- BULGAR
- Oct 17, 2020
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 17, 2020

Kamakailan lang ay may isang batambatang Indonesian terrorist ang nasakote ng mga awtoridad kasunod ng malagim na pambobomba sa Jolo, Sulu. Napag-alaman na isa siyang suicide bomber. Sa matinding pag-iingat na dapat gawin ng lahat ng tao sa ngayon, isa sa pinakamahalagang katangian ng isang pangkaraniwang tao na dapat pag-ibayuhin ay ang abilidad na maispatan ang hitsura ng isang terorista. Ito ang mahalagang katangian para matiyak ang pangmaramihan at personal na seguridad ng lahat at agad na ring madakip ang mga ito bago pa makapahamak ng maraming tao.
Ang maging mulat sa paligid at alamin kung paano reresponde ng tama sa isang nakasisindak na senaryo ay may malaking tulong sa pagsupil sa mapanganib na aktibidad ng mga kriminal bago mailagay ang buong komunidad sa peligro.
1.Bigyang pansin ang kapaligiran sa lahat ng oras, lalo na kapag may aktibong terrorist alert sa mataong lugar. Nagtatagumpay sa paghahasik ng lagim ang mga terorista sa mas maraming tao, sisirain ang kasayahan at pagiging abala ng marami sa isang lugar.
2.Manatiling lumayo sa lugar na may banta. Habang alisto, ang trabaho mo ay hindi lang vigilante lalo na kapag naispatan ang terorista.
3. Agad ipagbigay alam sa pulisya kapag nakakita ka ng mga aktibidad ng panganib. Kapag nag-alangan ka pa ay malalagay lang kayo sa peligro.
4. Umalis agad sa lugar kapag may napansin kang masamang intensiyon. Kapag tatambay ka riyan ay baka mas mauna ka pang mabiktima.
5. Tingnan ang taong nakasuot ng baggy clothes o cargo pants na baka may bitbit na mga mapanganib na bagay sa katawan. Lalo na kung baguhan pa lang ang mukha niya roon.
6. Ireport agad ang mga malalaking kagamitan o bag na iniwan sa isang lugar o kapag may naamoy kang hindi maganda at naglalangis na parte ng bag. Puwedeng bomba ang laman niyan.






