- BULGAR
- Sep 29, 2020
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 29, 2020

May mga tao sa mundong ito na kayang mabuhay nang walang pagkain. Ang iba sabi nila ay nabuhay nang isang beses lang kumain sa isang araw. Sila ay mga taong tinatawag na “Breatharians” dahil parang ang mahalaga lang sa kanila ay nakakahinga at sa hangin kumukuha ng lakas. Kung gusto mo itong subukan para magkaroon ka ng tsansa na maka-survive sa anumang delubyong darating, heto ang mga dapat mong gawin upang mabuhay nang walang makain.
1. Ngayon pa lang simulan mo nang limitahan ang pagkain, unti-unti mo itong gawin, matinding konsentrasyon ang kailangan dito. Huwag magplanong ihinto ang pagkain nang biglaan dahil hindi ito epektibo. Kailangan pa rin ito ng iyong katawan ng panahon para makagamay sa paggamit ng cosmic energy sa halip na hanapin ang pagkain.
2. Maging vegetarian ka muna bago mo ayawan ang kumain. Sila ang mga taong hindi na kakain ng anumang karne, keso, gatas o itlog.
3. Isipin na mahaba-haba ring panahon ang kailangan para sumuko sa pagkain nang tuluy-tuloy. Sadya kasing dumarating ang oras na takaw na takaw ka. Wala namang pumupuwersa sa’yo na gawin ito, sumige ka lang at kumain kahit na kaunti lamang. Maaaring sinasabi ng iyong katawan na kailangan nito ng higit pang panahon para makagamay.
4. Gamayan muna ang pakiramdam habang nasa proseso ka ng ilang linggo o buwan nang walang pagkain. Magpa-medical check up para malaman mo kung malusog ka pa.
5. Pagpasyahan kung gusto mong isuko ang tubig kung kaya pang pahabain ang panahon nang walang pagkain. Iyong mga walang tubig ay sinasabing nakakakuha ng tubig mula sa kanilang baga mula sa hangin na kanilang hinihingahan.
6.Wala namang katibayan na puwede kang mabuhay nang walang pagkain at tubig sa mahabang panahon. Kung susubukan mo ito, pinapahamak mo lang ang iyong buhay. Konsiderahin mo na lang ang artikulo na ito na isang uri ng impormasyon. Hindi naman inirerekomenda na sumubok kang mabuhay nang walang pagkain at tubig. Ang pagkagutom at dehydration ay puwedeng maging sanhi ng shock, permanenteng pagkainutil at kamatayan.






