang paraan kung paano umpisahan ang panalangin.

1. Magkaroon ng espesipikong oras at lugar na makapanalangin. Konsiderahin na ang magkaroon ng appointment at markahan ito sa kalendaryo para sa isang reserbang oras. Pahalagahan ang appointment at dapat walang excuses na kanselahin ito.


2. Iwasan ang mga sagabal habang nasa oras ng panalangin. Sabihan ang kasambahay na bantayan ang mga bata at huwag mag-iingay at maglalaro. I-off ang lahat ng telebisyon, radyo, cellphone at telepono. Ang panalangin ay isang sagradong oras at kailangan ng buong atensiyon at konsentrasyon.


3. Pagmuni-munihin ang mga salita sa Bibliya, awitin o tula para matulungan ka na maihanda ang isipan para sa panalangin sa pagpili ng paksa na may kaugnayan sa nais na ipanalangin. Ang maayos na pag-iisip ay nagpapaibayo sa oras ng iyong panalangin at para makapagkonsentra sa pokus na pakikipag-usap sa Maykapal.


4. Gumawa ng listahan ng mga bagay na gusto mong ibilang sa iyong panalangin. Magpasalamat sa mga biyayang mayroon ka. Gumawa ng requests sa sarili at ibilang din ang requests para sa iyong kapwa. Banggitin sa kanya ang nararamdaman at mga hinaing na para kang nakikipag-usap sa iyong matagal na at pinakamabuting kaibigan.


5. Ibulalas nang husto ang panalangin upang magsumigasig pa ang isipan at damdamin sa kahilingan. Maging malinaw sa pag-usal at pakinggan din ang sariling panalangin.


6. Lumikha ng prayer journal ng mga bagay na gusto mong ipanalangin at mga bagay na nais ibilang sa panalangin. Huwag basta imemorya ang panalangin at baka makalimutan mo ito. Gamit ang prayer journal para makita mo kung gaano katibay ang iyong prayer time at kung paano na ang iyong mga panalangin ay matutugunan.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 15, 2020




Minsan ay nabiktima ka na ng akyat-bahay, kailangan mo nang maging maingat upang hindi na maulit pa ito para na rin sa kaligtasan ng iyong buong pamilya. Ingatan ang mga kagamitan at iba pang mahahalagang bagay sa inyong bahay. Mahirap kasing ma-traumatize ka sa ganitong sitwasyon.

Imadyinin mo na ang sarap ng tulog mo ng isang gabi at bigla mo na lang narinig na nabasag ang isang bintana o tila parang may umaaligid sa inyong bahay? Nakakakaba kaya dapat maging handa sa susunod na dapat gawin. Heto ang ilang tips para maiwasan ang mabiktima ng mga magnanakaw.

1. ALARMA. Kahit na iniisip mong ligtas pa ang inyong subdibisyon, isa pa ring mainam na ideya ay ang paglalagay ng security alarm, o alarmang direkta na sa istasyon ng pulisya. Ang ilang alarma ay pantawag pansin lamang sa nakatira at magsasabi lang na OK at ‘di OK na makakarating sa kaalaman ng pulisya.

Mayroon naman na awtomatikong activated para sa emergency police response. Magandang ideya na magkaroon ng ligtas na salita para malaman ng pulisya na tiyak kayong nasa ligtas na kalagayan o hindi.


2.MGA PINTUAN AT BINTANA. Ang mga magnanakaw ay madalas na humahanap ng simpleng target, kaya kapag nakakita sila ng bukas na bintana, iyan na ang bahay na kanilang tatangkaing pasukin. Ang pagsusi sa iyong pintuan at bintana sa gabi ay isang simpleng paraan para maiwasang pasukin ng magnanakaw, pero marami pa rin ang nakakalimot sa hakbangin na ito bago pa man matulog nang mahimbing. Ugali mo na ang alisin sa mga saksakan sa kuryente ang appliances pero ang pagsarang mabuti sa iyong bintana at pintuan ay hindi dapat makalimutan para maprotektahan ang buong pamilya.


3. LIWANAG. Ang mga Outdoor lighting ay isa sa pinakamainam na pag-iwas na iyong magagawa para layuan ka ng mga magnanakaw. Mas mainam na bumili ng energy efficient bulbs para maiwanan mong maliwanag ang iyong paligid at labas ng bahay. Kung ayaw mong magdamag na bukas ang ilaw, magpalagay ng motion detector lights na nagbubukas lamang kapag may napadaan, kaya kailangan mong magkaroon nito at kumuha na ng electrician.


4. MGA SIGNS. Alam n’yo ba ang isang simpleng sign ay paraan para maiwasang pasukin ng mga magnanakaw? May mga magnanakaw kasing alam na madaling pasukin ang bahay kung walang alarm system, pero kung may makikita silang alarm sign sa bungad ng pintuan o bintana, hahanap na lamang sila ng ibang bahay na bibiktimahin. Kaya kung wala kang alarma, magpalagay ka na nito. Ang paglalalagay din ng ‘Mag-ingat sa Aso’ ay isa pang sign na may litrato pa ng inyong mabangis na aso ay mainam na pantaboy sa magnanakaw. Sino ba ang gustong malapa ng Rottweiller o Pitbull?


5.ANG INAM NG MAY CCTV CAMERA. Ang isang security camera ay isa pang magandang pamproteksiyon. Kung kaya mong maglagay nito bilang seguridad ay mag-install na ng video screens sa paligid ng bahay kung saan maaaring makita ang mga pumapasok at lumalabas sa tahanan. Ang security cameras na ito ay puwedeng makahuli ng magnanakaw sa akto at magagamit na ebidensiya sa korte lalo na kung wala ka sa bahay.


6. ANG MGA LOCKS AT SUSIAN. Sa sandali ng iyong paglipat sa isang bahay, tandaan na palitan kaagad ang mga locks at susian, kahit na bago pa ang bahay. Tandaan na ang mga real estate agents, contractors at builders ay pawang may mga access sa iyong bahay na nilipatan at wala kang kamalay-malay diyan kung sino sa kanila ang gagawa ng kopya ng iyong susi. Konsiderahin ang pagkakaroon ng biometric locks na nagagawang basahin ang sistema ng fingerprints para mabuksan ang pintuan. Hindi mo na rito kailangan ng susi at walang keyhole para masundot ng magnanakaw. Kumuha ng locksmith at i-bump proof ang locks. Tandaan kailangan mong magkaroon ng espesyal na susi para sa bago mong locks at ito ay hindi mare-replicate sa mga hardware store.


7.SENTIDO KOMON. Kung nakuha mo na ang lahat ng mga nabanggit na mga preventive measures at mayroon pa ring nakapasok na masamang elemento sa iyong tahanan, maging handa. Tumawag kaagad sa 117 at iba pang nalalaman mong telephone number ng pulisya at saka magtago para makaiwas ka sa anumang panganib. Magpraktis ng mga ganitong pag-iingat kasama ng buong pamilya para matiyak nila ang kaligtasan at malaman kung paano makaiiwas sa ganitong sitwasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page